Magdiwang! May sembreak kami! Yehet! That means 1 week of Wattpad and FB. Anyway sana suportahan niyo pa po itong story na to, malapit na po kasi itong matapos. Keep supporting! Enjoy reading!
======
MK's POV
Pupunta ako sa school ngayon upang kunin ang ibang gamit na kakailanganin ko sa pag-aral para sa exam. Pagkapasok na pagkapasok ko, aba naman. Nakita ko si Shanty.
Dumiretso lang ako sa paglalakad at wala na sana akong balak na pansinin siya ng bigla niyang harangan ang daraanan ko.
"Ano bang problema mo Shanty? Kay aga-aga nanggugulo ka nanaman!" Mataray na sabi ko.
"Ikaw naman. Mangungumusta lang naman sana. Rinig ko eh muntik ka na raw masagasaan nung isang araw. Buti nalang at may sumagip sayo. Sayang patay ka na sana." Sabi niya. Di masyadong narinig yung huli niyang sinabi, medyo mahina kasi.
"Oh? Eh ano naman sayo ngayon?" Pagtataray ko pa rin.
"Wala naman. Gusto ko lang sabihin na mag-iingat ka, kasi baka mamaya may sasaksak na pala sa likod mo ng di mo nalalaman." Sabi niya sabay alis.
Kahit kailan talaga bastos ang babaitang 'yon! Hmm. Teka? Paano naman niya nalaman na muntik na akong masagasaan? Kami-kami lang naman ang nakakalam nun ah? Nakakapagtaka ang kinikilos at pinagsasabi ng babaeng 'yon. Hay.
Pumunta na ako sa locker area at nung binuksan ko na ang locker ko..
"Aaaah! Aaaah! Get that damn thing away from me! Aaaah!" Sigaw ko na ikinatingin ng mga tao sakin.
May narinig naman ang yabag ng sapatos at nakita kong si Drew iyon.
"MK? *hingal* Okay ka lang *hingal* ba? Anong *hingal* nangyari sayo?" Sabi niya na hinihingal.
"MK? MK? Narinig kitang sumigaw kaya pumunta agad ako dito. Ano bang nangyari?" Sabi ni Alvin na kararating lang din.
"A-alisin n-niyo y-yan. P-please." Nauutal at nanginginig na sabi ko.
Inalis naman nila yung ipis na nasa locker ko. Pinatay nila iyon at itinapon sa basurahan. Oo, ipis yung nasa locker ko, di ko alam kung paano nagkaroon ng ipis dun. Takot ako sa ipis, di ba halata?
"MK, may nakita akong sulat sa loob. Para sayo ata 'to." Sabi ni Drew.
"Pakibasa nalang please." Walang buhay na sabi ko.
"Okay. Ehem. Dear MK, I see that you are not listening to me. Kamusta ba yung ipis jan sa locker mo? Natakot ka ba? Well, sige lang MK. Nang maramdaman mo ang hirap sa susunod kong gagawin kapag di ka pa sumunod. From: YourDeathScheduler daw MK. Kilala mo ba 'to? Matagal na bang may nagpapadala sayo ng ganito?" Nag-aalalang tanong niya.
Hala? Totoo ba 'tong nakikita ko? I saw a glint of worry sa mata ni Drew. Impossible. Magkaibigan lang kayo MK. Iba ang gusto niya okay!
"Ah eh. Pangalawa pa lang naman yan. Yung una tinapon ko na." Sabi ko.
"Ganito din ba ang nakalagay?" Sabi naman ni Alvin.
" No, but it's also like a death threat." Sabi ko.
"Kailangan nating i-report to sa School Head natin." Sabi ni Drew.
"No. Hindi pwede. Pag sinabi natin, siguradong makakarating agad ito sa parents ko." Pagtanggi ko.
"Bakit?" Sabi ni Alvin.
Ay shitty head! Di pa nga pala nila alam na tita ko ang may ari ng school. Syempre close yun sa school head namin, lalo na ang parents ko. Hay bahala na!
BINABASA MO ANG
Crush, Ba't ka Umiwas!?
JugendliteraturWhat is the feeling of being ignored by your crush? Or the one you like? What will MK feel if Drew ignores her? Will she finally move on and will Drew still ignores her? Or will they learn to love each other? ©All rights reserved 2014 This is my fir...