Marl's POV
Di pa din dumadating sina Roe at Danny..kaya di ako makatiis at lumabas na ako papuntang School park kung saan may pupuntahan sina Danny At Roe..pagdating ko sa School Park ay nakita ko sina Danny At Roe na may kasamang dalawang babae..si Cheska at Rica..at ano naman kaya ang pinag-uusapan nila na mukhang dinadamayan nila si Cheska..nasa malayo lang ako kaya di ko madinig ang mga pinag-uusapan nila..
Tungkol ba sa mga sinabi ko kanina may Cheska yung pinag-uusapan nila? Kung Tungkol nga kanina ay dapat kasali ako para maipaliwanag ko may Cheska kung bakit ko nasabi iyon...
Nagiging malalim na ang kanilang mga pinag-uusapan..hanggang pagkalipas ng ilang minuto ay bigla na lang napaluha si Cheska...at mukhang pinapakalma nila...may problema nga talaga si Cheska...gusto ko siyang damayan ngunit baka ako ang dahilan kung bakit nila dinadamayan si Cheska.....
Oh my Gosh..patawarin sana ako ni Cheska sa mga nasabi ko sa kanya..at alam ko na ngayon kung bakit palaging pinipilit ni Roe at Ni Danny Si Cheska dahil tinutulungan nila si Cheska...tinutulugan nila si Cheska na maging kami...shit..sana nag-ingat ako sa mga binibitawan kong mga salita..
Nag-uusap pa sila...Hindi nila ako nakita dahil nasa malayo ako na tumitingin sa kanila...ngunit di ko nga lang madinig kung ano ang mga pinag-uusapan nila...hanggang sa iabot ni Rica ang tissue kay Cheska upang punasan ang kanyang mga luha at Si Cheska naman ay pilit na pinapagaan ang kanyang kalooban..hanggang sa pagkalipas ng ilang minuto ay di na umiiyak si Cheska...walang masyadong tao sa School Park ngayon...kaya ibinuhos na siguro ni Cheska ang kanyang hinagpis..
Maya-maya ay tumayo silang apat at dumiritso patungong Classroom namin...noong nawala na sila sa paningin ko ay tumungo na din ako pabalik sa Classroom namin baka nandoon na ang subject teacher namin sa Math..(Ang second Subject namin sa umaga)
BINABASA MO ANG
He's The Reason Why I Turned Into A Boy
Novela JuvenilAng kwentong ito is all about a girl na baliw na baliw sa isang lalakeng who will never loved her back. Umaasa siya sa wala,Lahat na yata ay ginawa niya para mapansin naman siya ni boy ngunit di talaga epektibo sadyang bulag at pusong bato itong Si...