CHAPTER TWENTY THREE
Halos mabaliw na si Ele sa kalalakad papunta sa hospital basa narin ang kanyang hawak-hawak na panyo. Nang maatinag niya ang mga ilaw ng hospital ay agad siyang pumasok ngunit biglang nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay, nasalo siya ng mga naka duty na nurse.
Mga ilang minuto din ang lumipas at natapos na ang operasyon ni Nine.
Lumabas si Doctor Montejo upang kausapin si Manang Elsa na kasalukuyang nakaupo sa labas ng operating room kasama si ang mama Tanya ni Ele.
"Mrs. Verbos sobrang malubha na ang kalagayan ng inyong anak, opo tagumpay po ang operasyon niya pero ang katawan na niya ang umaayaw sa mga medications" Napahagolhol naman ang ina ni Nine pati narin ang mommny ni Ele ay napaluha narin.
***
Nagising si Ele sa loob ng isang puting kwarto, malamig ito. Dyos ko nasa langit na ba ako? Sambit niya sa kanyang sarili may kung sino ang pumisil sa kanyang mga kamay.
"Nine?"
"Bessie are you ok?" kanina pa nakabantay sa kanya si Cassandra na halatang sobrang nag aalala.
"Where's Nine?" Tanong ni Ele ng makita niyang wala sa kanyang tabi ang mahal niya.
Tumungo lang si Cassandra dahilan ng pagtulo nanaman ng mga luha ni Ele.
"Cassandra nasan si Nine?" Pero hindi umimik si kansandra lalo siyang kinakabahan.
Dali-dali siyang tumayo pinilit niyang lumakad kahit medyo nahihilo pa siya kailangan niyang makita si Nine kailangan niyang masiguro na buhay ito at tagumpay ang operation.
"Eleanor bumalik ka dito!!" galit na si Cassandra bakit naman kasi nagpapakanda loko ang kanyang kaibigan sa lalaking malubha na ang sakit, pero hindi siya nito pinakingan.
"Ele!! Makakasama sayo yan" naabotan na niya ito sa hallway ng hospital nakakapit ito sa ding-ding sinusuportahan ang sarili.
"Leave me alone!!!" Sigaw ni Eleanor kay Cassandra
"Can you just please calm down!!"
Nagsisigawan na sila sa hallway ng hospital pinagtitinginan na sila ng mga tao, agad na nakaramdam ng sakit sa ulo si Ele, nahihilo siya agad siyang tumakbo sa isang malapit na C.R at doon naduwal naghilamos siya ng mukha at tinitigan ang sarili sasalamin.
"You are so beautiful pero bakit ka nagkakaganito ngayon ha?!!" sigaw niya sa reflection sa salamin.
Naabotan siya ni Cassandra, naduwal nanaman si Eleanor at tinulungan siya nito.
"Ele you have to go back to your room" sabi ni Cassandra habang hinahagod ang likuran ni Eleanor.
"Why?, I want to see him" pagmamatigas ni Ele. Agad siyang lumabas ng banyo pero pinigilan siya ni Cassandra.
Nag buntong hinga ito at tumingin kay Ele "You have to rest b-ca-use you.. are pregnant" Dirediretsong sagot ni Cassandra kay Ele, natulala naman ito at napaupo sa sahig ng dahan dahan at umiyak.
"God!! Did mom and dad know about this?" Para siyang sinukluban ng langit ang bigat ng kanyang pakiramdam parang gusto na niyang magunaw ang mundo.
Nagnod naman si Cassandra "They are the one who told me, baka yong mga doctor ang nagsabi sa kanila"
Mas lalo siyang pinanghinaan ng loob ano kaya ang gagawin niya dito kailangan niya si Nine hindi niya kaya itong mag-isa, nasalampak nalang siya sa sahig habang yakap yakap ni Cassandra.
"NINE!!!!!! Please help me" Sigaw ni Eleanor na paiyak nadin si Cassandra. Hindi niya aakalaing magiging ganito ang buhay ng bestfriend niya.
***
Ang buhay ay kasing ikli lang ng pag sisiesta sa hapon, oo ganon lang kadali yun kaya hindi ni Nine maisip kung bakit hanggang ngayon ay kumakapit parin siya sa mga tube na nakakabit sa kanya.
Sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata ngunit wala siyang nakikitang tao, tanging ang sounds lang ng life machine ang kanyang naririnig. Maya maya pa ay may narinig siyang nagbukas ng pinto.
"Eleanor?" sabi niya sa kanyang isipan pero alam niya di ito narinig ng taong pumasok, naramdaman niyang biglang may pumisil sa kanyang mga kamay, gusto niya itong itaboy ngunit hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay at paa.
"Nine" isang panlalaking tinig ang pumukaw sa kanyang attention "Buntis ang anak ko at alam ko na ikaw ang ama non dahil kilala ko ang anak ko"
HA? Buntis si Eleanor, gusto niyang maging masaya, gusto niyang sumigaw pero ayaw parin mag responde ng kanyang katawan. Ano ba nangyayari sa kanya kailangan niyang puntahan ang mahal niya, kailangan niyang puntahan ang magiging pamilya niya.
Nakaramdam ulit siya ng kirot, naramdaman niyang parang may kung anong bumabaon sa kanyang dib-dib. Biglang naglaho ang mga tinig ng mga ilang minuto at napalitan ito, iba na ang boses na kanyang naririnig lalaki padin ito, pero hindi na tulad ng isa.
"Under Major Paralysis si Nine Lex, nasa kanya nalang ang desisyon. Dapat maging handa nalang tayong lahat, lalo na ang anak mo"
"Wala na ba talaga tayong magagawa?"
"Lahat ng medication ay tinangihan ng katawan niya, yung puso na pinangpalit natin ay mukhang hindi tinatanggap ng katawan niya"
Wala ng naririnig na kung ano si Nine, hindi talaga siya makagalaw tinangka niyang galawin ang kanyang mga kamay pero wala, alam niyang hindi niya ito makakayanan. Bigla nanaman siyang nakaramdam ng sobrang sakit, ngunit hindi siya makasigaw dahil hindi sumusunod ang kanyang katawan. Napapagod na siya.
Nakaramdam siya ng sobrang lamig, lamig na hindi niya pa naramdaman sa buong buhay niya, bumibigat ang kanyang buong katawan na parang hinuhugot siya sa kawalan, hanggang sa parang nakalutang nalang siya.
Ele! Mahal na mahal kita, mahal na mahal ko kayong dalawa sambit ni Nine.
***
Narinig ni Lex at Doctor Montejona biglang tumunog ang life machine ni Nine. Tinawag ni Doctor Montejo ang ibang Nurse at biglang nagkagulo sa loob ng room ni Nine.
Hinawakan ni Doctor Knoxx sa may bandang leeg si Nine upang tingnan ang pulso, meron pa ito pero sobrang hina na
"Still has pulse"
Nakakabingi ang mga tao sa loob ng kwarto ni Nine kaya lumabas muna si Lex, at nilapitang sina Manang Elsa na tinangkang pumasok ngunit hindi sila pinapasok kaya nagpasya nalang ito na pumunta sa chapel, nagpa iwan naman si Lex at Tanya.
Umiyak ng umiyak si Manang Elsa sa harap ng diyos pagbalik niya ng kwarto ay tinatabunan na ng kumot si Nine, agad niya itong niyakap.
"Nine!!! Anak ko, mahal na mahal kita"
Saktong alas dyes ng gabing yun ay isinuko na nga ni Nine ang kanyang sarili sa panginoon hindi na nakayanan ng kanyang puso na magkaroon pa siya ng pangalawang buhay.
Agad na tumakbo papunta sa loob ng room sina Tanya at Lex na umupo sa di kalayuan at nakita ang naghihinagpis na Elsa.
Lumabas si Lex sa kwarto at sumandal sa pader, biglang tumulo ang kanyang luha, naalala niya kung gaano kasaya ang kanyang anak kasama ang binata.
"Dad, what have you done to Ele, and to me paano ko sasabihin sa anak ko 'to? Hindi ko kaya "
Napaupo nalang siya sa sahig habang umiiyak ng bigla niyang nakita ang kanyang anak na maputlang naglalakad ng dahan-dahan palapit sa kanya.
"Ele what are you doing here you are sup"
Hindi na siya nito pinatapos at biglang pumasok sa loob ng Kwarto.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...