Chapter 20: She's here ✔

183 30 6
                                    

CHAPTER TWENTY

(Ele)

One week nalang at babalik na ako ng Manila all set na ang mga gamit ko.

At kasama ko si Nine na sa una ay ayaw niyang magpamanila pero dahil narin sa pagmamahal niya sakin ay napilit ko siyang sumama, syempre kasama din si Manang Elsa nandoon naman ang mommy ko so I assume na hindi siya ma bobored dun. Hopefully hindi niya mamiss mga halaman niya dito sa bahay nila.

Nasa kalagitnaan ako ng pag iimpake sa mga natitira kong gamit ng biglang may kumatok sa cabin ko, nagtaka ako dahil hindi naman kumakatok si Nine.

“Sino yan?”

“Bestie!!!” 

Oh My Gosh nakalimutan ko si Cassandra pala ang magsusundo sakin dito sa probinsya at talaga naman oo , super on time.

Pagbukas ko ng pinto ay kaagad ko siyang niyakap nakakamiss kaya, halos dalawang buwan kaming hindi nagkita.

“Hala, bestie tumaba ka ata dito” sabi niya habang iniinspection ang katawan ko.

"Masarap kaya pagkain dito” nag lit naman ang mukha niya pano ba kasi baboy siya, joke maganda ang hugis ng katawan niya hindi yan tumataba kahit sobrang dami kung kumain.

Pinapasok ko siya sa cabin “Naks!! Na waley research mo bestie ang ganda ng bahay mo” sabi niya habang naglilibot sa cabin pinasok nadin niya ang kanyang dalang maleta.

“Sino naghatid sayo dito” nakaupo na kami sa duyan.

“Pinasundo ako ni tito lex sa bahay siguro yong driver ko kanina e yon din ang driver mo papunta dito”

“Bes, Nine is sick” Di ko pa pala sa kanya nasasabi ang condition ni Nine.

“Anong sick, may lagnat?” Pagtataka nito.

“No, he has a heart disease and just like lolo baka iwan din niya ako” Niyakap ko si Cassandra at umiyak ako matagal ko ng gustong may makausap tungkol dito kaso wala akong kakilala, maybe si Aling Tanya na Mommy ko kung hindi muna siya sumama kay dad maybe siya naging sandalan ko pero part ata ng challenge na to na I deal ko ang mga ganitong problema ng mag-isa.

“Shhhh hindi yon mangyayari” hinahagod niya ang likod ko na miss ko talaga ang babaeng to.

“Pano mo nasabi yan?” tanong ko sa kanya habang pinupunasan ko ang aking luha.

 “I can feel it” yon lang sinabi niya “Teka!! Nasaan na ang Nine nayan gusto ko siyang Makita bilis.

“Bahay kaya nila yan” Tinuro ko ang bahay na nasa tapat ko “Di mo siya nakita?”

“Dumeretso lang ako dito yong babae lang ang naabutan ko sa may gate nag sasampay ng mga damit pinaderetso lang niya ako dito di nga tinanong pangalan ko e” sabi niya habang nilalaro ang kanyang buhok.

Hinila ko siya papuntang bahay nila Nine sakto naman dahil pagpunta naming dun nagsusuklay si Nine ng buhok bagong ligo lang.

“Mahal ko” tawag ko

Napatingin naman sakin si Cassandra “You sure that’s the boy na kasayaw mo dati?” taas kilay niyang tanong sakin.

Napasmile lang ako, totoo Malaki na ang kanyang pinagbago tumingin samin si Nine at ngumiti, hoy may kasama akong playgirl kaya wag kang ngumiti ng ganyan.

“Oh Dear he is so hot” binatukan ko sa ulo si Cassandra, sabi ko sa inyo may kasama akong playgirl.

Lumapit samin si Nine niyakap ako at hinalikan ako sa noo “Ahh get a room” suway ni Cassandra, as if nag seselos.

“Nine this is my bestfriend Cassandra  but you can call her Cassie because she think it is cute, and Cassie this is Nine my love of my life”

Napa cross arm si Cassandra at tumingin sakin ng deretso “Since when did you get so chessy?”

“Since I met Nine” sabi ko napangiti naman si Nine.

“Nice meeting you Cassie” ginamit ni Nine ang kanyang hunky voice naks nagandahan ata sa kaibigan ko, oh no!

“Oy oy oy akin kalang” sabi ko sa kanya.

“Oh boy you look hot but you are not my type kaya diyan ka nalang sa bestfriend ko”

Napatawa naman si Manang Elsa na di ko namalayan nasa likod pala namin.

“Ay Cass siya pala ang mama ni Nine. Manang Elsa si Cassandra po bestfriend ko”

“Nako ang gaganda ninyo baka pag lumabas kayo pagkamalan ang anak kong ano e” sabi ni Manang Elsa pagkamalang ano Playboy? kasalanan ba naming maganda kami at sobrang gwapo ni Nine.

“Ma kay Ele lang ako”

Kinilig ako sa sinabi niya at alam kong kinilig din si Cassandra. Kasi tumawa siya ganyan kasi pag kinikilig ang bestfriend ko shy type lang ba tumatawa lang.

Matapos naming magkwentuhan dinala namin si Cassandra sa may bukid at sa falls, and ang daming tanong ng babaeng to pero ito talaga ang naka agaw pansin sa akin.

Nakaupo kami sa paanan ng bundok yong bundok na pinuntahan namin ni Nine para manood ng Sunset. Makatabi kami ni Nine nakapulupot ang mga kamay niya sa beywang ko si Cassandra naman panay ang kuha ng litrato.

“Picture tayo!!!” sabi ni Cassandra at nagpicture nga kaming tatlo tinuruan din naming ni Cassandra si Nine na mag wacky pose yon bang may tongue out at smile na parang alien.

“Ang sagwa naman ng mga usong pose ngayon pang bading” sabi ni Nine habang tinitingnan ang mga litrato.

“Anong masagwa , ang sabihin mo di kayo updated dito sa mga trends” sabi ni Cassandra inagaw niya ang phone kay Nine at tiningnan ang mga picture “Bagay talaga kayo,Teka” tumingin siya sakin “May nangyari naba sa inyong dalawa?” Nilulunod niya kami sa mga titig niya.

Napatingin ako bigla sa kanya at tinaasan ng kilay “Silly me, alam ko naman meron na eh kung maka dikit kayo sa isa’t isa kahit lagyan kayo ng sandamakmak na langgam diyan sa katawan niyo o di kaya ipakain sa lion at tigre ay di kayo mag hihiwalay”

Napatawa nalang si Nine loka loka talaga tong si Cassandra oh.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon