Chapter 16: Ache ✔

192 30 11
                                    

CHAPTER SIXTEEN

(ELE)

Pero Hindi pala….

Akala ko magiging masaya na ako forever 'yon pala pansamantala lang 'yon ,kasi ngayon ay nandito kami sa hospital inatake nanaman sa puso si Nine, at ngayon nasa critical na condition na ang puso niya, medyo pumapayat narin siya kasi hindi na ganon ka lakas ang kanyang resistensiya.

“Kumain kana kasi e” Sinusubukan ko siyang subuan ng lugaw na niluto ng kanyang mama.

Umiling-iling siya “A-yo-ko”

“Nine, gusto mo bang gumaling o hindi?”

Tumingin siya sakin medyo matamlay na ang kanyang mga mata at halos lumunod na ito sa kanyang mga pisnge.

 “Gusto. Pero Ele hindi na ako mapapagaling ng lugaw nayan” sabi niya. Tama siya hindi na siya mapapagaling ng lugaw na ito kasi ang layo ng puso sa bituka.

“Kahit na. Lagyan mo naman ng laman yang tyan mo” pagmamakulit ko.

Pero kahit anong gawin ko e ayaw parin niyang kumain ,kahit nga ang nanay niya ay hindi siya napapapilit kumain, nawawalan na daw siya ng pag-asa.

Matapos siyang ihanda sa higaan ng kanyang nanay. Umalis si Manang Elsa pupunta lang daw ng bayan, kaya kami nalang ni Nine ang naiwan dito sa hospital. Umupo ako sa tabi niya.

“Nine?”

Iminulat  niya ang kanyang mga mata at tumingin sa akin. “Bakit?”

“Nasaan na ang pangako mong lalaban ka para sakin?” Tanong ko.

“Lumalaban naman ako ah” sabi niya. Hindi na ganon ka husky ang boses niya medyo mahina na ito at paos.

“Lumalaban ba ang tawag sa hindi kumakain!?, lumalaban ba ang tawag sa ayaw mag pa heart transplant!?” Sigaw ko sa kanya pero hindi naman yon kalakasan kasi nga bawal mag ingay dito sa hospital.

Huminga siya ng malalim “Bakit? Hindi pa ba sapat ang nakikita mo pa akong humihinga ngayon sa harapan mo?, hindi pa ba yon sapat para tawaging lumalaban?”

That leave me speechless. Ibig sabihin ba niya kung wala ako sa harapan niya e wala na siya ngayon?.

Hindi ko napigilan umiyak, kaya tumalikod nalang ako.

“Ele wag kanamang umiyak oh” sabi niya sa likoran ko.

“Anong gusto mo tumawa ako?”

Hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko parin siya nilingon “Lumalaban naman ako ah sadyang wala lang talaga akong laban sa kalaban ko”

Napatingin ako sa kanya pinahiran ko ang luha na tumulo sa mga mata ko “Anong ibig mong sabihin?”

“Hindi mo ba narinig ang sabi ng doctor na 50-50 ang chance na mabuhay ako kahit pa magpa heartransplant ako, dahil delikado at maselan ang operasyon sa Puso” Naka yuko lang siya habang sinasabi ang mga iyon hindi ko napigilan ang yakapin siya.

“Gagawin ko ang lahat Nine”

Hinagod niya ang ang ulo ko at hinalikan iyon, narinig ko siyang ngumisi “Ssshh sapat na ang presensya mo Mahal ko” Gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko yon.

(Nine)

Nagising nalang ako sa isang nakakabinging hilik, humihilik pala si Ele at nakatulog na pala ito ng nakayuko sa tabi ng kama ko, hinawakan ko ang kanyang ulo at hinagod ito nakakaawa naman ang mahal ko nahihirapan dahil sakin, bigla naman akong nakaramdam ng kirot sa aking dib dib lecheng sakit bakit sakin ka napunta at bakit sa maling panahon pa gayong masayang masaya na ako sa piling ng mga taong kumukumpleto sa buhay ko.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon