Chapter 24
Xander POV
"Xander, nandiyan na si Jake at saka si Drake ! Alam na din nila ang gagawin!"sabi ni Troy na may hawak ng gitara. "Salamat !"sabi ko. Woosh ! Nanginginig ang kamay ko, pinagpapawisan ako ng malamig, pawisan ang mga palad ko at feeling ko ang putla ko.
This is the first time that I will sing for a girl just to make her smile. Di ko alam kung ano ang meron sa akin para gawin ito. Basta ang alam ko, mahalaga sya sa akin. I want to make her happy for the rest of my life.
"Pare, wag masyadong kabado ! Ang gwapo ko tuloy !"saad ni Jake sa akin.
"Jake, anong connect?"-ako
"Ang puso mo at ang puso ni Kath nakaconnect ! Uyy.. !"-Jake
"BOOM PANES !"sabay na sabi ni Jake at Troy. "Gusto niyo ng sapak?"sabay tapat ng kamao ko sa kanila. Nagpeace sign lang sila at tumawa.
Umakyat na ako sa stage at sumunod naman sila Drake, Jake at Troy. Nakakarindi na ingay ang bumalot sa loob ng lugar. Hinahanap ko ang ang matang maamo at ang kanyang mala-anghel na mukha. Hinahanap ko ang taong gusto kong mapasaya ngayong gabi.
"Ehem.. ehem. Hello everyone !"sabi ko gamit ang mic kaya napunta sa amin ang atensyon ng lahat. Nakatingin pa rin ako kay Kath na mag-isa sa isang table at umiinom ng cocktails. Nakatingin lang din sya sa akin ngunit blanko ang kanyang ekspresyon.
" KYAAAAAAAAAAA ! Four Prince !"
"OHMYGEE ! FOUR PRINCE ! I LOVE YOU !"
"JAKE ! MARRY ME !"
"I LOVE YOU TROOOY !"
"Ang hot ni Xander ! Kyaaaa ! I love you !"
"Go ! DRAKE ! KYAAAA ! Love you !"
Nakatingin pa rin ako kay Kath upang makita ang reaksyon nya ngunit wala, wala syang pinapakita. Sana sa kakantahin ko, makita ko ang ang pinakamatamis mong ngiti. I smiled at her sweetly. "Hi . I will dedicate this song for the girl that is important to me, the girl that I miss. Sana, pagkatapos nitong kantang ito, ngumiti ka. The sweet smile that I missed !"sabi ko habang nakatitig sa kanya. Sana maramdaman mo ito....
Kath POV
Nandito ako, mag-isa sa isang table habang nakatingin sa lalaking nasa stage na nakatingin din sa akin. "Hi . I will dedicate this song for the girl that is important to me, the girl that I miss. Sana, pagkatapos nitong kantang ito, ngumiti ka. The sweet smile that I missed !"sabi nya habang nakatingin pa rin sa akin. Biglang may sumipa sa loob ng dibdib ko, nagwawala, nagpapalpitate at parang gusto ng makawala sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung ako ba iyon? Assuming na kung assuming pero parang ako ang gusto nyang patamaan. Nagkaroon ako ng pag-asa na ako ang babaeng yun, na importante ako sa kanya pero ayoko ng masaktan. May parte sa puso ko na gusto ko pang umasa, pero idinidikta ng isip ko na masasaktan lang ako.
[ Should've kissed you by Chris Brown ]
~Why Am I mad, I don't get it,
It seems like every time you give me signs,
And I miss it!
I did it again,
I admit it,
I left you standing there,
And now I regret it,~
Nararamdaman mo rin kaya yun? na namimiss mo rin yung bawat galaw ko. Nagsisi ka rin ba?yung panahon na naghiwalay tayo, yung panahon na iniwan mo ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/13047757-288-k609164.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Novela JuvenilNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...