Chapter 24- Cold

198 11 6
                                    

MK's POV

Months had passed at malapit ng matapos ang school year na ito. Two in a half months nalang at magbabakasyon na. Maraming nagbago, maraming nangyari. Nakabalik na ulit si Shanty at di na siya suspended. Nagiging close na si Ysha at si kuya. At higit sa lahat, mas lumalim ang nararamdaman ko para ko para kay Drew.

Maraming nagbago, lalo na ang pakikitungo sakin ni Drew. Di ko maintindihan kung bakit ganun nalang ang pakikitungo niya saakin. This past few months eh okay pa naman kami. Pero bakit ganito na ngayon?

"Huy, MK!"

"Ay shit! Sorry, bakit? Anong nangyari?" Sabi ko. Nakakagulat naman 'to si Ysha.

"Okay ka lang? Kanina ka pa tulala dyan ah?" Tanong niya.

"Yah. I'm fine. I'm just thinking of something." Sabi ko.

"You sure?" Sabi niya.

"Yep. Anyway, musta na kayo ni Kuya?" Pagchange topic ko.

"Don't change the topic MK. I know what you're thinking. Alam kong nalulungkot at naguguluhan ka kung bakit ganun na si Drew sayo. I am also wondering about his sudden change. Pinapansin ka pa naman niya dati. Ba't ngayon malamig na ang pakikitungo niya sayo?" Sabi niya.

Wala na nga akong maitatago pa dito kay Ysha. Kilalang-kilala na niya ako.

"I don't know, Ysha. Nakakalungkot lang kasi. Dapat hindi ko na sinabi na gusto ko siya. Dahil siguro dun kaya naging cold na siya sakin ngayon." Sabi ko pa.

"Maybe yes, maybe no. Di natin alam. Kausapin mo kaya?" Sabi niya pa.

"Ayoko. Baka di na naman niya ako pansinin. O kaya baka ihh, 'yoko talaga." Sabi ko.

"Hay. Try mo lang naman. How will you know? Diba? Oh. Ayun na pala siya." Sabi niya at tinuro ang naglalakad na si Drew.

Hay. Sige na nga. Bahala na.

"Drew! Halika!" Sigaw ni Ysha.

Tumingin naman samin si Drew at lumapit. Nakita kong nagsmile siya kay Ysha pero nung tumingin siya sakin, wala na. Ouch! Masakit na Drew, masakit na.

"Hi Ysha." Sabi niya at nakipag apir pa kay Ysha.

So ano ako dito? Hangin lang, ganun?

"Hello. Di mo manlang ba babatiin si MK?" Sabi ni Ysha.

Tumingin naman siya sakin at nakita kong nag-aalinlangan pa siya magsalita magsalita.

"Hi." Matipid niyang sabi at binawi agad ang tingin niya.

Wow! Sakit ha! Dati hindi naman ganun. Dati nagsasmile pa siya o kaya nakikipag apir din. Bakit ngayon iba na?

"Sige, aalis na pala ako. Usap muna kayo dyan ah." Sabi ni Ysha at tumakbo na palayo.

Aba. Aba. Matinde din 'tong bespren ko! Iwan daw ba ko dito? Ayoko na kaya ng cold treatment masyado ng masakit.

Naging tahimik ang kapaligiran. Nakatingin lang ako sa field at ganun rin siya. Konti nalang maririnig na namin ang cricket sound kapag gabi. Kamustahin ko nalang kaya siya, oo. Tama.

"A-ahm. K-kamusta na D-drew?" Nauutal kong sabi. Ano ba? Ba't ako nauutal?

"Fine." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin.

"Si Alvin, nagbabonding pa ba kayo?" Sabi ko pa.

"Oo." Sabi niya.

"Ahh. Okay. Galit ka ba sakin?" Tanong ko pa.

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon