Valentines Special (MK & Drew)

160 10 0
                                    

Hello. I am back, again. Hahaha. Anyway, here’s a Valentine Special for you guys! Enjoy reading!

***

MK’s POV

February 14. Valentines’ day.

Hay. Panay lovers naman ang makikita ko dyan sa labas. Don’t get me wrong, hindi naman ako naiinis dahil ganyan rin kami minsan ni Drew sakanila. Yung palayaw-layaw sa mall, nagdedate sa labas, just like those typical couples.

“Rise and shine, baby!” pambungad ni kuya na nakasilip sa pinto ng kwarto ko.

Yah right! The famous “baby” word of kuya.

“Good morning kuya,” pupungas-pungas pa na sabi ko.

“So? What are you two gonna do today? Me, I’ll gonna surprise your bestfriend which is my girlfriend a candlelit dinner. Just like when I asked her to be my girl back then—”

Yuck! Ambaduy ni kuya.

“Okay, okay. I know. Awat na kuya,” sabi ko.

Tsk. Nang-aasar lang eh.

“Ooh. Tell me, hindi pa nagpaparamdam si Drew ngayong araw ‘no?”

Screw you Kuya! Pinaalala pa eh.

“Okay kuya. Sige makakaalis ka na sa kwarto ko,” sabi ko at nagtalukbong ulit ng kumot.

Okay. Happy Valentines’, baby. Hahaha,” sabi niya bago isara ang pinto ng kwarto ko.

Yeah he’s right. Hindi pa nga nagpaparamdam si Drew ngayong araw. Alam niyo bang kanina pa ako gising kakaisip kung anong nangyari kay Drew at kung bakit hindi pa siya nagpaparamdam. Usually kasi kapag Valentines’ day, 12 am palang tatawag na siya. But now he didn’t. Not even a single text message.

Nakakapanghina lang kasi. Naiisip ko tuloy baka nakalimutan niyang Valentines ngayon at magcecelebrate dapat kami at baka naman may iba na siyang pinagkakaabalahan. School? Nah. Wala namang masyadong gawain sa school ngayon besides sa research at defense namin. Pero, waaaah! Mababaliw na ata ako kakaisip sakanya.

I need to unwind. Just forget that today is the all known Valentines’ Day. I’m gonna go shopping.

Bumangon na ako sa kama ko at naligo na. After taking a bath, I went to my favorite spot in my room. My Walk-in closet. May mga bago akong damit na bigay ni— oops! B-Bigay ni Drew sa’kin. I chose the comfortable one and got myself dressed up before I went directly to our mall using my Tucson CRDi.

Shopping here, shopping there. Marami na akong napamili pero wala parin. Hindi parin siya nagparamdam. Naiinis na ako ha! Kanina nung nagsashopping ako marami akong nakakasalubong na couple at... Todo PDA pa sila, so anong pinaglalaban nila? Sila na sweet! Ako na walang kasama ngayon! Sige na!

Pagkatapos kong magshopping ay pumunta muna ako sa parking lot ng mall para ilagay sa may shotgun seat ang lahat ng paper bags na dala ko. Pagkalagay ko, bumalik ulit ako sa mall para kumain ng lunch. Balak kong magstay dito sa mall hanggang maggabi tutal wala namang balak magparamdam ang magaling kong boyfriend.

Pumunta ako sa isang restaurant at alam niyo nakakainis ‘yung isang waitress dun ah. Kita na ngang mag-isa lang ako tapos tinanong ako ng ‘table for two ma’am?’, ‘yung totoo!? Porket ba Valentine’s day ngayon lahat dapat kasama ang boyfriend o girlfriend nila? Kailangan ba talagang ipagdiinan nilang hindi ko kasama ang boyfriend ko para magcelebrate? Hay.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako sa Cinema at naghanap ng magandang panonoorin. Pagkatapos ay pumila na ako para bumili ng ticket. Pagkapasok ko sa sinehan ay pumwesto ako sa pinakalikod para walang istorbo. At pagkalipas ng ilang minuto ay nagsimula na rin ang pelikula.

Ano ba ‘yan! Hindi ko naiintindihan ang pinapanood ko. Nasa kalahati na ang pelikula pero wala naman akong naintindihan. Kanina ko pa iniisip kung ano na nga bang ginagawa ng kapatid ko at ni Ysha. Siguro masaya silang nagsecelebrate samantalang ako nag-iisa at nanonood ng pelikulang hindi ko naman maintindihan. Hay. Buti pa matulog na muna ako.

zzzzzzzZzzzzzzz... zzzzzzzZzzzzzzz....

Napamulat ako ng mga mata ng may narinig akong kaluskos. Tiningnan ko kung nasaan ako pero wala akong makita kasi nakapatay ang mga ilaw. Saan ba ako huling pumunta kanina? Hindi ba nanood ako ng pelikula? Oo tama! Nasa sinehan pa pala ako. Bakit walang gumising sa’kin? Aish! Isusumbong ko nga ‘tong mga tauhan namin dito kay mommy. Tsk.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko kung anong oras na at walanjo! 8:30 pm na! Binuksan ko naman ang flashlight sa phone ko at dali-daling lumabas sa sinehan. Kaya lang pagkalabas ko ay ganun din, sarado na ang mga ilaw at wala ng mga tao sa paligid. Bakit ang aga naman yatang magsara nitong mall namin ngayon? Buti at may duplicate key ako ng isang emergency exit dito sa mall namin.

Pumunta ako sa emergency exit na ‘yun at nung isusuot ko na sana ang susi sa door knob ay biglang may tumutok sa’king spotlight.

“I wanna make you smile, whenever your sad.. Carry you around when your athritis is bad.. All I wanna do, is grow old with you..”

Naramdaman ko namang nangingilid na ang mga luha ko. Akala ko.. Akala ko nakalimutan na niya ako. Akala ko hindi na siya magpaparamdam pero hindi nagkamali ako.

Bigla namang bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigil ang pagbuhos kasabay ng unti-unting paglapit niya at pinatuloy ang kinakanta niya.

“I’ll get your medicine, when your tummy aches.. Build you a fire if the furnace breaks.. Oh it will be so nice.. growing old with you..”

Nang nakalapit na siya sa’kin ay hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilagay ito sa balikat niya at ang kamay naman niya’y nasa bewang ko. Unti-unti kaming sumayaw habang pinagpatuloy niya ang pagkanta.

“I’ll miss you, kiss you, give you my coat when you are cold. Need you, feed you, even let you hold the remote control. So let me do the dishes in our kitchen sink, put you to bed when you had too much to drink... Oh, I could be the man who grows old with you...” sabi niya at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko kaya magkayakap na kami ngayon.

Nilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko at sinabi ang huling linya sa kanta.

“I wanna grow old... with you,”

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa panahong ito. Gusto kong magsalita pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.

“Happy Valentines’, babe. Sorry dahil hindi ako nagparamdam buong maghapon pero ‘wag kang mag-alala, kasama kasi ‘yun sa plano ko. Hehe. Sorry napaka no originality na ng ginawa ko pero gusto lang naman kitang isorpresa. Kahit may mga kaparehas na itong style na ginawa ko ngayon, tandaan mong ang pagmamahal ko sa’yo ay walang kapareho,” sabi niya at nginitian ako ng genuine, nginitian ko rin lang siya dahil wala parin akong masabi.

“I love you,” sabi niya.

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang yakapin siya bilang sagot sa huling sinabi niya.

Happy Valentines’ day. Mahal rin kita, Drew.

***

Ayaaaan! Ampangit diba. Anyway. Happy Valentines’ day nalang sainyo. Bitter ako! Bitter! Hehe joke! Hope ya like it! :)

Vote.Comment.Share.Follow

-MsMorningLoves22/EM♥

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon