Chapter 7: You is enough to be my wonder wall✔

329 50 46
                                    

(ELEANOR'S POV)

Mag a-alasais na nang dumating kami galing water falls, kaka pagod.

Dumating kami sa bahay nila Nine, well bahay ko din sa likod. Pag pasok namin sa gate at tinawag kami ng isang babaeng naka daster na kulay pula, naka bun ang buhok nito na medyo magulo. Maganda siya kaso may mga wrinkles at medyo magkapareho ata sila ng edad ni Mang Elsa yong mama ni Nine.

"Nine!!"

"Aling Tanya, bakit po?" sabi ni Nine

"Pinapasabi pala ng nanay mo na hindi siya makakauwi ngayong gabi, doon daw siya matutulog sa Tiya mo sa bayan."

Nagtaka si Nine "Bakit daw ho?"

"May pinadala daw si Manang Crista galing maynila"

Crista? lola ko yon ah

"Ay, siya nga pala Aling Tanya, siya si Ele, yong nag iisang anak ni Sir Lex"

"Ele?" saad ng babae na parang nagtataka sa pangalan ko. weird.

"Po?"

"W-la, ang laki mo na" 

Hindi ko alam kung maiirita ba ako o ano, sa tuwing may nakakalamoha kasi kaming taga Sta. Monica, all they can say is that ang laki ko na raw. Sana nga lang naman hindi katawan ko tinutukoy nila, I know my diet is out of date kasi ang sasarap ng pinapakain sakin nila Nine.

"Pinagluto ko pala kayo ng haponan, nandon na sa lamesa niyo, mag saing nalang kayo, sige mauna na ako"

Pagkaalis ni Aling Tanya ay dumeritso na kami ni Nine sa loob ng kanilang bahay, pumasok siya sa isang kwarto at paglabas niya ay may dala na siyang damit, tapos naghubad nanaman siya sa harapan ko.

"Magpalit ka muna ng damit."

Inalis ko ang mga mata ko sa kanya. I'm drooling again and I wish I have someone to talk about things like this, like Cassie. 

"Ok" I said and I ran towards the cabin at nag palit ng damit at syempre sinuklay ko narin buhok ko.

Nadatnan ko siyang nag sasaing ng dumating ako sa bahay nila.

"Alam mo bang mag saing?" Nasa tabi na niya ako ngayon at pinapanood kung paano niya hipan at paypayan ang mga woods na nilagay niya sa ilalim ng pot. 

"Hindi eh" You can't blame me dad won't let me do anything in the kitchen, he always says that what's the use of the 10 maid they hired daw if I'll do some work.

"Turuan kita bukas," Napalaki mata ko, jeezz some stories that I read, girls do the cooking but I guess mine is different.

"May damit ka pa ba?"

"Ano sa tingin mo sakin pobre?" Grabe talaga tong lalaking to, of course I have clothes, they're even branded.

"Hindi ganon,  hindi pa kasi kita nakitang naglaba."

Shit, bigla kung naalala, wala na pala akong damit na dala at nauubos na pati underwears ko, and worst thing is hindi ko alam kung paano maglaba ng hindi gumagamit ng washing machine. 

"Ehh," napakamot ako sa ulo.

Nag smile siya "Alam ko hindi mo alam noh,  yaan mo turuan din kita bukas at walang washing machine dito ah "

I know tomorrow is a rough ride for me, but I feel so excited about it.

We ate our dinner silently, that adobo is so on point at isa pa nagutom ako sa pinag gagawa namin buong araw, maya- maya pa ay nakipag debate si Nine kung saan ako matutulog, siya nag wagi, takutin ba naman ako. Kaya dito ako matutulog sa kanila, sana lang hindi ako gapangin ng isang 'to.

Imperfectly Perfect SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon