Chapter 28
Kath POV
"Hmm..hmmm.."I hummed habang marahang hinahaplos ang buhok ni Xander. Its been three weeks nung nangyari ang aksidente at unti-unti naring nakakarecover si Xander. Unti-unti na ring nawala ang mga galos nya sa mukha. Ngayon lang ulit ako nakalapit sa kanya ng ganito. I smiled. Ang gwapo pa rin talaga nitong mokong na 'to kahit na mayroon o walang sugat.
Mala-anghel ang itsura nya habang mahimbing syang natutulog, ibang iba kapag gising sya. Kung anghel sya 'pag tulog, parang naman syang gwapong halimaw kapag gising. I giggled. GWAPONG HALIMAW? Haha. Totoo naman na gwapo sya e.
I touched his fragile face, then trace my hands in his pointed nose. I feel my eyes are becoming misty. I missed his smile, his eyes, his dimples and his lips. I really really missed him.
"Miss na miss na talaga kita babe !"I whisper. Hinalikan ko ang noo nya at ngumiti ng malungkot. Naramdaman kong basa na ang aking mga pisngi kaya pinunasan ko iyon.
"Ano na namang ginagawa mo dito?"napatalon ako sa gulat. Hindi ko namalayang gising na pala si Xander. I smiled to him. "Gutom ka na ba? May dala ako ditong pagkain. Gusto mo b--"alok ko sa kanya, not minding his question.
"Anong ginagawa mo dito?"cold nyang sabi.
"Aam.. ako muna yung.. mag-babantay sa'yo ! Tsaka.. ano.. pinagdalhan kita ng pagkain !"I tried to be cheerful. Ngumiti ako at tumayo na para ipaghanda sya ng pagkain.
"Hindi naman kita kailangan at saka ayokong kumain !"cold pa rin nyang sabi. I smiled-- a sad smile."Kailangan mong kumain ng breakfast para mapabilis yung paggaling mo okay?"mahina kong sabi.
"Umalis ka na. Kaya ko namang kumain. Hindi ko kailangan nyang pag-aalaga mo."mariin nyang saad. Napapikit ako ng mariin dahil naramdaman ko yung kirot sa puso ko. Pinigilan kong tumulo ang mga luha, pinigilan kong maging mahina sa harap nya.
"O-okay, pagkatapos mong k-kumain. A-aalis ako! okay na ba y-yun?"sabi ko. Ngumiti naman sya ng malapad at tumango-tango.
"Bilisan mo na ! Gusto ko ng kumain !"sabi pa nya. Bakit gustong gusto nya na akong umalis kaagad? Ganun na ba talaga kasama yung tingin nya sa akin? Tumango ako.
Hinanda ko na yung pagkain nya at nilapag na iyon sa may lamesa. "Kumain ka na !"sabi ko pero tinignan nya lang yung pagkain."Hindi mo yan mauubos kung titignan mo lang di ba? Kaya kumain ka na okay?"biro ko sa kanya. Umiling-iling sya.
"Subuan mo ako !"nagulat ako sa sinabi nya. Ngumuso sya. Para syang bata na hindi ibinigay yung hinihiling nya kaya hindi ko mapigilin ang pagtawa ako.
"Bakit mo ako tinatawanan?"sabi nya.
"Ehem.. Sige na. Susubuan na po kita ! Childish."sabi ko pero binulong ko na lang yung dulo. Kinuha ko na yung pagkain at sinimulan na syang subuan. Hindi ko maiwasang mailang dahil nakatingin sya sa akin. I mean nakatitig pala sa akin. Naconscious tuloy ako kung ano ang itsura ko ngayon.
"Diba tapos na tayo?"out of the blue na tanong nya sa akin. Nilapag ko muna ang pagkain at huminga ng malalim. "Hindi mo naman ako naging fling okay?"sabi ko sa kanya.
Tumango sya at nilagay ang kanyang kamay sa baba na parang nag-iisip. "O baka naman naging girlfriend kita?"nabilaukan ako sa sinabi nya kahit na wala naman akong kinakain. Binigyan nya ako ng tubig. "Thanks !"
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...