Chapter 46
Xander POV
Kakaalis lamang ni Stephie pagkatapos naming kumain dahil tinawagan ito ng kanyang ama. Nanatili lamang akong nakahiga sa aking kama at iniisip ang aking napanaginipan. Hindi ko alam kung panaginip nga ba iyon dahil it felt so real.
Naalala ko pang naluluha itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Hindi ko maiwasang mapahawak sa aking pisngi. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang haplos niya sa aking pisngi.
"Xander.. ano ba talagang nangyayari? Bakit ba nangyayari sa atin ito? Sinabi mo na mahal mo ako at hintayin ka. Paano?.."tumulo ang kanyang mga luha. Gusto ko itong pinusan at sabihing mahal ko rin ito at 'wag itong mag-sawang maghintay sa akin.
"Paano kita hihintayin kung wala ka ng balak pang bumalik? Mahal natin ang isa't isa pero may responsibilidad ka kay Stephie.. Ang landi landi mo kasi.. yan tuloy ! *sniff* Basta ang alam ko mahal kita.. Mahal na mahal kita."inilapat nito ang kanyang labi sa aking labi. Umiiyak ito at alam kong nahihirapan na ito sa estado ng relasyon namin. Ang alam ko lamang ay mahal niya ako at nagmamahalan kami.
Niyakap ako nito at ipinikit ang kanyang mata. Ang lakas ng kabog ng aking puso kagaya na lamang ng sa kanya. Ganitong ganito ang aking puso sa tuwing kasama ko siya.
"Xander, nandito na ako.."
Nawala na lamang sa aking paningin si Kath at may naramdaman akong labi na humahalik sa akin. Tinignan ko ito at nakita kong ito'y si Stephie. Hindi ko mapigilang makadama ng dissapointment dahil hindi ito si Kath. Siguro'y panaginip nga lamang iyon dahil imposibleng pumunta dito si Kath. I guess that I just missed her. I miss everything to her.
Naputol ang aking pagmumuni-muni nang maalala ko ang aking cellphone. Papapuntahin ko nga pala sila Drake, Jake at Troy para uminom. Hinanap ko ito at natagpuan ko sa ilalim ng kama. Inabot ko ito at may napansin akong isang bagay-- isang panyo. Nilapag ko na lamang ito at binuksan ang aking cellphone. Nakita ko ang maraming missed call sa akin ni Nathan. Ano na naman bang kailangan nito?iyon na lamang ang natanong ko sa aking sarili.
Tatawagan ko na sana sila ngunit may biglang tumawag. It was Nathan. Kahit na wala ako sa mood na kausapin ito ay inaccept ko na lamang ang tawag.
"Hello?"walang ganang sabi ko rito.
"Finally, sinagot mo na rin !"
"O, anong kailangan mo?"I know kung bakit siya tumawag ay para inisin ako sa pagkatalo ko sa deal namin. And even I did'nt win, I did win Kath's heart.
"Tsk. Pumunta ka dito sa mansyon nila Kathleen !"nagmamadaling sabi niya.
"Ano na naman ba ito Nathan? Huwag mo kong pagtripan !"
"Hindi kita pinagtitripan. Okay? Kailangan mong pumunta dito, ngayon na !"masasabi kong hindi siya mapakali ayon sa boses niya. Bakit nga ba siya nagmamadali? At bakit nandoon siya sa bahay ni Kath?
"So nandiyan ka sa mansyon ng mga Ramos? Ano ba talagang gusto mo?"naiinis na sabi ko dito. Hindi maganda ang kondisyon ng katawan kaya wala rin ako sa kondisyong kausapin siya.
"F*ck ! Just go okay !"may bahid ng pagkainis ang boses nito.
"Ano bang gagawin ko diyan at kailangan ko pang pumunta? Ha?"mariing sabi ko dito at aakmang ibaba na ang tawag nang marinig ko ang kanyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Teen FictionNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...