Chapter 15: They are who? ✔

198 33 11
                                    

CHAPTER FIFTEEN

(ELE)

Binilisan ko ang lakad "Nine?" hinihila ko na siya.

"Oh?" "Aray!!” Napatigin ako sa kanya bigla, akala ko inatake nanaman siya yon pala natisod pala siya ng bato sa kakahabol sa kin, nakalimutan kong may sakit pala ang kasama ko.

Hinawakan ko siya sa balikat , "Anong nangyari?"

Tinadyakan niya ang batong nakatisod sa kanya "Lecheng bato!!, ano nga ba sinasabi mo?"

"Sabi ko Sapokin mo nga ako?"

Nabigla siya "Hala, bakit? ayoko nga!!"

Sinampal ko ang mukha ko pero slight lang naman "Nananaginip lang ata ako"

Napatingin si Nine sa direksyon ng paningin ko, tapos pinagmasdan niya ang mukha ko "Gusto mo rin ng yakap?"

Inirapan ko siya ng masama, nakakapagod din yong pinag gagawa namin, tapos sobrang layo ng nilakad namin , tapos ito bubungad sakin siyempre naguguluhan ako .

"Tange!!! ewan ko sayo" iniwan ko siya

Hindi pa ako nakakalayo hinablot niya braso ko "Sorry na Mahal, bakit kasi?"

Tinuro ko sa kanya."Hindi mo ba nakikita yong dalawang magkayakap na yon?"

Tumigin siya doon, tapos bumalik din ang tingin niya sakin tapos hinawakan ang dalawang balikat ko at yinogyog niya ako habang sinasabing "Bakit ex mo ba yon?, sinundan ka ba niya, kukunin kana ba niya? bakit siya may kayakap? ,pinapa selos ka ba niya"

What? ang daming sinabi natawa nalang ako ng sabihin niyang boyfriend ko yon e siya naman ang boyfriend ko naku Nine ang swerte ko kung ang isang lex guevarra maging boyfriend ko. Pero wala ng mas ika sswerte ko dahil tatay ko yon.

"Hahaha OA Mo, hindi noh!!! Tatay ko yon"

Napatingin si Nine , nakatalikod kasi si daddy samin napa face palm nalang siya "Ayy, bakit kayakap niya si Aling Tanya?" sa wakas naka gets din.

 "Bakit ako tinatanong mo?, I dont know!!, tara na nga" Tumakbo na ko papalapit sa dalawang nagyayakapan "Dad?!!"

Napabitiw si dad kay aling Tanya at napatingin siya sakin, bakit kaya siya nandito? at bakit niya kayakap si Aling Tanya? mag on ba sila, teka bakit wala akong alam sa love life ng daddy ko.

"Ele?"

Yinakap ko siya.. "Dad, what are you doing here and why are you two exchanging passionate hugs?"

Natawa si daddy bakit naman kasi napaenglish ako ng deretso.

 Humarap siya kay aling tanya,na parang kinakabahan "Ele, meet your Mommy"

Mommy? What!!! si Aling Tanya ang nanay ko!? Nanlaki ang mga mata ko. "Mommy? How?" napatingin ako kay Nine na ngayon ay tulala din kagaya ko.

"Let me explain!!"

At ayon nga inexplain nga ni dad, I can't believe it! sa tinagal tagal ko dito sa earth e hindi ko alam na hindi pala ako galing sa hospital kundi galing sa isang basket at anak ng isang GRO dati!! at hindi rin ako makapaniwala na ang taong nag comfort sakin nung nasa hospital si Nine ay nanay ko pala what a small world .

Pumasok kami sa bahay nila Nine lumalamig na kasi sa labas, na schock nga si Manang Elsa nong nakita niya si Dad. Ito pa ang isang revelation magkababata pala si daddy at Manang Elsa sabay silang lumaki sa Mansion nila lolo at kaibigan nila ang sumakabilang bahay na ama ni Nine. Take not sumakabilang bahay hindi buhay.

Habang naghahapunan napapatingin nalang ako kay dad at Aling Tanya ay este Mommy. Yes! may Mommy na ako hindi na ako tutuksuhin ng kung sino diyan, complete na ang puzzle namin ni daddy.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon