Binuhat uli ako ni Zach papasok nang kotse.Papunta na kami ngayon sa ospital para daw matingnan kung ayos lang ang katawan ko dahil nga dun sa pagkakalaglag ko sa may hagdanan.-_-
“Hwag na natin ituloy ang pamimili nang gamit mo.”biglang sabi ni Zach ng makasakay na kaming pareho.
“Ayoko,gusto ko ngayon na.Ang kulit mo kasi sinabi nang ayos lang ako eh.Hindi na masyadong masakit.”
..Grrrr naku naman ayos na mood ko ei kung bakit sinabi na naman niya yun kaya naasar na naman ako.Ayoko na kasing matulog sa kwarto niya kahit pa sabihing hindi naman siya tumabi sa’kin.
“Ikaw ang makulit.”-_-
….psh,ay ewan.Pinili ko na lang manahimik dahil hindi rin naman kami magkakasundo.Ipipilit pa rin niya ang gusto niya,syempre hindi ako papayag.
“Magka stiffneck ka niyan Maria,Madagdagan pa papatingnan natin sa doctor.”
“Eh ano ngayon?Marami ka namang perang pambayad kaya ayos lang.”sabay irap na sabi ko >.>
“Sino may sabing ako ang magbabayad ?”natatawa-tawang sabi niya
“Ako,ako ang nagsabi.Aba Zach ang kapal mo ha,ikaw at yung alaga mong si Zara ang may kasalanan kung bakit ako nalaglag sa hagdanan.Kaya dapat lang na ikaw ang sumagot nang gastos ko noh!”napaharap tuloy ako sa kanya sa sobrang inis.
“Hahaha..highblood ka na naman,Maria.Ang sarap mo talagang galitin.”nakakalokong sabi niya
“Naku nakakainis ka! Baka mamatay ako nang maaga dahil sa’yo grr.>.<”
“Okay,let’s stop this argument.We’re here.”at huminto siya sa may harapan nang hospital.”Baba ka na,hintayin mo na lang ako dyan sa may entrance,ipa-park ko lang ‘tong sasakyan.”
“Sige,bilisan mo.” binuksan ko na yung pinto at saka lumabas ng kotse.
“Okay.Dyan ka lang alam kong wala kang pambayad.”sabay alis niya.
….naku,naku…banas na banas na talaga ko sa lalaking yun! Kanina pa niya sinisira ang araw ko pagkagising pa lang..T.T.Naupo muna ko dito sa may upuan habang hinhintay na bumalik si Zach.Maganda at malaki ‘tong ospital,mukhang mahal ang bayad dito.Pang sosyal ei.
…..Sandali lang naman at dumating na rin siya.
“Halika na sa loob.”yaya niya.”Kaya mo bang maglakad or you want me to carry you?”
“Maglalakad na lang ako,kaya ko naman ei.”at nauna na’kong pumasok sa loob.
“Good morning Doc.”bati nung isang nurse na nakasalubong ko.
….hmm..baka may doctor kaming nakasabay ni Zach pagpasok at nasa likuran ko lang.Saan ba dito yung pupuntahan namin?
“Zach saan ba dito tayo dapat pumunta?”pero wala akong sagot na narinig.Kaya lumingon ako sa likod ko at O.O
NASAAN SIYA?!
..lumabas uli ako at hinanap siya,pero wala? San nagpunta yun,saka hindi man lang nagpaalam sa’kin.Nahilo lang ako kakahanap pero wala hindi ko siya nakita,langya naman ‘wag niyang sabihing iniwan niya ko mag-isa dito! Humanda siya sakin pag-uwi ko!
“Mrs.Braganza?”
..naramdaman kong may mahinang tumatapik sa braso ko.Kaya naman tiningnan ko kung sino yun.
“Ahm..Kayo po ba yung tumatapik sa’kin?”tanong ko dun sa nurse na nasa likuran ko.
“Ah opo.Ikaw po ba ang asawa ni Mr.Zachary Braganza?”tanong nito
BINABASA MO ANG
My Proxy Bride [ On Hold]
HumorNa pag utusan ka lang naman na sabihin sa kanya na hindi na matutuloy ang kasal...pero in the end natuloy pa rin at ikaw ang naging PROXY BRIDE...ISIP BA O PUSO NA NILA ANG MAGDIDIKTA? LET THEIR HEART SPEAKS XD