[Play: ALL OF ME by Boyce Avenue]
Epilogue
Pagkauwi pa lamang ni Xander ay agad siyang kumuha ng maraming alak upang magpakalunod. 'Wala na. Tapos na.' iyan lamang ang mga salitang paulit ulit na tumatakbo sa isipan niya. Parang pinupunit ang puso niya ng malaman na nagpakasal na ang babaeng minahal niya ng tunay.
Gusto niyang magwala pero wala na ring lakas ang katawan niya na gawin iyon. Wala na siyang lakas na magpatuloy sa buhay. He is weak without Kath. Wala na ring kwenta ang buhay niya.
Nasa isang sulok si Xander ng kwarto, nagpapakalasing at iniisip na masaya na si Kath. Masaya na itong namumuhay kasama si Zach. Habang siya ay nagpapakalunod sa alak para maibsan lamang ang sakit na nadarama. Napangiti ng mapait sa naisip at patuloy na tumulo ang mga luha nito.
Lumagok muli ito ng alak. Gumuhit ang pait nito sa kanyang lalamunan. Napapikit ito at biglang bumalik lahat ng ala ala nilang magkasama. Those smiles and laughters. Those hugs and kisses they shared. Those times when they are happy. Those times when they are in love with each other.
'But those memories will never happen again.'asik ng kanyang utak.
Sumiklab ang galit sa kanyang dibdib. Galit kay Stephie. Galit sa kanyang sarili at galit sa mundo. 'Bakit kung kailan tama na ang lahat saka pa naging mali ang pagmamahalan namin?'
"Aaaaaaaaagh !"
Naibato na lamang ni Xander ang bote at tumama ito sa pader. Nagdala ito ng malakas na pagkabasag. Pero kahit ganoon ay wala itong makapang galit kay Kath. Dahil mahal niya ito. At dahil sa pagmamahal na ito ay natabunan na ang lahat ng galit na iyon. He is more than hurt. At gusto niyang siya na lamang ang masaktan. Hindi niya maexplain ang nararamdaman niya, pagkahalong galit, sakit at pagmamahal. Feeling nito'y mababaliw na siya.
Tahimik lamang itong umiyak. Napayuko ito at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi nito alam na ganito pala ang kahihinatnan ng kanyang ginawa. He choose to fight alone. He choose Stephie. He pushed Kath away. He let her go. And that was the biggest mistake he had done.
Nakarinig ito ng pagbukas ng pintuan, kaya't dahan dahang napatunghay ito. Nanlalabo ang kanyang paningin dala ng kanyang kalasingan. Inaaninag nito ang taong nakatayo lamang sa gilid ng pintuan at matamang nakatingin sa kanya. Nangilid ang luha ni Xander at naramdaman ang paglakas ng kabog ng kanyang dibdib ng makita ang babaeng nasa harapan niya. It was Kath. Nakangiti ito sa kanyang direksiyon at kitang kita dito ang labis na kasiyahan na may halong pag aalala.
"K-ath.."
Sinubukang tumayo ni Xander at abutin ang babae ngunit hindi nito nagawa. Agad na lumapit ang babae dito at lumuhod upang pantayan ito. Dumapo ang mainit na palad ng dalaga sa pisngi nito at walang ibang nagawa si Xander kundi ang pumikit. Damang dama nito ang init ng palad ng babae na animo'y tunay ngang nangyayari. Ngunit hindi. Hindi na ito babalik pa sa kanya.
"Xander.."
'Pati ang malambing na boses ni Kath ay nakuha nito.'nasabi na lamang ni Xander sa kanyang sarili. Isa itong musika sa tainga ng binata. Minulat ni Xander ang kanyang mata at kinabisado ang itsura ng babae. Kailanma'y ang mukha nito ay hindi mabubura sa isipan ng binata.
"K-ath.. Sorry. Hindi ko gustong h-iwalayan ka. Pero n-atatakot ako... para sayo.. kasi m-ahal kita. I l-ove you so much na kaya kong s-arilihin na la-mang ang s-akit.."
Dumampi ang labi ng dalaga sa labi nito at nanatili lamang ito. Parehas nakapikit ang kanilang mga mata at ninanamnam ang bawat sandali. Parehas nilang nararamdaman ang dumadaloy na kuryente sa tuwing sila'y magdidikit. Nagsimulang ang kanilang mga labi sa ritmong sila lamang ang nakakaalam. It was a sweet, passionate kiss.
BINABASA MO ANG
Mr.Playboy meets Ms.Playgirl
Fiksi RemajaNagsimula ang kwento sa landian na nauwi sa lokohan at pakikipaghiwalayan. Ang kanilang hiwalayan ang naghudyat ng pagmamahalan, pagmamahalan na kahit na sinong tao ay hindi malaman. Pero bakit kapalaran sadyang kay lupit? Pagsubok ay dumating na na...
