Chapter Twenty Four
(Ele)
Nakatulala lang ako sa aking higaan dito sa hospital hindi ko parin alam kung nasaan si Nine or kung ano ang nangyari sa kanya, nang mapagtanto kong nakatulog na ng mahimbing si Cassie, at s walang taong nagbabantay sakin ay dahan dahang akong lumabas, hinanap ang kwarto ni Nine kahit nahihirapan pa akong maglakad, nahihilo parin ako dahan dahan akong lumakad sa hallway, at naatinag kong nakaupo si dad sa sahig at nakasandal sa pader, tumayo ito ng makita ako, ngunit I need to si Nine at told him the news.
"Ele what are you doing here you are sup"
Hindi ko na si Dad pinatapos binuksan ko ang pinto, natigilan ako para akong tinusok sa dib-dib sa nakita ko, naririnig kong umiiyak si Manang Elsa, lumapit ako nanglalabo na ang mga paningin ko.
Please paniginip lang to, gisingin niyo ako.
"M-nang El-sa?"
Tumingin sa kin si Manang Elsa namamaga na ang kanyang mga mata at umiling iling siya.
"No No No No" agad kong nilapitan ang taong nakatakip ang mukha ng kumot dahan dahan ko itong ibinaba at isang gwapong nilalang ang nakita ko, napakabanayad ang kanyang mukha, agad-agad ko siyang niyakap mainit parin siya at mabango pa.
"Nine bakit mo ako iniwan!, sabi mo lalaban ka sabi mo mahal mo ako. Nine gumising ka oh" Pero hindi siya umimik, hinampas ko siya sa braso "Nine!! Magkakanak tayo mahal ko" Napahagolhol ako habang yakap yakap ko ang walang buhay na katawan ng mahal ko.
Pag dating ng princessa sa paraiso nakita niyang nakangiti ang kanyang prinsipe ngunit agad itong naglaho.
"Paalam aking princessa, mahal na mahal kita"
***
[Tatlong Araw ang nakalipas]
Nahihirapan si Ele na tanggapin ang pagkawala ni Nine na muntik ng ikasama ng kanyang kalusugan. Hindi siya lumalabas sa kanyang kwarto, hindi siya nakakausap ng kahit na sino at tinatanggihan niya lahat ng pagkain na ipinag alala ng lahat dahil may dinadala na ito,
"Bes kumain ka naman oh, nakakasama sa baby ya" Saad ni Cassandra kay Ele na walang imik at nakatingin lang sa kawalan habang nakaupo sa kama.
Pumasok si Lex sa kwarto ng anak at nakita niya ang kalagayan neto.
"Tito, the doctor said the baby will not make it if she will stay like that"Pumasok din naman ang mama ni Ele at tumabi kay Lex.
"Ele, naririnig mo ba ako may buhay ka ng kasama ngayon, nung nabuntis ako Ikaw lang na inalala ko, kung paano kita bubuhayin anak, dahil bigay ka sakin ng panginoon. Wag mo namang hayaan na maging ganito" Umiiyak na ang Mommy Tanya ni Ele.Bigla nading napaluha si Lex "Anak importante ka saamin ng mommy mo, alam mo bang nag sisisi ako na pinayagan kitang pumunta ng Sta. Monica"
Naririnig ni Ele lahat ng mga tao sa kanyang paligid, ngunit sobra siyang nangungulila, nakikita niya palagi si Nine, napapaginipan niya tuwing gabi. Nararamdaman niya ang mga haplos nito. Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman, sakit na hindi niya maitindihan.
Naalala niya ang mga ngiti nito, ang mga pangungulit nito at kahit ang pagsubo nito ng pagkain.
Napaiyak siya sa kanyang mga naalala.
"Ele, naririnig mo ba ako may buhay ka ng kasama ngayon, nung nabuntis ako Ikaw lang na inalala ko, kung paano kita bubuhayin anak, dahil bigay ka sakin ng panginoon. Wag mo namang hayaan na maging ganito" Umiiyak na ang Mommy Tanya ni Ele.
Anak?
Naalala niya na buntis pala siya, hinawakan niya ang kanyang tiyan at pumikit.
Patawad anak, namimiss ko lang ang tatay mo. Alam ko namang kailangan kita...
"Anak sini-"
Hindi na nagpatuloy sa pag sasalita si Lex dahil hinawakan ni Ele ang bibig nito.
"Tama na dad, wag niyong sisihin ang sarili niyo walang may gustong mangyari ang ganito"
Biglang niyakap ni Lex at Tanya ang anak.
"Mom and Dad, I'm going to keep my baby will you help me? I can't do it alone" Umiiyak na sambit ni Ele sa kanyang mga magulang
***
Dalawang lingo din ipinagburol si Nine sa Sta. Monica, dalawang lingo ding nanatili doon si Ele kasama ang kanyang mama.
Ngayong ay ihahatid na nila si Nine sa kanyang huling hantungan, nasa Sta Monica, ang lahat ng mga Guevarra kasama si Cassie na siyang umaalalay kay Ele na medyo halata na ang tyan ng konti.
Lumapit si Ele sa kabaong ni Nine, para maglagay ng bulaklak.
"Nine, alam mo naman siguro na mahal na mahal kita, at alam kong ginawa mo ang lahat ngayon ako naman lalaban Nine, hinding hindi ko papabayaan ang anghel na iniwan mo sakin"
Hinaplos ni Ele ang kanyang tiyan.
"Gabayan mo kami ng anak mo, pangako, lagi kitang I kkwento sa kanya at bibigyan ko siya ng magandang buhay, na alam kong ibibigay mo rin samin kung kasama ka namin"
Inihagis niya ang bulaklak
"Paalam mahal ko"
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...