Chapter 2.2- New Friends *^_^*

512 15 2
                                    

*Canteen*

-Continuation-

Masayang-masayang kumakain sila MK at Ysha at ang mga bago nilang kaibigan ng biglang may makita si MK na pumasok sa Canteen, hindi niya pa nakikita ang mukha nito pero bigla naman naging mabilis ang tibok ng puso niya.

MK's POV

Oh my Gawd!! What is happening to me!? Ba't naman bumilis ang tibok ng puso ko? Sino kaya yung pumasok, matignan nga..

"Oooh. That's why!!!" malakas na sabi ko.

Nagsitinginan naman sakin ang siyam na babaeng kasama ko sa bigla kong pag salita..

"MK, bakit? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Ysha saakin

"Ah eh wala-wala. Ayos lang ako. Ayos lang ako guys.." sabi ko sa kanila

Haha. Tong mga to. Nag-alala pa tuloy sila sakin. Nakita ko lang naman kasi si Drew na pumasok sa canteen. May mga kasama tong lalaki mga walo, bale siyam sila lahat. Siguro magbabarkada sila tulad namin..

Pagkatapos, pinagpatuloy na namin ang pagkain.. Pero, bakit ganun? Bakit mabilis ang tibok ng puso ko? Yun bang parang kinakabahan ka na nangangatog tuhod mo na ewan..

(Hayy, bahala na!! Sabihin ko nalang to mamaya kay Ysha)

"Oist. MK, ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa may binubulong jan. Sino ba kausap mo?" sabi ni Abie

"Sorry, ganto lang talaga ako minsan. Hehe" sabi ko naman.

"Ah hehe. Hayaan niyo na yan si MK. May pagkaloka-loka kasi yang si bessie, eh." sabi naman ni Ysha sa kanila

Hoo. Ano ba naman MK!? Tama na nga yang kakaisip sa Drew na yan. Mamaya na yan. Kain ka muna.. Ngek! Kinakausap ko nanaman sarili ko eh. Ugh. Nevermind!!

*Riiiing!!! Riiiing!!!*

Ysha's POV

Saktong nag bell nung naglalakad na kami sa may hallway.. Buti at nakapagpalit na kami ni MK ng gamit sa locker kung hindi malelate kami nito..

"Oh pano ba yan guys. Mamayang uwian nalang tayo magkita-kita ha?" Sabi naman ni Mica.

Hindi kasi kami lahat magkaklase. Ako, si Ysha, Mica, Alexa, Cherry at Nikki ang magkaklase sa section 1, yung apat naman nasa section 2.

"Sige guys, mamaya nalang ulit. Bye!!" masayang sabi ni MK.

Hmm, mukhang ayos na ang loka. Kanina kasi napansin ko na parang may malalim na iniisip si MK. Ano naman kayang meron sakanya. Baka may nakitang di maganda sa canteen, pero ano?? Haayy ewan!! Wag ko na nga muna yun isipin..

"Okay sige bye guys!!" sabi ko naman. Pumunta na kaming anim sa classroom namin, yung apat naman sa classroom nila.

MK's POV

Pag dating namin sa room, dumating na rin ang teacher namin. Science ang subject namin ngayon. Buti naman at nakakapag concentrate ako sa lesson namin ngayon.

Habang nakikinig, tinawag ako ng teacher namin at nagtanong sakin.

"Ms. Delos Reyes, do you drink Yakult?" sabi ni ma'am Annie

"Yes ma'am" sabi ko

"Okay. So, what bacteria can you find in that drink?" tanong pa nito

"Ahhmm.. (ano nga ba yun?? Lacta.. Lacto.. ah alam ko na) Lactobacillus po ma'am" sabi ko.

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon