Chapter 13- Rumors

240 8 0
                                    

(A/N: Hay.. Sorry for the late & lame update.. Dinadamdam ko pa ang pagkatalo ko sa chess.. Intrams kasi namin eh.. Pero packingtape talaga!! Nakita pa yun ni Crush!! Omo!! Pano nalang  ako niyan, huhuhu!! Anyways, lets proceed to the story.. Mas mahaba po ang POV ni Ysha dito kesa kay MK.. ^_^)

Ysha's POV

God what happened to MK?? Sobrang nainis ako sakanya kahapon.. Kasi naman I sacrificed my feelings for Drew tapos ako pa ang masama?? Tinutulungan ko pa nga siya para mapansin siya ni Drew.. Bestfriend niya ako ba't niya ko di inintindi, di ko naman hahayaang maging malungkot siya.. Alam ko pa namang grabe ang iniiyak niyan pagdating sa taong gusto niya..

Hayy, bati na naman kami.. She learned her lessons na and we apologized to each other na rin so ano pa nga bang pinoproblema ko??

By the way andito nga pala ako sa tambayan namin ngayon, naghihintay kay MK at sa 8 pa naming bff's..

Hay, antagal nila..

Anyway, alam niyo ba na parang pawala na yung feelings ko kay Drew?? May nakilala kasi akong lalaki sa may park.. Pero joke lang talaga.. Syempre andun pa yung feelings ko.. Matagal kaya akong mag move-on noh..

Kahapon kasi nung umiiyak ako lumapit siya, inabutan niya ako ng panyo.. Naging friends din kami.. At nalaman kong ka-batchmate ko pala siya..

*Flashback*

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni MK ay dumiretso ako sa park sa may village namin, by the way magkasing village lang kami ni MK..

Umupo ako sa isang swing at dun ako umiyak nang umiyak.. Alam niyo kung bakit ako umiyak? Kasi mahal ko na ata talaga si Drew pero di ko yun sinasadya kasi alam kong gusto siya ni MK.. Basta naramdaman ko nalang yun na mahal ko na pala siya..

Naramdaman kong may  tumabi saakin at bigla niya akong inabutan ng panyo..

"Oh panyo. Kung lalaki lang naman ang iniiyakan mo wag ka nang tumuloy pa.. Hindi siya deserving para iyakan mo.. Ako nga pala si Alvin Alcantara.." sabi niya

"Thanks. Ako naman si Ysha Del los Santos" sabi ko

"Hi Ysha." sabi niya sabay smile

"Hello Alvin haha!! Sorry naistorbo pa kita.." sabi ko

Ehmerghed!! Ang gwapo niya pag nakasmile!! Ayy ano ba Ysha!!  Erase!! Erase!! Di pala siya gwapo.. Ma-appeal lang..

"'Di naman okay lang.. Kanina pa nga kita tinitignan, ang ganda mo pala??"

Yiee! Kinilig ako!! Pero joke lang yun syempre!! Haha!!

"Nagtatanong ka ba?? Oo naman.. Tagal na no!!"  natatawang sabi ko

"Haha!! Maganda ka talaga.. Friends?" sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay para mag shake hands

"Yea. Friends!! So kwento ka naman about you.." sabi ko at inabot ko ang kamay ko saka nakipagshake hands sakanya

"Ahmm.. Ako si Alvin Alcantara, 15. I'm studying at STSAT.. Grade 8.. I have 2 siblings, both are boys.. Ahmm, Gwapo ako syempre.. Mabait kaya lang di ako masyadong matalino.. Yun lang, ikaw?" sabi niya

Oh? Kabatch ko pala siya? Di ko pa siya nakikita sa school kahit isang  beses.. Weh lang talaga.. Gwapo raw? hmm.

"Ysabelle Shaira Del los Santos' the name.. 14 years of age. Maganda at mabait.. At matalino syempre.. Magkaparehas pala tayo ng school at batchmates pa tayo pero bakit ni minsan eh di kita nakikita sa school??" sabi ko sa kanya

"Secret. Haha!! Magkaiba kasi tayo ng dinadaanan kaya di tayo nagkakasalubong.. Nagkita na kaya tayo pero di mo naman ako napansin.." sabi niya

"Ah. Ganun pala. Ay, mag-gagabi na pala!!" sabi ko

"Oo nga.. Papano? Uuwi ka na ba?" tanong niya

"Oo. Sorry nga pala dito sa panyo mo. Basa na, pero wag ka mag alala lalabhan ko ito.. Magkita ulit tayo dito bukas ng uwian.. Ibabalik ko sayo to.. Sige bye.. Thanks sa panyo mo.." Sabi ko sabay tayo sa swing at naglakad na palayo

"Okay! See you!" rinig kong sabi niya

Hay!! What a day!!

*End of Flashback*

Wala parin si MK.. Maybe she'll gonna come late.. Hmm.. 15 mins. nalang at aalis na ako pag wala pa siya..

"Talaga?? San mo nalaman yan??" sabi ni girl 1

"Sa leader natin.. May nagtext daw sakanya.. Yung MK daw may gusto sa Drew natin.. Arrgh!!" sabi ni girl 2

Hala!! Pano nila nalaman yun?? Sino ang nagtext sa leader daw nila??

Umalis na ako sa corridor dahil malapit na magflag ceremony.. Nung papunta na ako sa room namin dumaan ako sa hallway at may nadaan akong mga babaeng nag uusap-usap. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila at ito ang narinig ko..

"Uy girls crush daw nung MK Delos Reyes si Drew Martinez yung Campus Crush natin at Crush ng  bayan.." girl 1

"Really?? Like Oh. My. God. I'm gonna tell Shanty about this. Like she needs to know" girl 2

"Yea. Like you really should.. What if Drew likes her too?? They're close pa naman.. Like I don't want it to happen." girl 3

Tang  Ice Tea toh!! Marami-rami na ang nakakaalam ng tungkol kay MK.. Papano na?? Pano yun nalaman nung mga "Like" girls nayun?? At sino si Shanty??

________________

MK's POV

Nandito kami ni Ysha sa may library.. Sa secret place namin.. May hidden room kasi kami dito.. Pinarequest namin to sa parents namin.. Kilala nila ang may-ari nitong school namin at kasosyo lang naman nila ito sa business namin..

Anyways, kaya kami nandito eh may sasabihin daw kasi sakin tong si Ysha.. Ano naman kaya yun.. Mukhang masama ang kutob ko rito ah..

"Ahmm. MK.." sabi niya

"Oh?" sabi ko

"Kasi kaninang umaga may mga narinig akong mga babaeng nag-uusap. Alam nila na gusto mo si Drew.. Di ko alam kung papano nila nalaman.. May nakarinig ba satin nung nag-uusap tayo sa cr?" sabi niya

Naku! Imposible.. Kaming dalawa lang ang nandun nung mga panahon na yun.. Paano nila nalaman..

"Paano? Eh tayong dalawa lang naman ang naandun sa cr eh.. Haist!! Ano ba yan.. Malaking gulo kung sakali. Are you sure of what you heard?? They really know that I like Drew??" tanong ko sakanya

"Di ko alam. Oo, yun nga yung narinig ko MK" sabi niya

"Halika na?" sabi ko

"Okay." sabi niya

Pagkalabas namin sa library ay didiretso na sana kami pabalik ng room nang may lumapit saaming group of girls..

"Di ba ikaw si MK??" sabi ng isang girl

"Oo. Bakit po?" sabi ko

"Diba you like Drew? Pwes stop it na.. We don't want you to like him.." sabi naman nung isa

"Hindi ko siya gusto. Hindi totoong gusto ko siya" sabi ko

"Deny all you want but we will not believe you.. Remember what we said or else you'll see" sabi ng parang leader nila

Sino ba sila?? Ano bang problema nila sakin?? At bakit kumalat ang balita na gusto ko si Drew?? Lalo na ang, sino ang nagkalat??

***

Sana nagustuhan niyo po. Voteor Comment po kayo kung nagustuhan niyo.. Thanks po!!

-MsMorningLoves22

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon