3 years later..
Napakamot ako ng ulo habang hinahanap si Xander. Puputulin ko talaga ang dapat putulin kapag nakita ko namang lumalandi yung ugok na iyon. Tumakbo ako papunta sa garden upang hanapin ang lalaking iyon.
Ugh ! Kanina pa ako naghahanap sa buong university, bakit wala kang ugok ka? Nagtext ito sa akin kanina na hindi raw ako nito masusundo at magkita na lamang daw kami sa school pero kanina pa masakit itong paa ko sa kakalakad at kakahanap sa kanya.
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko ang gymnasium. Huli na talaga ito at hindi ko na siya hahanapin pa. Naglakad na ako papalapit roon at nang papasok na ako sa loob ay may narinig akong ungol.
Hindi ko na sana ito papansinin pero nang marinig ko ang pangalan ng lalaking kanina ko pa hinahanap ay napabalik ako at pinuntahan kung saan nagmumula ang boses.
"Xander, I want you and I know that you want me too."sabi ng babaeng higad na nakaupo sa lap ng ugok. At may pahawak hawak sa pisngi. Iyon ang nakita kong ayos nila ng babaeng higad at ng boyfriend kong malandi. Naikuyom ko ang aking kamao at nanatili lang sa puwesto ko.
"Lexie, I do--"
Hinalikan ito ng babaeng higad. Itinutulak naman ito ng magaling kong boyfriend at inilayo sa kanya. " Lexie, sinabi ko na sayong may girlfriend ako--"
"Yes. I know. Your girlfriend is the slut 'Kathryn Ramos'. At alam ko ring ginagamit mo lang siya."sabi ng babaeng impaktita na hindi naman kagandahan. Ako pa ang sinabihan niya na slut. Wow ! Big word. Baka ipalamon ko sa kanya yung kulang sa tela niyang damit.
Bago pa makasagot muli ang boyfriend ko ay sinunggaban na naman ng halik ng babaeng unggoy na ito. Pinapakulo talaga ng babaeng mukhang unggoy na ito ang ulo ko. Susugod na sana ako pero natigilan din ako nang malakas na tinulak ni Xander ang babae kaya't napatayo ito.
Tumayo si Xander at napahilot sa kanyang sintido. "Lexie, stop flirting with me. Mayroon akong girlfriend at mahal ko ito. I love her. Huwag mo ng ipilit ang sarili mo sa akin--" sabi ng boyfriend ko na nakapagpasaya sa akin. Dahil sa ginawa nito ay mas lalo ko pa itong minamahal.
"No. Hindi mo siya mahal. Ako. Ang. Mahal. Mo !" lumapit na naman ang babae at hinalikan ang boyfriend. Kanina pa nakakahalik itong babaeng makati na ito ah. Ang lakas ng loob niyang sabihin na siya ang mahal ng BOYFRIEND KO. Humanda ka sa aking makati ka !
"Babe, hindi mo naman sinabing kasama mo iyang babaeng higad na iyan. Edi sana hindi na kita hinanap pa."nakataas ang kilay kong sabi na nagpahinto sa dalawa. Kita ko naman ang pagngisi ng babae na nakahawak pa sa dibdib ni Xander. Si Xander naman ay gulat na gulat at naubusan na yata ng dugo dahil sobrang putla nito.
"B-abe.."
Tinignan ko ang mukha ni Xander at sinamaan ito ng tingin. Inilipat ko ang aking tingin sa babaeng higad na impakta na mukhang unggoy na galing sa Planet of the Apes. "Ikaw na babaeng higad ka, pwedeng lumayas ka sa harapan ko? Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo e."
"How dare yo--"
"Leave. O baka gusto mong manghiram ka ng mukha sa aso?"may pagbabantang sabi ko dito. Napahawak naman ito sa kanyang mukha at nagmamadaling umalis. Hindi na nga nito nagawang suotin ang mga sapatos niya. Napangisi ako.
Tumingin ako sa napakagaling kong boyfriend at muntikan na akong matawa sa reaksyon nito. Lumapit ako dito habang nakatitig sa mga mata nitong puno ng takot. Buti naman at nakakaramdam ito ng takot.
Takbo lakad akong lumapit dito at nang makalapit na ako dito ay marahas kong sinunggaban ng halik ang labi nito. Geez ! I really miss kissing him like this.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...
