Chapter 14: Responsibilidad ✔

242 32 17
                                    

( LEX GUEVARRA'S POV)

Mahirap magpalaki ng anak mag-isa. Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tinulongan nila akong palakihin ng maayos si Ele, kaso may isang bagay talaga na hindi ko mawari at 'yon ay kung nasaan ang ina ni Ele, hindi ko kasi ito nakita mula ng maglasing ako sa bar dahil sa arrange marriage.

I tried to not think of her and tried going out with other womens but It didn't work.

Napapikit si Lex upang maalala ang mga pangyayari.

Tang ina!!. Umagang umaga ang ingay ingay.

Pumanhik siya sa garden at nakita niyang nagkakagulo ang 3 katulong niya at ang kaniyang driver.

"ANO BA YANG PINAGKAKAGULUHAN NIYO?!!!!" Hindi ako naninigaw pero, masakit  talaga ang ulo ko kaya don’t mess with me.

Natahimik sila nang makita nila akon naglalakad palapit sa kanilang kinaroroonan, at nang makarating ako sa harapan ay humarap sila sa akin isa-isa.

“S-ir, ano po e-h” Nanginginig na sabi nung isa.

Nakita kong meron silang tinatago sa likod.

"Ano ba yan? Alis diyan." Tinabig ko sila at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita, isang sangol na nakasilid sa basket. Napakaganda parang angel.

"Kanino to?" sabay turo sa sanggol.

"Hindi po namin alam sir, noong binuksan ko po yung gate para magwalis sa labas nakita ko na po yan, naawa po ako kaya dinala ko nalang dito sa loob." Nakatungo na sabi ng isa ko pang katulong na halatang natatakot sakin. Matakot kayo dahil inistorbo niyo ako.

Tiningnan ko ulit ang sanggol, bakit parang nawala ang sakit ng ulo ko at may naramdaman akong kirot sa kaliwang dibdib ko. Ano ba to? Pucha!! Lukso ng Dugo? para na akong bading nito.

"Sir?"

Binaling ko ang atensyon ko sa isa ko pang katulong. Kanina pa pala ako nakatitig sa bata. Iniwas ko ang aking atensyon at humarap sa aking katulong

"Bakit?"

"Ehh sir... mmay nakalagay po kasing sulat sa ibabaw ng sanggol kanina, eto po oh" May iniabot na puting papel ang katulong ko sakin. Kinuha ko ito sa kanya at binasa ko ang nilalaman nito.

Malamang ay hindi mo na ako matandaan, ni hindi mo manlang nga ata naitanong ang aking pangalan. Anak niyo po ito Sir Lexx hindi ko siya kayang buhayin sa kakarampot kong sahod, pasensya na po sa abala.

Alagaan niyo po siya ng mabuti.

-T

Nak ng Pucha!! Initials lang walang inilagay na address kung saan pwedi ko tong isa 'to. Baliw siguro 'to ni wala nga akong girlfriend tapos magkaka anak ako?, pucha!!I

Pinikit ko ang mga mata ko...

Patay sinding ilaw, alak, babae!! Pucha!!,

Hindi pala ako gumamit ng proteksyon noong gabing yun?

Wala ako sa sarili, matagal na yun. Naman oh pahamak, sumakit ulit ang ulo ko. Itinapon ko ang sulat, ba bigla naman itong pinulot ni Mana Ising, ang pinakamatanda kong katulong dito sa bahay ko.

Binasa niya ang sulat, ngunit wala siyang sinabi na kahit ano.

"Mana Ising, alagaan niyo muna ang bata, pakainin niyo, hindi ko alam, hindi pa ako sigurado kung anak ko nga yan."

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon