Chapter 25
Kath POV
When I smile, he also smile sweetly. Yung ngiting laging nagpapalambot ng tuhod ko, yung ngiting mamimiss ko at yung ngiti kung saan ako nainlove. Peste ! Corny. "Sa wakas, napangiti ko na sya !"he said while looking in my direction. Naghiyawan naman ang mga fan girls nya dahil sa pag - ngiti nya.
Pagkatapos ng pagkanta nya, bumaba na agad sila. Nakita ko naman si Xander na papalapit sa akin pero naharangan sya ng mga babae dun. Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad paalis. "Kath !"tawag nya sa akin ngunit hindi na ako lumingon.
Ayoko pa syang makausap ngayon dahil masyado pang masakit. Ayoko pang malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman nya ! Ayoko pang masaktan sa mga malalaman ko. Ayoko pang mag-assume na ako talaga dahil mas lalong masakit 'pag umasa ako. Umasa na, ako yun ! Ayoko pa.
Madaming tanong ang pumasok sa isip ko. Bakit gusto pa rin nya akong mapasaya? Di ba sinaktan na nya ako? Gusto nya lang ba ako mapasaya kasi naguilty sya? Totoo kaya na importante ako sa kanya? O baka nag-aasume lang ako, na ako ang kinantahan nya ? I don't know what to think.
Nagtata-tatakbo ako papunta sa sakayan dahil gusto ko ng umalis sa lugar na ito. "Aray !"natapilok ako at ang malas pa ay nasira yung heels ko. I tried to stand but I failed. Nakita ko na namamaga na yung paa ko. "Aargh ! Dammit !"nahihirapang saad ko. Hinawakan ko yung namamagang part at sh*t ! Ang sakit ! Hindi ko na kaya talagang makatayo nito.
"Hey ! Lexie , are you okay?"sigaw nung lalaking tumatakbo papalapit sa akin. At nung nakalapit na sya ay si Dave pala na nakilala ko sa bar. "Hey? Anong nangyari?"puno ng pag-aalalang sabi nya. I bit my lips at itinuro yung paa ko.
"Aray ! Wag mo namang pisilin ! Ano bang ginagawa mo dito? "sabi ko dahil pinisil nya yung paa kong namamaga. "Sorry. Dito ako nag-aaral, remember? Ano ba kasing nangyari?"sabi nya.
"Tumatakbo kasi ako. Tapos ito namang heels ko, ang t*nga ! Natapilok ! Tapos dinamay pa yung paa ko !"pagbibiro ko at sabay kaming tumawa.
"Ikaw lang ata ang nakita kong nakuha ng magbiro kahit natapilok na !"sabay gulo ng buhok ko. Iniwas ko naman ang ulo ko at ngumuso. Umiwas naman sya ng tingin at medyo namula.
"Are you blushing?"natatawa kong sabi. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking nag-bablush ! So cute. "No. I'm not !"pagtatanggi nya. Tumawa naman ako dahil nag-dedeny pa sya.
"Makakalakad ka pa ba?"pag-iiba nya ng topic. Dahan-dahan naman akong tumayo at sinubukang maglakad pero mabilis akong natumba dahil masakit talaga yung paa ko. Mabilis naman akong nabuhat ni Dave ng pa-bridal style. " Ibaba mo ako ! Alalayan mo na lang ako !"sabi ko.
"No."-Dave
"Please.. Alalayan mo na lang ako !"-Ako
"Hindi."-Dave
"Sige na."-Ako
"Ani !"-Dave
"Anong ani? Harvest?"nagtataka kong tanong pero tumawa lang sya. Hindi ko namalayang ipinasok na nya ako sa kotse nya. Sa haba ng alitan namin ay nanalo pa rin sya dahil nabuhat na nya ako. I pouted.
"Stop pouting. Will you?"nahihirapang sabi nya. Tinignan ko sya at nalaman kong namumula na naman sya. "HAHAHAAHAHAHA ! You're blushing again."sabi ko at pinindot-pindot yung pisngi nya. Mabilis naman nya itong hinawakan at hinalikan. Ako naman ngayon ang namula.
"Who's blushing now?"natatawa pa nyang sabi. I just rolled my eyes. "Punta muna tayo sa condo ko para gamutin yang paa mo. okay?"tumango na lang ako. Nagsimula na syang magdrive papunta dun sa condo nya. Kahit na kakakilala lang namin ay magaan na ang loob ko sa kanya at may tiwala naman ako sa kanya.
Nakitingin lang ako sa bintana kahit dilim lang ang nakikita ko. Iniisip ko kung ako ba yung pinapatamaan ni Xander dun ay may magbabago? Magiging kami ba ulit? Hinilot ko ang aking sentido dahil sumasakit ito sa kakaisip sa nagaganap sa amin ni Xander. Tumingin ako kay Dave na ngayon ay nakatingin din sa akin.
"Mukhang malalim ang iniisip mo a?"nag-aalala nyang sabi. "Pakilangoy nga !"pilisopo kong sagot sa kanya at sabay naman kaming tumawa. Hinawakan nya yung kamay ko gamit nung isa nyang kamay habang nakatutukto pa rin ang mata nya sa daan. "Kung ano mang problema mo, pwede mong sabihin sa akin. okay? We're friends right?"sabi nya. Tumango ako at binawi ang kamay ko sa kanya.
"Nandito na tayo !"sabi nya at lumabas na. Binuksan nya yung pinto at inilahad sa akin. Tinanggap ko ito. "Kyaaaaa !"napatili ako dahil binuhat na naman nya ako ng bridal style. Hinayaan ko na lang sya dahil alam ko namang hindi ako mananalo.
"Ang bigat mo !"natatawang sabi nya. "Ang kapal mo. Hindi naman ako mataba a !"sabay hampas ko sa dibdib nya. Tawa lang sya ng tawa kaya pinagtitinginan na kami ng tao. Sumakay na kami sa elevator papunta sa 9th floor. "Ang sabi ko ang bigat mo, I will BI always here beside you and GAT you if you fall !"banat nya. Tumawa lang ako kasabay ng pagbukas ng elevator.
------------------------------------------------------------
Xander POV
Nasa tapat ako ng Ayala Condominium kung saan dinala ng asong iyun si Kath. F*ck ! Nakakainis ang pagmumukha ng lalaking yun ! Wala syang karapatan na buhatin si Kath o kahit hawakan ang dulo ng kuko nya. At ang mas nakapagpapakulo pa ng dugo ko ay hindi man lang umayaw si Kath sa pagbuhat nya. D*amn !
Noong nasa parking lot pa lang ay nakita ko na silang nakaupo. Nag-uusap, nagtatawanan na parang wala ng bukas. Gusto kong bagasin ang pagmumukha ng asong iyun, pagpira-pirasuhin ang katawan nya at balatan ng buhay , kaso wala akong karapatan na gawin yun. Hindi na sya akin at pakiramdam ko hindi na sya magiging akin.
Napakacorny pero ngayon ko lang naramdaman na parang kulang ako. Na parang hindi buo ang araw ko kapag hindi ko sya nakikita. Nakakatawa right? Ngayon ko lang napansin yung kahalagahan ng isang tao kung kailan wala na, kung kailan hindi ko na makikita. Psh. Napailing na lang ako sa aking mga iniisip.
Nandito lang ako sa loob ng kotse, tinatanaw si Kath kasama yung lalaking yun. Ngumingiti, tumatawa, masaya sa piling ng iba. I just clenched my fist in frustration. Binuhay ko ang makina ng aking kotse at nag-drive papuntang bar.
Kailangan kong makalimot, kahit sandali lang para maibsan yung nararamdaman ko. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo kaya hindi ko na napansin ang pagliko ng isang truck. Mabilis kong kinabig ang kotse pero..
*SCREEEEEEEECH....*
*BOOOOOOGGSSHH...*
And all went blank.
<3 <3 <3 Dandandandan.. Please vote ! Comment kayo kung ano ang gusto nyong sabihin kay Xander, Kath at Dave. Or ask some question ! Support pa :) Pafollow na din po !
------Sino gusto magpadedicate? Just comment ! *wink* ;)
#ynamorrata
![](https://img.wattpad.com/cover/13047757-288-k609164.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Roman pour AdolescentsNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...