Hi readers! Eto na po ang chapter 20. Yung mga students jan, may sembreak ba kayo? Kasi kami wala. Kakalungkot! Anyway, enjoy reading!
======
MK's POV
Hindi na talaga ako pupunta sa park, ever! Na-trauma na ako. Ayoko na talaga. Mabuti nalang talaga, mabuti nalang at nandun si Drew. Kung hindi, ay! Patay na sana ang inyong napakaganda, napakabait, mayaman, napakafriendly, ubod ng ganda niyong bida. Teka? Nasabi ko na bang maganda ako? Haha!
This is my second life guys. Thanks God for this second chance. May ikekwento ako sainyo. Alam niyo ba nung mga panahong nasa gitna ako ng kalsada at hindi makaalis, feeling ko talagang kukunin na ako ni Lord. Pero nung sinagip ako ni Drew, at nung yakap niya ako, feeling ko safe ako, feeling ko hindi ako masasaktan kapag kasama ko siya. Hay, gusto ko na nga ang gags na yun.
Anyway, may school na pala ngayon. Haha! Tapos na yung meeting nila kahapon eh, wala ng extensions. Recess na namin ngayon at nasa canteen kaming 10.
"Oh, MK. Kamusta na yung nagbanta sayo?" Tanong ni Abie.
"Wala di pa umaatake. Haha, joke! Di ko alam." Sabi ko.
"Kamusta na kayo ni Drew? Ayie! Lumevel-up na ba?" Kinikilig na sabi ni Thei.
"Ako lumevel-up, siya hindi ko alam. Gusto ko na kasi siya pero iba parin ang laman ng puso niya hanggang ngayon." Malungkot na sabi ko.
"Ah, okay lang yan. Magugustuhan ka rin nun, kung kayo talaga ang para sa isa't isa." Sabi ni Alexa.
"Thanks, girls." Sabi ko.
"Uy girls, halina kayo parating na daw yung next teacher natin." Sabi nung classmate naming si Shane.
Pagkarating namin sa room ay dumating narin yung teacher namin. Nakakaboring lang talaga yung nilesson niya kaya di na ako nakinig. Syempre di ako nagpahalata. Haha!
Nung dismissal na ay hindi pa ako umuwi agad. Sweeper kasi ako ngayon. Tss. Di ko tuloy makikita si Drew. Sweeper din yun pero baka tapos na sila maglinis. After 30 minutes ng paglilinis ay makakauwi na rin ako sa wakas. Naglalakad na ako sa may hallway ng may marinig akong ingay.
Drew's POV
Pauwi na ako ngayon dahil katatapos ko lang maglinis ng classroom namin. Oo, ako lang mag-isa. Shutanginerz na mga kaklase ko yun. Iniwan daw ba akong mag-iisa para maglinis ng room. Hay. Inabot rin ako ng mga 30 minutes sa paglinis. Nakakapagod.
Naglalakad na ako ngayon sa may hallway ng biglang may marahas na humila sakin papunta sa dulo nitong hallway.
"Ano ba!?" Inis na sabi ko.
Bwisit! Anong problema nitong taong 'to? Di niya ako sinagot at patuloy parin akong tinititigan ng masama.
"Walanghiya ka! Bakit di mo sinabi sakin? Ha?" Sabi niya at marahas na hinila ang kwelyo ng polo ko.
"Ha? Ang alin? Di kita maintindihan?" Naguguluhan na sabi ko.
"Bakit di mo sinabi na muntik ng masagasaan si MK!? Di mo manlang naalala yung sinabi ko?" Inis na sabi niya.
"Ano bang problema mo dun ha, kuya?" Sabi ko.
Magsasalita na sana ulit siya ng..
"Kuya!?"
"MK?" Sabay na sabi namin ni Alvin.
MK'S POV
"Kuya!?" Magkaano-ano ba sila Drew at Alvin? Bakit tinawag ni Drew na kuya si Alvin? Argh! Naguguluhan ako!
BINABASA MO ANG
Crush, Ba't ka Umiwas!?
Подростковая литератураWhat is the feeling of being ignored by your crush? Or the one you like? What will MK feel if Drew ignores her? Will she finally move on and will Drew still ignores her? Or will they learn to love each other? ©All rights reserved 2014 This is my fir...