Chapter 51
Kath POV
"Baby, you're so beautiful with your dress.."sabi ni Mommy nang matapos niya akong ayusan. I smiled to her. Kita ko naman ang pagtutubig ng kanyang mga mata. Mabilis ko itong nilapitan at niyakap.
"Mommy, alam ko naman 'yun.. Hindi niyo naman po kailangan umiyak."natatawang saad ko rito. Bahagyang natawa na rin ito at inayos ang mga bumagsak kong buhok.
"Do you remember what I told you about happiness?"
Saglit akong nag-isip at tumango. "Whatever you decide to do, make sure it makes you happy.."mahina at mabagal kong sabi kay Mommy na ngiti lang ang sagot.
"I decided to marry your father because I am happy. But sometimes happiness can cause great sadness. Kapag masaya tayo, may mga taong nasasaktan ng dahil sa atin. Alexie, I want you to be happy. Happy with the man that you truly love. Run away. And I am sure you will not regret it."
Matagal ako bago makapagsalita. Parang isang bala na dumating sa akin ang mga salitang iyon. Run away. I can run away but there will always be a 'but' after it. Maari kong takasan silang lahat pero maraming masasaktan, maraming maapektuhan.
I smiled and shook my head. "Thank you, Mommy for everything. I am happy that you are my mother. But running away is a race that you will never win, Mom. I am happy now, really.."sabi ko dito at ngumiti ng may pag aalinlangan.
Huminga ito ng malalim at ngumiti ng may pagkakontento. "If you're happy, I am also happy. Just remember what I've told you, baby."humalik na ito sa aking pisngi at tuluyan na itong lumabas.
I look at my reflection and I can't help but to smile. My dress is perfect. Everything is perfect. So,I can't destroy this perfect day.
'You can. Duwag ka lang !'sabat ng aking isipan.
Yes, I am coward. Kailangan kong maging duwag para wala ng masaktan pa.
'Wala nga ba, ha?'
Bigla kong naisip si Xander, nasasaktan ka nga ba? Hindi. Alam kong hindi. Masaya na siya. Nagtutubig ang aking mata sa naisip. Siya, kasama ang kanyang magiging pamilya.
'Hindi ka dapat umiyak, Kath ! This is your wedding day.'sabi ng aking isip. Yeah. Hindi dapat ako umiyak dahil maya maya'y ikakasal na ako. Pinunasan ko na ang aking mata at ngumiti na. 'I am ready to get married.'
- - - - - - - - - - - - - - - - - -
Sinundo ako ni Zach sa bahay at sabay na kaming pumunta sa munisipyo. He is wearing a white polo shirt. At kitang kita ko ang oh-so-yummy biceps ni Zach. He's so hot. Kaya't hindi ko talaga alam kung ano ba talaga ang gender nito.
He is smiling like crazy. And that makes him more handsome in my sight. Napailing na lang ako habang may nakapaskil na ngiti sa aking labi. Paakyat kami ngayon sa office ni Mayor dahil doon gaganapin ang kasal.
'Kasal..'pag-uulit ng aking isipan. Biglang may kung anong bumara sa aking lalamunan at parang may humahatak sa aking mga paa na nagsasabing 'huwag kang pupunta diyan !'.
"Kath, are you okay?"may pag-aalalang tanong nito.
Nakahinto na pala kami at matamang nakatingin ito sa akin. Napalunok ako. Tumingin ako sa pintuan na pagdadausan ng aming kasal. 'Ilang hakbang na lang, Kath.. ikakasal ka na..'asik ng aking utak.
"Kath, okay ka lang ba? May nararamdaman ka bang kakaiba? Masama ba ang pakiramdam mo?"sabi nito habang hawak hawak ang aking mga pisngi. Ngumiti ako at umiling. "Okay lang ako. I'm fine, really fine..."parang bulong na lamang ito ng aking sabihin ngunit sapat lamang upang marinig nito.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Genç KurguNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...