Prologue

1.3K 26 18
                                    

Pag may Crush ka, araw-araw lagi kang excited pumasok sa school para lang makita siya. Araw-araw mo siyang sinusundan o kung hindi ay lagi naman siyang nasa isip mo. Minsan nga nahuhuli ka pa ng bestfriend mong nakatulala at malalim ang iniisip. Minsan din ngingiti-ngiti ka ng walang dahilan na para kang baliw, yun pala nag de-daydreaming ka lang na kinakausap ka daw ng crush mo. At dahil sa Crush na yan lagi kang masaya. Makita mo lang siya buo na araw mo. Lahat gagawin mo makuha lang ang number nya at maging close kayo kahit sa text lang.

Pero paano kung dumating ang araw na nalaman niya na may gusto o crush ka pala sakanya at dahil dito unti-unti siyang umiwas saiyo at hindi narin siya nagtetext? Ano kaya ang mararamdaman mo kung hindi na siya nagpaparamdam sayo at hindi ka na niya pinapansin? Magiging masaya ka parin ba? Patuloy mo parin ba syang magiging crush o It's time to move on na?

PROLOGUE

Sa panahon ngayon lahat ng kabataan ay mayroong nang hinahangaan o sa madaling sabi, crush, at isa na nga ako sa mga libu-libong kabataan na iyon. Siya nga pala, ako si Maria Katrina G. Delos Reyes, MK nalang for short. Anyway, let me tell you something about me, I am 14 years old. Currently studying at St. Therese School of Art and Trades, 8th grade. Sabi nila mabait daw ako, pero madalas mataray. Matalino din ako, 'ika nga nila.

*Knocks*

"MK! MK! Gising na!"

Naalimpungatan ako sa sigaw ng kung sino man ang kumakatok ngayon sa labas ng aking pintuan.

"MK! Bilisan mo na at bumangon ka na dyan!" Wika niya.

"Eto na eto na! Babangon na nga diba! Saglit lang naman!" Sagot ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang bestfriend kong loka-loka. Si Ysha, Ysabelle Shaira M. Del los Santos. Bakit kaya siya napunta dito? Ano namang meron?

"Hay! Bakit kasi ang tagal mong gisingin! Tulog mantika ka na naman kasi eh! Bilisan mo na at mali-late na tayo!" Atat na atat na sabi niya.

"Anong bang meron ngayon? Why do you look so excited to go?"

"Eh kung sipain kita jan! Why so excited, why so excited ka jan! For your information, incase nakakalimutan mo, first day of classes po ngayon miss!"ani niya.

"Ay naku naman po, ba't di mo agad sinabi!?" Tarantang sabi ko.

Oo nga pala, nakalimutan ko na 1st day of classes nga pala ngayon. Buti nalang at nandito itong bestfriend ko. Why did I forget about today? The fudge!

Matapos sumagi sa isip ko ang mga sinabi ay agaran kong pinagsarhan ng pinto ang aking kaibigan at dali-daling naligo. Pagkatapos, ay napagdesisyunan naming kumain muna ng agahan bago pumunta sa aming paaralan.

*School*

"Welcome old and new students of St. Therese School of Arts and Trades! Kindly look for your respective class assignments and designated classrooms in the list posted on the bulletin board. Enjoy your day and have a great stay here at our School! Good morning!"

"Hoy bessie! Halika na, tingnan na natin kung saang section tayo nabibilang. Sana magkaklase tayo noh?" Excited na sabi ng bestfriend ko.

"Yah right! Mabuti yan bessie, para we're together forever, ayoko pa namang nahihiwalay sayo, alam mo naman." Ani ko.

Pagkatapos naming makinig sa announcement ng head of school ay dumiretso kami kaagad sa may mga bulletin boards kung saan makikita ang class schedule, sections at classroom.

*Shouts*

"Oh bakit bessie!?" Gulat na sabi ko.

"Magkaklase tayo bessie! Section A! Can you believe that! Ang saya saya ko na naman dahil magkaklase tayo." Masayang masayang sabi niya.

"My Gosh bessie! Ang O.A. mo naman! Oo na section A tayo at magkaklase tayo pero kalma lang ano. Ang heart bessie, ang heart! Psh." Ika ko.

"Sorry na. Pwede magsorry? Halika na, lets goooo!" Ts. What is with her today?

Pagkadating ng dalawa sa kanilang classroom ay agad silang umupo sa magkatabing upuan. Makalipas ang limang minuto may dumating na babaeng matangkad, maganda at makinis.

"Good morning Class. I am Joana Marie Ferrer. I will be your class adviser for this school year. Okay then, so I already introduced myself to you, it is now your turn to introduce yourselves. Lets start here at the front."

Patay dito pa kami sa unahan nakaupo! Tss! Bahala na! Yung bestfriend ko naman ang una ako sunod. Makakapag-isip pa ako kung anong sasabihin ko. Hehe.

"Hello everyone! My name is Ysabelle Shaira Del los Santos. You can call me Ysha. I am blah. blah. blah."

Ano naman kaya ang sasabihin ko sakanila?

After 1000 years! Joke!

Ano ba 'yan, nakakakaba naman. Ako na ang sunod na magsasalita. Whoo! I can do this!

*Clears throat*

" Good morning everyone! My name is Maria Katrina Delos Reyes, MK for short. Nice to meet you all. Let's all be friends!" I confidently said.

Oha! I am so magaling talaga.

Natapos na ang lahat mag introduce at hindi na nakapag elect ng class officers dahil break time na.

MK's POV

Hohoho. Andito kami ni Ysha naglalakad sa may hallway nang biglang mabangga ako ng isang bobitong froglet. Char.

"Hey! Watch where you're going!" Inis na sabi ko sa nakabangga saakin.

Pag-angat ng ulo niya nagulat ako at sobrang gwapo niya palang nilalang. Oh yes my dear, you're reading it right, gwapo po siya! My gosh! I need to bawi what I've said a while ago.

"Uh, sorry miss!" Ani niya.

"Oh, I apologize too. I didn't mean to shout at you. It's okay, I'm not hurt naman eh. By the way I am MK, short for Maria Katrina. And you are?" Pa-cute na sabi ko.

"Ah, Hi MK! I'm Drew. Drew Francis Martinez. Nice to meet you! And who is she?" Sabi niya at itinuro ang kaibigan ko.

"Oh right! By the way, this is my bestfriend, Ysha. Hey Ysha, this is Drew."-sabi ko

Di napansin ni Ysha si Drew, busy kasi siya sa pagtetext.

"Ah Hi. Hello Drew. Nice to meet you, ako nga pala si Ysha."Sabi naman ni Ysha, at pagkatapis ay ibinalik ulit sa screen ng phone niya ang tingin.

"Haha. Sorry about my bessie, Drew. She's so busy kasi eh. May katext." Sabi ko kay Drew.

"It's okay. Nice meeting you girls! I'll go now, bye!" Sabi niya at tumakbo na paalis

Oh. My. Goodness. He is so handsome! I felt goosebumps when I saw his face kanina eh. Hala, baka Crush ko na yun si Drew. Ano ka ba ms. author di pa naman to sure. Pero gwapo talaga siya, ano kayang year at section nun.

Malaman nga.

-----------

Crush na nga ba ni MK si Drew? o Nagagwapuhan lang siya dito? Makikita niya kaya ulit si Drew sa school nila? Abangan.

Si MK nga po pala yang picture sa taas.

Author's Note: Hello po! Nagustuhan niyo po ba? Sorry po sa mga wrong grammar at typos. At sorry din po kung hindi man maganda tong story ko, beginner plang po kasi ako. I'll try to make it better sa sunod na chapter po. Thanks for reading!!

May 4, 2019

I am so sorry for the jeje style of writing my dearest readers. I wrote this story back when I was a grade 7 or 8 student, that is why I am kinda jeje and baduy. I don't know if I will be able to edit this, but I hope you'll still continue reading this. Hope you understand. THANK YOU VERY MUUUUCH GUYS!

-Em

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon