CHAPTER SIX: ABS SENSE
(NINE'S POV)
I'm Nine Angelo Verbos, wala namang maganda sa buhay ko si Ele lang, oo may crush ako kay Ele noon pa.
Oo, noong una ko siyang nakita sa sasakyan nila at maliban doon may isa pang pangyayari... nakakabakla ba?
Tol, Parang na love at first sight ako kay Ele eh kaya naman sa sobrang pag-iisip ko inatake ako sa puso.
Ang sakit ng dibdib ko "Ahhh ,nay!!" Hindi ko na talaga kaya, lintik na sakit to bakit ako pa ang piniling magkaroon nito.
Pumasok agad si Nanay dito sa kwarto ko galing ata sita sa kusina.
Basa pa ang kaniyang kamay ng hawakan ang kamay ko na nakawak sa dibdib ko.
"Nine, ano nangyayari sayo?"
"Nay! Yung dib dib ko parang tinutusok." Hawak hawak ko ang dib dib ko nagugusot na ang damit ko sa kapipisil.
Hinawakan ni nanay ang kamay ko na nakasapo sa aking dib dib "Umaatake na naman yung sakit mo, bakit kasi ayaw mong magpa heart transplant?"
"A-yo-ko ng pu-so ng i-ba" Pag mamatigas ko.
Binigyan ako ng painkiller ni Mama at nakahinga ako ng maayos.
***
(ELEANOR'S POV)
Nakaharap ako sa salamin at tinitingnan ang mga natamo kong galos kanina. Walang hiyang unggoy na yun, ayan tuloy nagka galos yung legs ko.
Pag labas na paglabas ko sa banyo nakita ko ang mama ni nine na nakaupo sa maliit kong silya dito sa cabin.
"Goodevening po," tinanggal ko ang tuwalya sa ulo ko at inilagay ko iyon sa sandalan ng maliit na silya.
"Magandang gabi din ija, ito pinagluto kita ng makakain, alam kong hindi kapa nag hahapunan."
Iniabot niya ang isang kaldero sa kin, at inilapag ko yon sa lamesa.
"Naaaay!!!" Pumasok si Unggoy, pero bakit parang namumutla siya? nagkakasakit ba ang mga unggoy.
Napatingin ang ina niya sa kanya "Oh, bakit ka nandito?, dapat kang mag-"
Pero bago pa tapusin ni manag elsa ang sasabihin niya ay inakbayan siya ni Nine, na ikinabigla nito. "Nay, ok lang, mamaya nalang ako bibili."
Parang nabigla si Manang Elsa sa sinabi ng anak "Oh, siya sige , mauna na ako," at lumabas na ang mama niya.
Ang weird talaga nilang mag nanay.
Naiwan kaming dalawa, umupo si Nine sa natatanging upuan ko dito sa cabin, ako naman ay umupo nalang sa higaan ko. Tahimik lang siya "Ok kalang ba?" Tinanong ko siya para naman ma break ang silence, ewan ko ba parang may kumurot sa dib dib ko concern ata ako.
Ay! bakit ako maaawa? hindi nga naawa sakin kanina nang itapon ako sa ilog.
"Sus ako? kelan pa ako hindi naging ok?"
Tapos biglang siyang tumayo. "Tara."
Nagtaka ako "Saan?"
"Sa bukid mangunguha ng buko, inu- uhaw ako," sabi niya tapos lumabas na siya ng tuluyan, ang weird niya parang kanina lang masigla tapos biglang tumamlay, ay ewan ko ba sa Unggoy na ito.
Habang naglalakad kami papuntang bukid nag tanong siya. "Galit kapa ba sakin?"
"Paki mo ba?" tinarayan ko lang siya, nakasunod lang ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...