Movie Marathon (2)

4.8K 160 30
                                    

Chapter 16

Kath POV

Kanina pa nagsimula ang movie at kanina pa sumiksik sa akin si Xander. Tumingin ako sa mga kasama ko at pati na rin si Jake at Troy ay nakasiksik sa mga best friend ko. Si Drake naman ay dumidikit na kay Yumi. Takot rin pala ito ! Haha. Tsansing pa mga brad :)

Si Chelsea at Yumi ay tutok na tutok habang si Kei naman ay nakapokus sa pagkain. Mukhang pagkain talaga to !

"Babe, umayos ka nga ! Nangangalay na ako !"angal ko kay Xander pero mas lalo pa syang sumiksik. Tamang tsansing lang. -_______-

"WAAAAAAHHHH ! "tili ni Troy kaya nagulat din kami. Tinignan lang namin sya at tumawa! Haha. Isang Troy ng Four Prince? tumitili? HAHAHAHAHA.

"HAHAHAAHA PFT-HAHAHA ! Para kang bakla brad !"pang aasar ni Jake. Binato lang sya ni Troy ng chips !

"Parang ikaw a hindi takot ! Grabe nga yang pag kapit mo kay Chelsea !"sabat naman ni Xander.

"Ikaw din kaya ! Tignan mo yang kapit mo sa akin !"sabi ko at tumingin sa kamay nyang nakakapit sa akin. Tumawa kami habang si Xander naman ay nagkakamot lang ng ulo.

Kukuha sana si Yumi ng pagkain kaso nga lang ay ubos na kaya tinignan nya si Kei na punong puno ang bunganga. Umiling na lang sya at tumayo. Susunod sana ako sa kanya para kumuha ng pagkain pero hinigit ni Xander ang kamay ko.

"Bakit?"tanong ko sa kanya.

"Dito ka lang !"sabi nya. Umiling iling lang ako at pilit na kumawala sa kapit nya. Pero ayaw pa rin nyang bumitaw !

"Kukuha lang ako ng pagkain babe ! Natatakot ka ba?"sabi ko sa kanya.

"Oo natatakot ako ! Natatakot akong mawala ka sa akin!"banat nya. Tinatanong ito ng maayos tapos banat ang sagot ! Aamin kong kinilig ako. Leche plan -_____-

"Nandyan lang ako sa kusina babe, hindi ako mawawala ! Okay?"sabi ko kasabay ng pagluwag ng kapit nya. Dumiretso na ako sa kusina at nakita kong naghahalukay si Yumi ng refrigerator.

"Yumi, tulungan na kita dyan !"sabi ko at tinulungan na si Yumi. Kumuha kami ng chichirya, popcorn, at softdrinks. Pagkatapos ay bumalik na kami at inilapag na ang mga pagkain.

Nagpokus na ulit kami sa pinapanood. Papalapit na ang climax kung saan pumapatay na yung nasapian. Then ...

"KYAAAAAAA ! PATAYIN NYO NA YAN ! WAAAAAA !"

"WAAAAA ! MOOMMMMYYY !"

"WAG KANG LALAPIT ! WAAA !"

Biglang nagsitilian ang mga lalaki at tumakbo sila papuntang kusina. Kasama nila si Drake na halatang takot din pero hindi sumisigaw. Nagkatinginan lang kami ng mga best friend then TING ! BRIGHT IDEA. 

Binulong ko sa kanila ang plano at umayon naman sila. Operation : Patayin sa sindak ang FOUR PRINCE ! :) Hahahaha !

Inilugay namin ang aming mga buhok at naglagay ng maraming pulbos sa mukha namin. Pumunta na kami sa kusina at sinilip ang mga lalaki. Medyo malapit kami kaya naririnig namin yung usapan nila.

"Brad, umalis na tayo dito! Waaa ! Tara na !"sabi ni Troy. Sumilip ako at nakita kong may hawak si Xander ng sandok , si Troy naman ay may dalang kawali , si Jake ay may hawak na kutsara't tinidor ! at si Drake naman ay may hawak na tiyanse. Haha ! Yung totoo? THE KUSINA BOYS :') LAUGHTRIP. HAHAHAHAHAHAHA !

"Wait lang ! Mamaya baka nandyan na sila ! Kailangan nating magplano !"sagot ni Xander. Tahimik pa rin si Drake habang si Jake at Troy naman ay nagbabantay ng darating. Haha ! Tignan ko lang kung makapagplano pa kayo ! :)

Nagsign ako na lumapit na sila Kei, Yumi at Chelsea. Nag-alaSADAKU na kami at gumapang papunta sa kanila.

"Wooooooooooh  !"sabay sabay namin ungol at nilalapitan na sila.

"WAAA ! NANDYAN NA SILA ! PALAPIT NA ! WAAAA !"

"WAAAAAAH ! MOOOOOMMMYYY ! TULONG ! WAAAA !"

"KAYA NATIN SILA ! WAAA !"

Sigaw ng mga lalaki kaya pinagpatuloy pa rin namin ang paggapang with matching ungol. Maya maya'y ...

"TAAAAAKKKKBBBBOOO !"sigaw ni Troy habang buhat si Jake at nagsimula na silang tumakbo. Nagkadapa dapa sila at HAHAHAHAHA ! EPIC :')

"HAHAHAHAHAHAHA PFT--HAHAAHHAHAAH ! EPIC FACE!"sabay sabay kaming humalakhak. Grabe mga itsura nila ! Wuahahaha. Epic talaga ! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa ! ^^

OPERATION SUCCESS !! ^^

-----------------------------

Troy POV

Takbo lang ako ng takbo dahil sa takot ! Woosh ! Bigla naman akong nakarinig ng malakas na halakhak na nanggagaling sa kusina. Huminto ako at dahan dahang tumungo sa kusina. Nanginginig ang mga binti ko habang sumisilip sa loob.

-____O

Nakita ko sila Kath, Kei, Yumi at Chelsea na nakapaputi ng mukha at tumatawa ! So sila yung nanakot sa amin?

Nakita ko naman sina Drake, Xander at Jake na kababa lang ng hagdan. Nagsign ako na lumapit sila at tignan yung nasa loob ng kusina.

Nagkatinginan kami at nagtanguan ! Nag evil smile ako at tumingin muli sa nagtatawanang babae. Lagot kayo sa amin !

♥♥♥ Ano pong masasabi nyo sa Four Prince ? Haha ! Laughtrip :') READ ! COMMENT ! VOTE ! Loveyou guyth :') ^^






#CutieenessOverload :')

Mr.Playboy meets Ms.PlaygirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon