Chapter 23- Suspended

170 9 3
                                    

Sorry for the delay of this chapter. Sana magustuhan niyo ito. Kay Yshang POV lang po pala ang nandito. Anyways highways, enjoy reading!

======

Ysha's POV

Hay. Sana naman okay na yung nakuha naming evidences para maparusahan ang gumagawa nun kay MK. Sana talaga.

Andito na kami ngayon sa school nila Alvin at Drew, dala na namin ang mga pruweba para mamaya. Hihintayin naming dumating si MK, yung school head at yung taong dapat parusahan.

"Tagal naman ni MK. Late nanaman." Sabi ni Alvin.

"Papunta na 'yun. Konting hintay pa." Sabi ni Drew.

"Oh, ayun na yung school head natin. Wala pa rin si MK." Sabi ulit ni Alvin.

Di ko na sila pinansin at naghintay nalang na dumating si MK. Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating narin ang hinihintay namin.

"Anyare 'te?" Sabi ko.

"Naman bessie. Nahuli akong gumising, mahina yung alarm eh." Sabi niya at nagpout pa. Eww!

"Mahina yung alarm o sadyang tulog mantika ka lang?" Pang-aasar ko. Imbis na sumagot ay sinimangutan niya nalang ako. Haha! Asar!

"Guys halika na. Let the game begin." Sabi ko.

Halata sa mukha ni MK na naguhuluhan na siya. Well malalaman din niya mamaya.

"What game are you talking about? Can I join?"

Oh. We're so lucky nga naman. Narinig pa ni Shanty, may lahing kabute ata 'to. Sabagay kailangan rin namin siya. Siya ang main part ng game. Hahaha!

"Great. That's very nice Shanty. Halika na. Sama kayo sakin." Sabi ko.

"Nah. Can't trick me. Don't wanna. Bye!" Sabi ni Shanty.

"Edi umalis ka. Papatawag ka rin naman mamaya. Tch." Pagtataray ko.

Umalis nga si Shanty at kami naman ay dumiretso na sa office ng School head namin.

*knock.knock!*

"Wait a minute. I haven't set up my office yet." Sabi ni Ms. Margaret, yung school head namin.

"Yes Ma'am." Sabi namin.

Okay lang na mag antay. Atleast may magandang maidudulot ang paghahantay namin. Pagkatapos ng ilang minuto ay binuksan na ng secretary ni Ms. Margaret ang pinto ng office.

"Pasok na daw kayo." Sabi ni ate secretary.

"Good morning ma'am." Sabay-sabay naming sabi.

"Yes. What can I do to all of you?" Sabi niya.

"We would like to report something to you ma'am." Sabi ko.

"Something very bad ma'am." Sabi ni Alvin.

Takang-taka na ang itsura ngayon ni MK. Maghintay ka lang MK, at malalaman mo rin.

"Well what is it?" Sabi niya pa.

"Can I have a request ma'am? Before telling you this." Sabi ko at ipinakita ang hawak kong envelope.

"Ah. Yes dear. Ano ba iyon?" Sabi niya.

"We need Ms. Lopez to be here. Please?" Sabi ni Drew.

"Diane, call Ms. Lopez and tell her to be here immediately. Thank you." Sabi niya sa secretary niya. "And please take a seat, all of you." Sabi niya saamin.

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon