Wala talaga akong magawa dito sa loob nang kwarto..Kahit na ang panunuod ng TV wala rin magawa para sa pagkabagot ko.-_-.Ano ba kasing gagawin niya at kailangang wala ako dun sa baba.Atleast dun kahit man lang katulong makita ko at pwedeng makakwentuhan haist. T.T
TOK…….TOK…….
“Sino yan?”
“Isa po sa mga katulong niyo young lady.”
“Ah sige po pasok,hindi naman po naka lock yung pinto.”sabi ko.Hindi ko kasi nilolock dahil alam kong papasok rin si Zach dito.
“Young Lady,pinapasabi po nang inyong asawa na mauna na daw po kayong matulog at ‘wag na siyang hintayin.”
“Ha?Bakit daw?At saka ‘wag mo na akong pinopo kasi bata pa ako.Tingin ko nga mas matanda lang ako sa’yo ng konti. ^-^”
“Sige young lady kung yun ang gusto mo.^_^”medyo nahihiya pa niyang sabi.”Yung tungkol kay young master,marami raw siyang ginagawa at inaasikasong mga papeles kaya mauna na raw kayong matulog.”
“Ah ganun ba?Bakit daw,nasaan ba siya?”
“Nasa opisina niya sa may baba.”
“Sige salamat ha.At nga pala sana maging magkaibigan tayo,para naman may makausap ako dito sa mansion.”sabi ko.”Ano nga pala ang pangalan mo?”
“Ella ang pangalan ko young lady.”
“Oh Sige Ella basta friends na tayo ha?H’wag kang maiilang sa’kin.”^-^
BINABASA MO ANG
My Proxy Bride [ On Hold]
HumorNa pag utusan ka lang naman na sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal...pero in the end natuloy pa rin at ikaw ang naging PROXY BRIDE...ISIP BA O PUSO NA NILA ANG MAGDIDIKTA? LET THEIR HEART SPEAKS XD