Haay! Ang sakit sa likod ko! Ikaw kaya matulog sa papag?
Hindi naman ako nainitan kagabi. In fact ang sarap sa pakiramdam, parang nasa bahay lang din but minus the aircon and the very soft and comfy cushion.
Napatigil ako sa pag unat ng may marinig akong katok.
Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin si Unggoy na nag sasalita. Ano kaya magiging reaction ni Nine kung malaman niya na tinatawag ko siyang unggoy na nag sasalita?
"Oh, hindi mo man lang ba ako papapasukin?" bungad niya habang nakangiti.
"Hindi pa ako naligo, eh."
Natawa siya.
"Ano nakakatawa doon, aber?" naka pameywang na sita ko kunwari.
"Kasi naman yayayain sana kitang maligo doon sa sapa."
"Ahh. Sige. Wait lang. Magbibihis lang ako."
Pumunta ako sa kusina. Doon lang kasi nakalagay ang mga gamit ko. Wala akong cabinet dito so nasa maleta ko pa rin sila hanggang ngayon. Nagsuot ako ng shorts ng sobrag ikli dahil maliligo daw kami sa sapa alang naman suotin ko yung pajama.
Nang lumabas ako natuwa ako sa expression ni Nine, nakakatawa yung mga mata niya kasi parang it’s his first time to see a girl wearing such super ikling shorts.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" sabi ko.
Nag iwas siya ng tingin. "Wala. Tss, wala ka na bang pwedeng isuot? Baka kagatin ka ng ahas diyan."
"Literally?" Pilya kong tanong.
Napakamot siya sa ulo "Ha? Oo, literally, marami kasing ahas diyan na nanunuklaw nalang basta basta'"
Parang ang suplado lang nito.
"Ito ang OA. Wala na po akong ibang susuotin, light traveler po ako. May dala akong two piece suit. Gusto mo yun suotin ko?" pagbibiro ko pa.
"Aish wag na, baka matuklaw kita ng hindi oras."
Tapos lumabas siya. Tama bang iwan ako? Aish, unggoy na nagsasalita talaga.
Hinabol ko siya. "Oi wait!!!"
Ang layo na niya."Oi, you invited me, manghintay ka naman, oh."
Hindi parin niya ako nilingon. Hindi ko napigilan ang sarili kong tawagin siya sa nickname na ginawa ko para sa kaniya. "Hoy, nagsasalitang unggoy!" And it was too late to cover my mouth.
Timigil siya sa paglalakad. Patay! Humarap siya sakin tapos he smiled. Iyon bang evil smile. Eh, may binabalak ata tong taong 'to, ay esti unggoy na nag sasalita.
"Ano sabi mo?” Tinuro niya ang kanyang sarili “Ako? Unggoy?"
Nag smile ako sa kanya. "Matsing ka!
Nabigla ako ng bigla niya akong binuhat na parang isang bride. "Hey, let me go, damn you!" tili ko sabay hampas sa dibdib niya.
"Damn you sinasabi mo? Hindi ako unggoy!"
Malapit na kami sa ilog. "Hoy, wag mo akong itapon! I don't know how to swim!"
Pero hindi niya ako pinakinggan! Talagang inihagis niya ako at hindi talaga ako marunong lumanggoy! Kaya naman unti-unti akong lumubog. I cried for help.
Then i passed out.
A minute later nararamdaman kong may dumadampi sa labi ko at binibigyan ako ng hangin.
Maraming tubig ang lumabas sa bibig ko... teka ano ba...
Minulat ko ang mga mata ko at may naaninag akong lalaki na nasa dibdib ko ang mga palad.
Wala nang tubig pero ang sakit ng dibdib ko.
Nang magclear ang vision ko, ang worried face ni Nine kaagad ang tumambad sa akin.
"Ok ka lang? Sorry."
"Ok, in your face!" Pagtataray ko siya.
May gana pa talaga siyang mag-alala, samantalang walang awa niya akong itinapon sa ilog.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...