Chapter 4: Pagkain Nila ✔

394 72 88
                                    

Dumidilim na ang kalangitan at nakakatakot doon sa river kaya nagpasya na lang akong bumalik na sa cabin. Saktong paparating na ako sa bakod ng bahay nina Manang Elsa nang makita kong papaalis na ang sasakyan ng mga katulong.

Okay Ele. There's no turning back na.

Bigla ko tuloy na-miss si Daddy.

"Oh hija, mabuti at nandito ka na," bungad sakin ni Manang Elsa. "Kakaalis lang ng mga katulong mo. Maghapunan ka na muna at nang maipakilala kita sa anak ko."

Sumunod naman ako sa kanya papunta sa kanilang bahay.

Ang cute lang. Hindi ito kalakihan at hindi rin siya magara pero ang cute kasi all wooden. May maliit lang na mesa tapos may radio sa ibabaw na siyang source siguro ng kanilang entertainment.

"Maupo ka muna, hija. Hintayin lang natin konti yung anak ko. Bumili lang muna siya ng ketchup."

Sana naman babae ang anaka ni Manang Elsa para may maka vibes ako dito kahit papano.

Umupo ako at naupo rin siya sa tabi ko. "Ano ba buong pangalan mo?" tanong niya sakin.

"Eleanor Belle Guevarra po," sabi ko, habang nililibot ang paningin sa mga medals na nakapaskin sa ding-ding na medyo sira-sira na at tinagpian lang ng linoleum.

"Ang ganda ng pangalan mo, bagay sayo."

Napatango nalang ako, "Ah salamat po."

Bago paman siya makapagtanong ulit, may ingay na umalingawngaw sa labas ng bahay. "NAY!!! NANDITO NA ANG GWAPO NIYONG ANAK!!!!"

That voice sounds familiar...

Nagbukas ang pinto at iniluwal si Unggoy na nag sasalita, ay este Nine pala. Inilapag niya ang bote ng ketchup tapos tumingin sakin "Sabi ko na nga ba nandito ka."

"Magkakilala na kayo?" tanong ni Manang Elsa.

Umakbay si Nine kay Manang Elsa, "Opo, Nay ex-girlfriend ko."

Ano daw? Ex-girlfriend?! "Uy hindi ah! Ngayon lang nga kita nakilala eh."

Natawa nalang si Manang Elsa "Sya-sya, mamaya na kayo magbiroan at nagugutom na ako."

Pumanhik kami sa hapagkainan na sobrang liit na sa tantya ko ay pang dalawahan lang. Umupo ako sa harapan ni Manang Elsa at tumabi sakin si Nine.

Hindi pa ako kumukuha ng pagkain. Because they look odd to me.

Tumingin sa akin si Nine na nakahalatang hindi ko kilala yong mga pagkaing nakahain.

"Kumakain ka ng tuyo?" tanong niya sakin sabay turo sa isa sa mga inihain ng nanay niya.

"Kumakain ka ng tuyo?" tanong niya sakin sabay turo sa isa sa mga inihain ng nanay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tuyo?"

"Dried salted fish in English," nilagyan niya ng dried fish daw yong pingan ko.

Ngayon alam ko na kung bakit dried fish kasi it was really processed and dehydrated hanggang sa numipis ang isda.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon