Chapter 3: New Place New Pace ✔

415 76 98
                                    

This is it. Ito na yung araw na pupunta ako sa province. Hindi ko alam kung kakabahan ba dapat ako or ma e-excite.

Nandito kami sa van at byaheng pa Sta. Monica. Kasama ko ang mga yaya ko pero hangang sa pag-aayos lang daw sila ng mga gamit at tapos ngayong araw lang.

Aish, bakit pa kasi sila sumama? Waste of time, may pwede naman yata akong hingan ng tulong dun e noh? or baka wala? Nooooooo.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Tinext pala ako ni Cass. Nasa bahay siya kanina nung paalis ako.

[ Cass: bess nasa province kna ba??*-* ]

[ Ako: ala pa, van palang ^.^ ]

[ Cass: kaya pala may signal kapa :p hehehe ]

[ Ako: hehehe, wer ka now? ]

[ Cass: bahay niyo, kumakain. Hehe ]

[ Ako: hala !! tataba ka lalo. ]
(MESSAGE NOT SENT)

Ayy!! wala nang signal?Kainis, di man lang ako nakapag tyl or tys .

(tys: text you soon)

"Maam nandito na po tayo," sabi ng driver namin.

I looked outside the van.

Wow, hindi na madumi ah? Ito na ba yung probinsya dati? Lumabas kami ng van. Naka pants ako at yellow t-shirt. Tinanggal ko yung shades ko dahil hindi naman masakit sa mata yung sikat ng araw. Ang sarap dito, ang lamig ng hangin kahit summer.

Lumapit kami sa isang bahay na ewan ko kung ilang century nang nakatayo. May babae dun na naglalaba.

"Mana Elsa, ito na po yung apo ni Manong Roberto, yung titira diyan sa likod niyo," sabi ng yaya ko.

So magkakilala na pala sila?

Tumigil sa paglalaba yung babae at lumapit siya sa amin. Hindi pa siya masyadong matanda pero halata na yung mga wrinkles.

"Ay dalaga kana pala." Nagulat ako nang bigla niya akong niyakip.

"Hehehe” alanganing sabi ko at niyakap siya pabalik.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin. "Pasensya kana ha? Medyo nabigla ako."

“Ok lang po yun,” sabi ko. Bakit kaya nahihiya sa kin itong babaeng ito? Ako nga dapat ang mahiya kasi makikitira lang ako sa likod ng kanilang bahay.

“Tara, puntahan na natin ang tirahan mo. Naayos ko na ito kagabi.”

Dumeretso kami sa likod. Mayroon doong isang maliit na cabin. Cute siya kasi may maliit na balcony tapos may duyan sa labas which is perfect for reading.

"Rest house ito dati ng lolo at lola  mo," sabi ni Manang Elsa.

Binuksan niya ang pinto at tumambad sa paningin ko ang napakagandang kwarto.
Ang ganda ng loob. May maliit na upuan, isang lamesa at ang linis pa parang hindi pang walang pera. Ay ok , eto pala titirahan ko eh.

"Nasaan po yung kwarto?" naisip kong itanong bigla. Wala kasi akong makitang ibang pito bukod yung papunta sa kusina.

"Naku hija, walang kwarto itong bahay na ito. Dito po kayo sa salas matutulog- sa papag," sabi ng isa kong katulong.

"What?" What the--? Shoot!

"Wag po kayong mag-alala, nagdala po kami ng banig at kulambo para po hindi kayo lamokin sa gabi," sabi ng isa sa mga anim kong katulong.

Nabagot ako sa kauupo at katititig sa mga katulong habang naglilinis at inaayos nila ang maliit na cabin.

Kaya lumabas muna ako at naglakad lakad. Ang sarap ng hangin. Walang wala ito sa city kasi puro usok at pollution lang nandoon. Kawawa kaya doon si Mother Nature. Buti na lang at merong mga lugar na tulad nito, nakakahinga nang maluwag si Mother Nature.

As I was walking, may nadaanan akong napakalinis na river.

"Pssst," biglang may sumitsit mula sa likod ko.

"Anak ng aso!" Napasigaw ako sa pagkabigla. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala namang tao. Ine-engkanto na yata ako dito.

"Taas ng puno!" Sigaw sakin ng kung sino man ito. Tumingin naman ako sa taas at may nakita akong unggoy, unggoy na nagsasalita. Jusme.

"Sino ka?" tanong ko.

"Hindi mo ako nakikilala? Palibhasa ang tagal na nun."

Naka crossed arms ako at tinarayan ko siya. Ano ba ng pinagsasabi ng unggoy na to?  "Are you one of my exes, coz i don't recognize you."

Tumawa lang siya. Niloloko ba ako nito? Wala talaga akong maalala.

"Hahahahaha, ako? Sa gwapo kong 'to naging boyfriend mo?" sabi nito. Naks, ang yabang ni Unggoy.

"Yabang!"

Bumaba ito sa puno at humarap sakin, ang tangkad niya ha halos nasa may dibdib lang niya ko.

"Welcome Ele!"

"P-Paano mo nalaman pangalan ko?"

"Sikat ka dito,” sabi nito like it-was-a-matter-of-fact. Wow, paano ako naging sikat sa isang liblib na lugar?

Nilalaro niya ang batong nasa paanan niya.  Tiningnan ko siya ng diretso pero hindi ko talaga siya namukhaan. "Sino ka ba?" tanong ko ulit.

"Ex mo," Ngumisi siya tapos sabay wink.

Napaatras ako bigla. "Ha? Eh never pa nga ako nagka boyfriend."

"Sabi mo kanina eh. Teka, talaga ? Sa ganda mong yan?"

Compliment or insult? Nah, hindi ko itatanong yun kasi alam kong compliment yon.

"Ah eeh…" 

Tss wala na tuloy akong masabi.

Ginulo niya buhok ko na parang bata. "Hahahaha, sige, wag mo nang sagutin. Alis na ako, bye!" pamamaalam nito tapos tumakbo palayo. Loko lang talaga.

Hala, hindi ko pa siya kilala!

Hinabol ko siya "Oy, wait!!! What is your name?" pahabol na tanong ko sa kanya.

"Nine, Nine pangalan ko," sigaw niya sakin.

1,2,3,4,5,6,7,8, Nine 10...

Umalis na siya at naiwan akong tulala. Kinalukat ko ang utak ko at wala naman akong matandaang Nine pwera sa number na nasa gitna ng eight at ten.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon