Chapter 20
Kath POV
Thursday. Nandito ako ngayon sa Forgive & Forget Bar. It's been two weeks na hindi ako nakakapunta dito dahil parang mayroon sa akin na ayaw ko at nagiguilty. Bakit ako biglang nandito? Hindi ko alam. Siguro namiss ko ito ! Namiss ko ang inuman, dirty dancing, mga babaeng kulang ang tela ng damit, at mga Oh-so-hot guys.
"Long time no see, Miss beautiful !"sabi ng bartender slash manager ng bar na ito. "Yeah, tequila please !"sabi ko. Ngumiti lang ako at tinignan ang paligid. Wala pa ring pinagbago, karamihan sa mga tao rito ay mga estudyante sa Xavier University.
Maya-maya'y nakakita ako ng isang pamilyar na bulto ng lalaki, si Xander kasama ang isang babae na maganda, maputi, makinis ang balat, matangkad at masasabi mong napakaganda sa kanyang damit. She's totally hot ! I mean pati kaming mga babae ay hindi maiwasang hindi tignan sya. She's a goddess !
"Kilala mo ba yung kasama ni Xander? Si Ellen Buenavista !"
"You mean yung sikat na model ! Omygosh !"
"Yeah. I know, they're dating."
"Perfect couple ! Super bagay sila !"
Bigla akong naconscious kung anong itsura ko ngayon. Hindi naman masyadong revealing ang suot ko, curly hair at light make-up. Tss Bakit ko ba kinocompare ang sarili ko sa kanya?
"Miss Beautiful, don't worry ! Mas maganda ka ! Here's your tequila !"sabi ni Mr.Bartender. Ngumiti lang ako at umiling-iling. Mabilis kong nilagok ang aking inumin na syang gumuhit sa lalamunan ko ! Lumingon ako at tinignan sila Xander na masayang nagtatawanan. Nakalagay ang kamay ni Xander sa bewang nito at nakahilig naman ang ulo ng babae sa balikat nya. What a scene ! There's a part of me na gusto ko ng kalbuhin yung babae pero naisip ko na gulo na naman ito kaya tinignan ko na lang sila sa malayo. Seen-zoned ang peg. "One more tequila !"sabi ko at ginawa naman ni Mr.Bartender.
"Mind if I join you?"sabi ng lalaking nasa harapan ko. Tinignan ko ito, singkit na mata, matangos na ilong, messy hair, brown eyes at mapupulang labi. Drools ! Definitely, a hot handsome guy ! Ngumiti lang ako at tumago-tango. "I'm Russ, Russel David Dela Cruz !"sabay abot ng kamay.
"I'm Kath, Kathleen Alexie Gabrielle Ramos ! Nice to meet you !"sabi ko. "Nice to meet you too. Can I call you Lexie?"aniya. Ngumiti ako at tumango-tango. Ngumiti din sya kaya nakita ko ang mapuputi nyang mga ngipin. Killer smile ! "Dave, ano nga palang pinagkakaabalahan mo?"tanong ko. Kung ang tawag nya sa akin ay Lexie which is hindi naman talaga usual kong ginagamit, I will also call him sa hindi nya ginagamit kaya Dave sa David.
"I'm a photographer ! Nag-aaral din ako sa Xavier University ng Business Ad. Ikaw?"sabi nya. "Actually, kakatransfer ko lang !"dugtong nya. "Okay ! Kaya pala. Nag-aaral din ako sa XU ng Culinary arts ! Naging model ka na rin ba?"sabi ko.
"No. I'm not a model but I look like one, right?"mayabang nyang sabi. Umirap lang ako sa kanya at natatawang umiling. "Ang hangin pre ! Pakipatay yung aircon mo !"sabi ko.
"Nasaan san ko ba nalagay? Nilalamig ka na siguro!" biro nya. Nagtawanan naman kami at nagpatuloy sa kwentuhan. Ang saya nya kasama dahil sa mga corny nyang joke at pick-up lines. Naging magaan din ang loob ko at medyo nababawasan na din yung inis ko kila sa Xander at sa babae nya. I admit that I like him as a friend. "Dave, sayaw tayo !"anyaya ko sa kanya.
Pumunta naman kami sa gitna at nagsimulang sumayaw. Hindi mo sya masasabing dirty dancing dahil parang friendly dance lang. Tawa ako ng tawa dahil kung ano-ano ang ginagawa sa akin ni Dave gaya ng pagsayaw namin ng Ballroom na hindi naman bagay sa kanta. Baliw talaga !
"Kath.."maawtoridad na boses ang tumawag sa akin. Nilingon ko ito at nakita siya na matalim na nakatingin sa akin, sa amin. Ang kanina naming masayang tawanan ay nawala at nakaramdam naman akong takot sa tingin nya. "Xander..."sabi ko. Kita ko ang galit sa mga mata nya kaya nag-iwas ako ng tingin nakakatakot yung itsura nya. *cross fingers* Sana naman walang mangyaring gulo dito. Sana...
<3 <3 <3 Hello guys :) Thank you po sa reads ! Salamat, salamat, salamat ! Haha. Loveyou po ! suportahan nyo po sana ang next kong story ! Hindi ko alam kung anong title. Basta alam mo na ! Sana sipagin pa ako ! Follow nyo ko please.. Sorry ! Bitin.
VOTE ! READ ! COMMENT ! SHARE !
#CutienessOverload

BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
JugendliteraturNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...