Chapter 42
Kath POV
Pinunasan ko ang aking pisngi at inayos na ang aking sarili. Huminga muna ako ng malalim at saka naglakad pabalik.
Hindi pa man ako nakakalayo ay may humatak na sa akin papasok sa isang maliit at madilim na kwarto. Napahiyaw ako at nakaramdam ng takot. Lumalim ang aking paghinga at sinuri kung sino ang humatak sa akin ngunit dahil sa dilim ng kwarto ay hindi ko siya makilala.
"Si-no ka..? Bakit mo ko--?"nagulat na lamang ng yakapin niya ako. Ang kaninang takot ko ay napalitan ng saya at naramdaman ko na ligtas ako sa piling niya.
Nararamdaman ko ang mabilis niyang paghinga at panginginig. "I'm sorry..."I froze. Kilalang kilala ko ang boses na iyon...
O_____O
"Ano ba ang ginagawa mo? Bakit mo ba ako hinatak papunta dito?"mariin kong sabi habang pumipiglas sa pagkayakap niya. Nagpatuloy lang akong sa pagpiglas at kasabay nun ang pamumuo ng aking mga luha. "I'm sorry... I'm sor--"
"BITAWAN MO NGA AKO, XANDER !"sigaw ko sa kanya at buong lakas na nagpumiglas ngunit hindi pa rin ako makawala. "Hindi... hindi kita bibitawan !"paos niyang sabi.
"Bitawan mo na ako, Xander ! Pakawalan mo na ako.. Umalis ka na, iwan mo na ako dito."nagmamakaawa kong sabi. Lumuwag ang pagkakayakap niya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para itulak siya ngunit nahapit pa rin niya ang aking bewang. Naglapat ang aming katawan at hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako.
Dug.. dug..
Dug.. dug..
Tumulo ang aking mga luha. Ipinaglapat niya ang aming mga noo at ipinagdikit pa ang aming mga katawan. Nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking mukha. "Napakadaling sabihin na iwan na lang kita, na pakawalan na lang kita. Pero bakit ang hirap Kath? Bakit sa bawat segundong lumilipas, ikaw at ikaw lang ang hinahanap ko? Babe, mahal na m-ahal kita..Hindi ko kayang mawala ka. Hindi kita kayang bitawan dahil parang pinatay ko na din ang sarili ko." naramdaman ko na nababasa ang aking pisngi. Minulat ko ang aking mata at nakita ko na umiiyak ang lalaking mahal ko. Imbis na lumambot ang puso ko ay nabalot ito ng galit. I bitterly laugh.
"Talaga, babe ? Mahal mo ko.."sarkastiko kong sabi at tumawa. "I. KNOW. THAT. YOU. DONT. F*CKING. LOVE. ME. Kaya itigil mo na yang drama mo.."pumiglas ako sa kanya at nakawala naman ako.
"Please believe me--" nagmamakaawa siyang lumapit sa akin ngunit tinaboy ko siya.
"Believe you? Really? Xander, hindi ka pa ba kuntento? ANO BANG KAILANGAN MO?! Kinuha mo ng lahat sa akin at puro kasakitan na lang ang natira. Itigil mo na.. dahil tang*na ! MAGKAKAANAK KA NA !"nakita ko ang gulat sa mga mata niya.
"Tama ba ako? Bakit hindi ka ba masatisfy ni Stephie? Kaya hinahabol habol mo pa ako. Ganyan na ba kakati yang--mmmm..."hinablot niya ako at dinala sa isang gilid. May kung anong bagay na tumunog at naramdaman ko na lang ang isang malambot na bagay sa aking labi. I respond to his kisses.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagsinghap. "Tss. Kabataan talaga ! IKAMA NIYO NA YAN !"narinig kong sigaw ng isang lalaki. Sinubukan kong kumawala ngunit hindi niya ako hinayaan. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto at huminto siya.
"Tapos ka na ba sa kailangan mo?"hingal at galit na sabi ko sa kanya. Niyakap niya lamang ako ng mahigpit na mahigpit na parang ayaw niya akong mawala. I smirked at hinayaan ko lang siyang yakapin ako.
"Ikaw lang ang tanging kailangan ko.. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang hahanap hanapin ko. Ikaw lang ang una at huling babae na mamahalin ko. Sayo lang ako makukuntento. Mahal kita, Kathleen Alexie Gabrielle Ramos-Mariano."he chuckled. Tumatak sa puso ko lahat ng sinabi niya. Naramdaman ko sa mga sandaling iyon yung pagmamahal niya. Unti-unting nawala lahat ng sakit at hirap na aking naranasan. Patuloy lamang ang agos ng aking mga luha.
Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan ang aking mga luha. Napapikit ako at dinama ang mga sandaling iyon. "Wag ka ng umiyak, asawa ko ! Mahal naman kita e."nakangiting niyang sabi. Hindi ko alam pero bigla na lang nawala yung kaninang mga luha na inipon ko na parang bigla na lamang nasaid.
Naglakad siya papunta sa pinto at lumingon muli sa akin. "Mag-ingat ka lagi, asawa ko ! Babantayan mo pa mga anak natin ! Basta hintayin mo lang ako. I love you asawa ko, to infinity and beyond." kumindat pa ito at tuluyan ng umalis. Napaupo ako sa sahig at ngumiti. "I love you too asawa ko, to infinity and beyond..."
------------------------------
Hindi pa rin mawala sa akin ang mga sinabi ni Xander.
"Ikaw lang ang tanging kailangan ko.. Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang hahanap hanapin ko. Ikaw lang ang una at huling babae na mamahalin ko. Sayo lang ako makukuntento. Mahal kita, Kathleen Alexie Gabrielle Ramos-Mariano."
Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ni Xander para saktan ako, ramdam ko yung tunay ang pagmamahal niya sa akin.
I love him, he loves me. Pero bakit ang unfair ng buhay? Bakit may Zach? Bakit may Stephie? Bakit may baby na gumugulo sa pagmamahalan namin?
"Kath !"
Alam ko na karapatan ng bawat tao na mamuhay kasama ang ama't ina nila. Ayokong maramdaman yun ng batang dinadala ni Stephie. Gusto kong magpakaselfish, gusto kong akin lang siya pero hindi pwede. May pananagutan siya na kailangan niyang gampanan sa batang dinadala ni Stephie.
"KATH !"
Gusto kong tulungan si Zach na umahon sa buhay. Gusto ko na maabot niya yung hinahangad niya. Kahit sa sandaling panahon na nakasama ko siya ay naging magaan ang loob ko sa kanya. Itinuring ko na siyang kapatid, nakakatandang kapatid. I love him as my brother at ayoko siyang masaktan.
"KAAATTTHHH !!!"
Naputol ang aking pag-iisip ng may sumigaw sa tenga ko. Nakita ko sina Kei, Yumi at Chelsea na matalim na nakatingin sa akin at nakapamewang.
"Ano?"tanong ko sa kanila. Tumaas ang kilay ni Kei at pinitik ang noo ko. "Aww.."
"Kanina ka pa namin tinatawag, nakatulala ka lang diyan. Ayaw mo pa bang umuwi?"mataray na tanong sa akin ni Kei. "Ah. Hehe. Sorry girls ! Hindi ko naramdaman e !"sabi ko sa kanila.
"Kath, hindi iyon pinapakiramdaman ! Pinapakinggan yun Kath ! Tenga po ang ginagamit dun !"pambabara ni Chelsea.
*glare*
"Hehe. Tara na't umuwi !"biglang sabi ni Chelsea. Tumayo na ako at kinuha ang aking bag, nalalag naman dun ang tatlong invitation card. Napalunok ako. "Aam girls?"tawag ko sa kanila.
Tumingin sila sa akin ng nakakunot. Gusto kong ibigay sa kanila itong invitation card na ito pero mas nanaig na itago ko na lamang ito. "Aa wala pala ! Tara na, uwi na tayo !"nakangiti kong sabi at tumango naman sila.
Inihatid kami ni Kei dahil siya lang ang may dalang sasakyan. "Salamat Kei, Bye girls !"paalam ko sa kanila at nagpaalam na din sila sakin. Hinintay ko silang makaalis bago pumasok sa loob.
Batid ko na may mga matang nakamasid sa akin ngunit hindi ko ng lamang ito pinansin at pumasok na sa bahay. Agad akong umakyat aking kwarto at sumalampak na sa kama upang matulog. zZzzZZ..
♥♥♥ Sa mga naghahanap po kay Xanderbaby ! Ayan na po sya ! Haha. Sa mga susunod na chapter ay magsasawa naman kayo niyan kay Xander. ABANGAN.
Please VOTE at magcomment hanggang gusto mo ! ^♡^
@greeniepatutie_11 -- Salamat po sa patuloy na pagbabasa at pag-aabang ! Salamat sa pagvote ^O^
#ynamorrata
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...