This chapter will be Drew's POV only. Thank you for reading and supporting my story. Keep reading until the last chapter.
======
Drew's POV
Unang-una sa lahat, alam kong nagtataka kayo kung bakit naging ganun nalang ang pagturing ko kay MK. Alam kong kayo ay naguluhan at alam kong pati siya ay naguluhan.
Bago ko sabihin sainyo kung bakit ay magkukwento muna ako. Nung first day ko nun sa Saint Therese School of Arts and Trades bilang grade 8 student sobrang naexcite ako. Siguro dahil marami akong makakahalubilong ibang tao.
Nung magrerecess na may nabangga akong babae at nagsorry naman ako dahil dun. Nagpakilala siya at dun ko nalamang MK pala ang name niya. Pinakilala niya din ang bestfriend niya nun na si Ysha. After nun ay umalis na sila.
Makalipas ang ilang araw naging close kaming tatlo at napapansin kong lagi nalang akong napapatitig kay Ysha at nakumpirma kong nalove at first sight na pala ako sakanya nun. Lagi ko siyang tinitingnan sa malayo. Hanggang sa isang araw napagdesisyunan kong ligawan siya, pero ako ay agad na nabigo. Sabi niya hindi daw pwede, ayaw daw ng parents niya at ayaw niya rin. Nasaktan ako ng sobra nun.
Isang araw rin ay kinausap ako ni MK, tinanong niya ako kung may gusto daw ba ako kay Ysha. Since close naman kami at bestfriend niya naman yun eh sinabi ko na sa kanya. Naiyak pa nga ako nun at humingi ako ng tulong sa kanya para maging kami ni Ysha. Sabi naman ni MK, di siya dapat makikialam sa amin dahil hindi naman daw siya involve dun pero itatry niya daw.
Isang araw na naman nun ay pumunta ako sa mall. VS mall para specific. Kumain ako nun sa Shakeys. Pagkatapos ang naglakad-lakad nalang ako sa mall. Bigla naman akong may nakabangga, pagtingin ko si MK. Napapansin ko lang, lagi ko nalang siya nakakabangga. At pagkatingin ko sa kasama niya, si Ysha. Tinawag ko si Ysha pero ang sabi niya nun kay MK,
"Ah MK, mauna na ako sa Forever 21 ah! Bye."
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tumakbo na siya palayo. Tinawag ko ulit siya pero di siya tumigil sa pagtakbo kaya hinabol ko siya. Sa kalagitnaan naman ng pagtakbo ni Ysha ay nadapa siya, tinulungan ko siya tumayo at sinabi kong mag-usap kami. Sabihin niya sakin kung bakit niya ako binasted.
Nag-usap kami nun sa Starbucks, sinabi niya sakin ang lahat. Sinabi niya na baka masaktan si MK dahil may gusto daw yun sakin at sinabi niya rin na baka hindi kami ang para sa isa't isa. Tinanggap ko 'yun pero alam kong mahirap magmove-on.
Hanggang sa isang araw, nung pauwi na ako, nakita ko si MK. May kasamang lalaki, di ko na kita yung mukha niya kasi nakatalikod. Pero nung pinapasok niya si MK dun sa dalang kotse ay napamura nalang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng konting inis dun. Ewan. Baka dahil yung kapatid ko ang kasama niya, may pagkaplayboy pa naman yun. Tsk.
Tapos isang araw pa nung naglalakad ako malapit sa may park sa Maxwell Village ay parang nakita ko si MK. Nang tiningnan kong mabuti, si MK nga at nakita kong may sasakyang mabilis na tumatakbo papunta sa kanya. Hindi yata alam ni MK yun dahil hindi parin siya umaalis dun sa gitna ng kalsada.
BINABASA MO ANG
Crush, Ba't ka Umiwas!?
Fiksi RemajaWhat is the feeling of being ignored by your crush? Or the one you like? What will MK feel if Drew ignores her? Will she finally move on and will Drew still ignores her? Or will they learn to love each other? ©All rights reserved 2014 This is my fir...