2nd update for this day. Yey! Thank you for all your support, for all your votes and comments. Keep supporting! Enjoy reading!
======
MK'S POV
Ambilis talaga ng panahon. Di ko namalayan, recognition day na pala namin ngayon at *ehem ehem!* first honor lang naman ang iyong bida. Yehey! At si Ysha naman ang second. Hahaha.
May babalita rin pala ako. Alam niyo ba, si bespren at si kuya lumalablyp. Tsk! Tsk! Nalaman ko nalang na nagdedate pala yung dalawa, nanliligaw daw ang gaging kapatid ko. Hindi man lang ako nainform ni Ysha.
Yung 8 pa naming bestfriend ayun, magaganda parin. Mana kasi samin yun eh. Haha. Kahit di ko na sila masyadong nakakajamming may balita pa naman kami sa isa't isa.
At ako naman, eto, dakilang masokista. Kahit nasasaktan na di parin ako tumitigil sa paggusto kay Drew, or should I say pagmahal kay Drew. At hanggang ngayon umaasa akong magugustuhan niya rin ako.
Nakaupo ako ngayon sa tapat ng dresser ko, minemake-upan nung family make-up artist namin. Nakadress ako ngayon, sleeveless floral dress na above the knee. After kong make-upan ay bumaba na ako sa sala namin at dun nakita ko sila Mom, Dad at Kuya.
"You look beautiful iha." Sabi ni Mom.
Haha. Si Mommy naman, alam ko na 'yun eh. Di na niya kailangan pang ipaalala.
"Thanks. You too, mom. You look gorgeous." Sabi ko naman.
"Oh great! So kami ni Dad wala?" Sabi ni kuya.
"Dinamay mo pa ako, Oliver. Alam ko namang gwapo ako 'no. Di na kailangan sabihin ni MK. Kanino ka pa ba magmamana?" Pabirong sabi ni Dad.
"Hahaha. Pareho naman kayong gwapo kuya. Ano ka ba, maganda ang lahi natin." Sabi ko.
"So ano ito? Super talk show?" Sabi ni Mommy.
Hahahaha! 'Tong si mommy may nalalaman-laman pang super talk show.
"Sabi ko nga po mommy aalis na tayo. Haha." Sabi ko naman na ikinatawa nilang lahat.
Oo, ganyan kami sa bahay. Akala niyo masungit at strict sila mom and dad 'no? Hindi naman, konti lang.
Pagkarating namin sa school ay dumiretso kami sa auditorium dahil dun gaganapin ang recognition. Pumunta naman kami sa assigned place para sa mga grade 8 students.
"Hi Bessie! Congrats!" Sabi ni Ysha nung nakarating kami sa mga seats.
"Hello bessie! Congrats din! Ang galing talaga natin." Sabi ko naman.
"Oo nga. Ay! Hello po Tita Trina at Tito Kai. Hello din Ollie." Sabi niya naman.
"Hi Ysha." Sabi ni kuya.
"Hello to you too, Ysha. Congratulations! Ahm, are you with your parents?" Sabi naman ni Mommy.
"Yes po tita. Ayun po sila." Sabi naman ni Ysha sabay turo dun sa parents niyang nakaupo sa seats.
Pumunta naman kami kung saan nandun ang parents ni Ysha.
"Oh hi there Trina, Kai, Ollie and MK. Long time no see." Sabi nung mommy ni Ysha na si Tita Belle.
"Uy, pare, mare. Musta na?" Sabi naman ni Tito Isaac, daddy ni Ysha.
"We're fine. Kayo?" Sabi ni dad.
At blah blah blah business na ang pinaguusapan nila.
*Fastforward*
"First honorable mention. Maria Katrina Delos Reyes." Sabi nung speaker at umakyat na ako sa stage. Kuha ng medals, certificates at picture-picture.
"Second honorable mention. Ysabelle Shaira Del los Santos." Sabi ulit nung speaker at umakyat na ri si Ysha sa stage.
Natapos na lahat ng honors at natapos na rin ang recognition namin. Sabi nila Mommy at Daddy, kakain nalang daw kami sa labas dahil may meeting pa daw sila kaya wala na akong magagawa. Sila Ysha din siguro ganun din dahil nga business partners ang parents namin.
Habang paalis na kami ay nakasalubong namin si Drew. May biglang yumakap sakanya, at babae pa. Nakita ko pang nagngitian sila nung babae. Mukhang close na close nga sila eh. Masayang masaya pa silang nag-uusap. Ouch.
Hindi ako makahinga ng maayos. Nasasaktan ako. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako, pinunasan ko naman ito agad dahil baka makita ako nila mom and dad na umiiyak. Si kuya kasi alam na naman niya.
"MK, you alright?" Sabi ni Dad.
"Ah yes dad. Napuling lang po ako." Sabi ko naman.
"Okay. Come on." Sabi ni Dad at umalis na kami sa school.
Nung nandun na kami sa isang restaurant ay nag-order agad ng food sila Mommy at Daddy. Nung dumating na yung pagkain ay kumain na kami, wala akong gana pero tinatry ko paring kumain at baka mapansin nila ako.
Pagkatapos namin kumain ay umuwi na kami sa bahay at sila mom and dad ay nagpalit na ng damit para sa meeting nila. Habang ako ay nasa kwarto ko nakahiga sa kama.
Kinuha ko naman ang phone ko at inopen ang calendar. Naglagay ako ng new event ngayong araw na 'to. Ito ang nilagay ko, 'It hurts Drew. It really hurts'.
***
Hopia like it! Haha! Leave your Votes and Comments. Thanks!
-MsMorningLoves22♡
BINABASA MO ANG
Crush, Ba't ka Umiwas!?
Novela JuvenilWhat is the feeling of being ignored by your crush? Or the one you like? What will MK feel if Drew ignores her? Will she finally move on and will Drew still ignores her? Or will they learn to love each other? ©All rights reserved 2014 This is my fir...