CHAPTER NINETEEN
BATTLE OF BEAUTIES(Ele)
Gumising ako ng maaga sabi kasi ni Manang Elsa mamamalengke daw siya sa bayan, sakto dahil plano kong magluto ng kare kare para kay Nine. Paglabas ko ng cabin nakita ko kaagad si Nine na nakadungaw sa bintana ewan ko ba kung ano ang iniisip niya kaya nginitian ko lang siya.
“Seryoso? Ngiti lang walang I love you” sabi niya natawa naman ako dun ikaw ba ganyanin ng isang gwapong nilalang.
“Fine, Good Morning I love you!!!” sigaw ko kasi naman nasa baba pa ako siya nasa bintana pa, engot di manlang bumaba.
“Nandito kana pala sakto lang gising mo ija pupunta na tayo” sabi ni Manang Elsa kalalabas lang niya sa pintuan may dalang basket at payong, napataas kilay naman si Nine.
“Saan kayo pupunta aber?” bumaba na siya tapos hinalikan niya ako sa pisnge.
“Mamamalengke bakit?”
Napatingin siya sakin parang na shock ng I mention ko ang word na palengke naka cross arms siya at tumingin sakin na parang hinuhuli ang expression ko. “Bakit?” tanong ko sa kanya.
“Palengke?” nakataas parin ang kilay niya, taray.
Tinaasan ko rin siya ng kilay “Oh bakit may mali ba sa palengke?” naka pameywang narin ako sa harap niya.
“Hindi mo type dun”
Bago paman ako makasagot sa kanya e lumabas na ang nanay niya mula sa backdoor, if I’m not mistaken dirty kitchen ang tawag dun.
“Oh sya sya tara na baka tayo maubusan ng ingredients, Nine dito kalang muna”
“Teka!! Sasama nalang ako” toinks baka mabulilyaso ang plano kong surpresahin siya.
“Aish Nine, Mahal ko dito ka nalang muna please” sabi ko sa isang malambing na way ,nag puppy eyes na ako sa kanya at nagmakaawa.
“Hindi!!, baka anong maano sayo dun”
Napatingin ako sa kanya “Anong maano?”
“Ele, sasama kaba o hindi?” sigaw ni Manang Elsa nakalabas na pala ito ng gate at nag papara na ng tricycle.
“Oh sige na nga hindi na ako sasama hihintayin ko nalang kayo dito”
Yes! Buti naman at hindi nag makulit itong taong to ,kundi wasak na ang plano ko. Ganito kasi yon, ipagluluto ko siya ng kare-kare syempre hindi pa ako kumakain non kaya gusto ko ding makatikim ang pinagkaibahan lang e ako yong magluluto tutulongan lang daw ako ni Manang Elsa. Woah another challenge for me.
Dumating kami sa palengke at umalingasaw agad sakin ang manlansang amoy ng mga isda at mga tunog ng kutsilyo ng mga nag chchop ng mga karneng baboy, dumaan kami sa isang stall ng mga bigas.
“Bigas muna ang bibilhin natin tapos ipapagiling natin dun sa bandang yon” itinuro ni Manang Elsa ang stall ng isang pagilingan ata ng bigas 'yon bang pinipino ang bigas as in sobrang pino siguro pagnapunta ang daliri mo sa machine nayon nako para kanang nilagay sa treadmill oo maliit na treadmill.
Matapos naming bumili ng bigas e bumili naman kami ng Mani tapos ipapagiling daw din, tapos sinonod namin ang talong, baguio beans tapos mga iba pang pampalasa at hinuli na namin ang pagbili ng karne.
“Ele ija ipagiling muna ito doon habang hinihintay ko itong mani” magkaiba kasi ang pagilingan ng bigas at mani.
Naglakad ako papunta sa stall ng pagilingan na sobrang nakakailang dahil halos lahat ng mga tao napapatingin sakin, 'yong mga nag chchop ng karne napapatigil, nako ito naba yong sinasabi ni nine na baka maano ako, yumuko nalang ako at naglakad.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...