4P Mission (2)

4.6K 139 2
                                        

Chapter 18

Kei POV

Nandito ako ngayon sa kusina, hindi para hanapin yung mga lalaking yun kundi kakain. Haha ! Pakialam ko ba sa kanila? Magtatago sila tapos hahanapin ko? No way ! Kung ayaw magpahanap ay wag ng hanapin ! Kakain na nga lang ako para masaya.

Naghalungkat ako ng mga pagkain sa refrigerator at wala man lang akong makita kundi puro tubig ! Aish. Yung totoo? Refrigerator ba talaga ito o lalagyan lang ng tubig? Naghanap naman ako ng mga pwedeng makain at ayun.. Nahagip ng aking paningin ang isang spaghetti sa lamesa ! Medyo napaisip ako kung bakit nandyan lang yung pagkain sa lamesa pero nagkibit balikat lang ako at umupo na para simulang kainin yung spaghetti.

Itinukod ko ang kamay ko sa lamesa then...

"WHAT THE F*CK !!"

Dumikit ang kamay ko sa may lamesa. Pinipilit ko itong tanggalin ngunit ayaw ! Aargh.  Huhuhu ! Paano na ako makakain ng spaghetti ? Huhu. Umisip ako ng paraan para makakain ! Kung gamitin ko na lang ang bibig ko para kumain? Eh parang ang baboy naman nun.  Tumingin ako sa paligid ng mga bagay ng puwedeng ipantanggal sa pagkakadikit ng kamay ko at ayun..

After 123456789 years ay natanggal ko na at yehey ! Makakain ko na yung spaghettie. Aakma na akong kakain ngunit BOOM ! "Aaaaah !" May nahulog na green na mixture sa akin. At eww kadiri, ang lagkit ! Tumingala ako at nakita ko si Troy na malakas na tumatawa. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA !"

Biglang kumulo ang dugo ko at matalim na tinignan si Troy na wagas tumawa !

"TROOOY MENDEZ LAGOT KA SA AKINNN !!"

------------------------------------------------------

Kath POV

Kanina ko pa hinahanap ang mga lalaking yun kasabay ng kanina pang sigawan sa loob ng bahay. Hindi nalang pinansin dahil baka maabutan ng parents ko ang mga nagagwapuhang nilalang sa bahay nila. Kung nagkataon, yari na naman ako nito. 

Nandito ako ngayon sa garden upang maghanap ng mga nawawalang Oh-so-hot guys ! Haha. Joke XD Nasaan na kasi ang mga yun? 

"TROOOY MENDEZ LAGOT KA SA AKINNN !!!"

Biglang narinig ko ang sigaw ni Kei? Bakit lagot sa kanya si Troy? At ano ang nangyari sa kanya? Pupuntahan ko na sana si Kei kung ano ang nangyari ng makita ko ang isang lalaking nakalutang sa may swimming at parang nawalan na ng malay. Mabilis akong lumangoy papunta sa kanya at napag alaman kong si Xander ang nandun..

"Oh my gosh ! XANDER !! SH*T !!"

Mabilis ko syang inahon at inihiga sa gilid. Ano ba ang gagawin pag nalunod ang isang tao? Waaa ! Hindi ko alam pero napapanood ko sa TV yung tungkol sa CPR. Yung ipapump yung kamay sa dibdib tapos parang hahalikan ata yun? *blush* 

Itinapat ko ang tenga sa kanyang dibdib para makonperma kung buhay pa ba eto ! Dug.. dug.. Mayroon pa rin naman itong heartbeat pero parang abnormal kase ang lakas ng tibok ng puso nya. Baka siguro ganun talaga pag nalunod? Sinimulan kong magpump at 1... 2... 3.. Inilapat ko na ang akin labi sa kanyang labi at nagbigay ng hangin. Pero wala pa ring nangyari kaya inulit ko ulit. Pump ! Pump !  Pump ! Tapos inilapat ko ulit ang aming labi at hinipan then the next thing I knew ay gumagalaw na ang kanyang mga labi. Gulat na gulat akong tumingin sa kanya at pilit na kumakawala sa halik pero wala. Walang nangyari dahil ang lakas nito.

*click*

*click*

Nakarinig ako ng ilang tunog ng camera at talagang may flash talaga a. Ang t*nga lang nung nagpipicture kase may flash pa. Inipon ko ang aking lakas para kumawala kay Xander at ayun.. nakawala na ako. Nakita ko naman si Jake na tuwang tuwa sa pagpipicture sa amin. Si Xander naman ay tumayo na at ngiting ngiti pa.

"Hoy, Jake ! Akin na yang camera ng maipukpok ko sa iyo ! T*nga mo lang ! Nagpicture ka tapos may flash pa ! Shunga lang."sabi ko at inilahad ang kamay ko. Umiling iling lang sya at nagsimulang tumakbo kasama si Xander papasok ng bahay.

"HOY !! AKIN NA YAN ! MGA WALANHIYA KAYO ! IBIGAY NYO SA AKIN YAN !"

"KUNIN MO !! IKAW MAY GUSTO E !!"pang aasar ni Jake sa akin. 

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay tumambad sa akin ang 4 na walanghiya na tawa ng tawa. Nakita ko din si Yumi na may dalang suklay at timba na nakabitin pa patiwarik at si Kei na puno ng green na bagay sa katawan niya na maluha luha na.

"KATH !! TULONG! IBABA MO AKO DITO !"maluha-luhang sabi ni Yumi sa akin. Hindi pa rin natatapos ang tawanan ng mga lalaki kaya tinignan ko sila ng masama. Hindi ba nila tutulungan na maibaba si Yumi dyan?

"HOY ! KAYO ! WALA NA BA KAYONG GAGAWIN KUNDI ANG MAGTAWANAN DYAN ! TULUNGAN NIYO AKO DITO !"malakas kong sigaw sa kanila na nakapagpatahimik sa kanila. Tumulong naman sila at kami naman ni Kei ay tinatanggal yung mga green na mixture sa damit nya. Nakapagpalit na rin ako ng damit at hinihintay na matapos yung pagpapakawala kay Yumi. Bigla kong naisip kung nasan na si Chelsea !

"HOY KAYO ! NASAAN NA SI CHELSEA?"

<3 <3 <3 VOTE ! COMMENT ! READ ! Sorry po sa matagal na UD. Loveyou po ! Sorry na ^^ Sana po lapitan ako ni KASIPAGAN para makaUD agad. Haha :) Salamat sa inyong lahat.

#CutiienessOverload

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon