Chapter 6

210 3 4
                                    

Bwiseeeeet talaga!   Lalo lang sumama ang araw ko!

una..dahil dun sa nangyari sa invitation,

pangalawa…AaaaaAaaaahhhhh!!!!!! dahil sa lalaki na  yun!

“paki punasan na yung laway”.

"paki punasan na yung laway”

 “pakipunasan na yung laway”  

 Unli. ka ba utak ha? kelangan ulit-ulit?!

Pagdating ko ng bahay ginawa ko lang yung routines ko bago matulog.

sabay higa sa kama.. sarap!

Ok.. ok..kelangang paganahin ang utak erase na yang poging mama kanina.

Hmm..nung tumawag naman kasi si ara para sabihing  huwag ko na siyang ihatid sa airport, pinatay niya agad yung cellphone.

hindi man lang nga ako nakapagsalita kahit hello duh? 

 Tiningnan ko uli yung  invitation habang paulit ulit na hinahagis sa itaas. kaloka tlaga..          

haist..yung lugar lang ng simbahan at reception ang nakalagay.

what should I do?

what should I do?

think.. think.. think..

 and then suddenly something pop up in my mind..

but.. argh!  never mind! kahibangan na naman naisip ko tsk.

Wedding day...

vrroom.. vroom.. tunog ng mga nagdaraang sasakyan. 

Grabe ang init! ang alikabok at ang usok pa! this is insane! omg! hindi ko alam na gagawin ko din yung naisip kong akala ko ay kahibangan lang!

at kung tinatanong n’yo kung nasaan ako?

well magpapasagasa po ako para matapos na tong paghihirap ko!

pero seriously.. nandito lang naman ako sa highway!
opo highway nga!       

at bakit ako nandito?.......para abangan si Mr.Soon to be Broken. ito kasi yung daan papuntang simbahan. ito. kasi. yung naisip kong kabaliwan, ang harangin sya bago pa makapuntang simbahan.

natural dapat hindi na siya makarating dun bawas kahihiyan rin yun diba?

muntanga ako dito..actually kasama ko si Maxie.

pero ako lang ang mukhang tange dito kasi ba naman!

may hawak akong cartolina na may nakalagay na:

 MR.BRAGANZA NA IKAKASAL KAY ARA PEREZ NGAYON..

 PLS.STOP AND TALK TO ME NOW!!  IMPORTANTE LANG!!

Imaginin niyo yung scene sa airport kapag my sinusundo galing abroad.  

 “sisteret,hanubeyan? ang tagal naman niya?ang jinetis dito noh! "reklamo ni bakla habang nagpapaypay gamit ang kamay.
 
"ang sabi mo sa kasalan tayo pupunta hindi mo sinabing gusto mo pala mag welga dito mag-isa…..dinamay mo pa aketch” reklamo pa niya.

 isa pa tong bading nato e ang ingay!  kairita!

“Konting tiis bakla..sino ba may sabing sumama ka? sagot ko na medjo asar

“Fine! akala ko naman kasi maraming fafabols yung pupuntahan noh?"saka nawiwiwi na’ko gurl!".  naka pout pa na sabi niya.

  “oi bakla wag ka nga ngumuso jan ampanget mo!at tsaka highway ‘to,saan ka iihi? Sa gilid-gilid?"sabi ko naman habang patingin tingin sa mga dumadaang sasakyan.

"pigilin mo“. sabi ko pa

  “Paano ko pipigilan? duh?" reklmo niya.

 “eh ano gusto mo?barahan natin?lagyan natin epoxy? "sabi ko na medjo nang iinis hehe..

"funny". naiiritang sabi nya.

 "Sige maghubo ka dito kung gusto mo!” sagot ko.Wala naman din kasing masyadong puno kaya saan sya makakapagtago.

 pati ba naman pag ihi n’ya problema ko pa?

 GRRRRRRR……..asar,hindi lang siguro yung ginagawa ko ang nakakahiya
pati na rin itsura ko.! Grabe ang init!

Ara ! kasalanan mo ‘to…bakit ba kasi ako pumayag eh!  gusto ko na tuloy maglupasay!

Maya-maya may humintong sasakyan at bumukas ang bintana ng kotse.

 at may biglang dumungaw na..

shit!  sya? siya ang groom?!

 “Ms.may sasabihin ka ba?Ano ba yun? Nagmamadali kasi kami".

Lumuwa ata ang mata ko..

No!  It can't be!         

My Proxy Bride [ On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon