Chapter
Kath POV
Everytime I see that he's happy with her, gusto kong dukutin na lang itong mata ko para hindi ko na makita kung gaano sya kasaya. Everytime I see how he lovingly look at her, parang pinapatay ako ng paulit-ulit. Everytime I see how he care for that girl, gusto ko na lang mawala para hindi na masakit. And everytime I see them together, nawawalan na ako ng pag-asang mamahalin niya ako ulit.
Its been two weeks simula nung nalaman kong hindi nya ako ma--. Napatawa ako ng mapait. Ang sakit pa lang malaman na hindika mahal ng taong mahal mo. Ito rin yung panahon kung saan ang pag-iyak lang ang tangi kong alam na gawin. Napagtanto ko rin na pagod na din pala ako. Pero minsan kasi kahit gustong-gusto mo pang ipaglaban, hindi mo na magawa kasi pagod ka na, kasi wala ka ng pag-asa.
</3
Pero bakit kahit pagod na ako at wala ng pag-asa pinaglalaban ko pa rin itong pagmamahalan na ito, pagmamahalan na ako lang ang bumuo? I guess I find my one true love. Xander ! I smiled bitterly. Hindi nga lang ako mahal.
Ang daming nagsabi na hindi tunay na pagmamahal ang nararamdaman ko dahil napakaikli ng panahon na naging kami. I think two and a half month ko nakasama si Xander kaya siguro nasabi nila na hindi ito tunay. Hindi naman batayan kung gaano katagal o kaikli yung panahon para malaman mong mahal mo ang isang tao. Ang pag-ibig, kusang dumarating yan hindi mo masasabi kung kailan at saan pero unti-unti mong mararamdaman hanggang sa wala na, hulog ka na--.
Kuya Enzo calling..
Pinunasan ko muna ang aking luha at inayos ang sarili saka ko kinuha ang aking phone. "H-hello?"
"Alexie? Umiyak ka ba?"may pag-aalala na sabi ni Kuya. Umiling ako na parang nakikita nya. "Wala bang h-hello d-yan?.."I try to be cheerful but I know that i failed.
"Alexie.. Umiiyak ka ba?"pag-uulit pa ni Kuya Enzo .
"H-hindi..*sniff* malat l-ang a-kko."pagsisinungaling ko.
"Alexie.."mariing sabi ni Kuya. Napaluha ako ng tuluyan kaya kinagat ko ang aking ibabang labipara mapigilan ang paghikbi. Kilalang kilala talaga ako ni Kuya..
"Malat nga l-ang ito.."pagsisinungaling ko pa.
"Alexie.. Alam kong umiiyak ka. Bakit? Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? May umawa--"sunod-sunod na tanong ni Kuya.
"Kuya, wag ka ngang OA ! Bata lang? Okay lang ako. Ay-os lang a-kko.."sabi ko. The biggest lie is saying you're okay even though you're not.
"Stay there. Alexie ! 5 minutes !"mabilis na sabi ni Kuya. Pupunta dito si Kuya? O___O "Wait--"
*toot* *toot* *toot*
![](https://img.wattpad.com/cover/13047757-288-k609164.jpg)
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Novela JuvenilNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...