Chapter 28- Plan

196 9 5
                                    

Ysha's POV

Few weeks after ng recognition day namin ay madalang na kaming magkita ni MK at nung mga bffs namin. Wala na kaming communication masyado. Di ko alam baka meron ng isa sa kanila na nagbakasyon sa ibang bansa or dito lang sa Pilipinas.

Sinabi ba ni MK sainyo yung tungkol saamin ng kuya niya? Oo, nanliligaw yun. Noon. Sinagot ko na kasi siya dalawang araw matapos ang recognition day namin.

*Flashback*

Magdedate daw kasi kami nun, tapos nagulat ako nung yung pinuntahan namin ay yung rooftop ng VS mall. Nakakapagtaka lang dahil dun kami pumunta. Pagdating namin dun, may nakalagay na round table tapos may candle saibabaw at dalawang plato, baso at kutsara't tinidor. Yung lamesa naman ay napapaligiran ng rose petals.

Pagkarating namin dun ay pinaupo niya na ako dun sa roundtable. Hinila niya muna yung upuan at tinulak ng kaunti nung nakaupo na ako. Yung parang ginagawa ng mga gentleman. Pagkatapos namin kumain ay pinanood lang namin ang view ng buong city. Ang ganda ng citylights lalo na't gabi na at parang mga stars yung ilaw ng mga buildings and establishments.

Nung nanonood kami nagulat ako ng biglang may nagplay na violin sa likod namin. Tiningnan ko iyon at marami sila, yung bang parang family ng violin nandito. Bigla namang naging sweet ang tugtog at nakita kong nakalahad an kamay ni Ollie sakin. Tiningnan ko naman siya with a puzzled look.

"Bakit?" Sabi ko.

"Can I have this dance, Ysha?" Malamig ang boses na sabi niya.

Hay. Nakakainlove talaga ang boses niya. Ang lahat ng ginagawa niya, ang mukha niya, lahat kainlove-inlove. Mahal ko na rin ata 'tong kuya ni MK. Pag nagkataon sisters-in-law na kami. Haha.

Tumango naman ako at inabot ang nakalahad niyang kamay. Nilagay naman niya ang dalawang kamay ko sa balikat niya at yung kamay niya naman ay nasa waist ko. At sumabay na kami sa tugtog.

"Ysha?" Sabi niya matapos namin sumayaw.

"Hmm?" Sabi ko.

Nakita kong tumingin siya sa likod niya bago kinuha ang kamay ko at lumuhod. Tinapik ko naman ang balikat niya at mahinang sinabi na tumayo na siya ngunit nanatili parin siyang nakaluhod. Tinitingnan niya lang ako ng mariin at nagbuntong hininga.

"Ysha, will you be my girl?"

Will you be my girl? Ay oo naman, yun lang pala eh. A-ano daw!?

"H-ha?" Sabi ko at namula.

Narinig ko naman may tumawa doon sa likod na tiningnan kanina ni Drew. Pinalawak ko naman ang paningin ko at nagulat ako ng makita kong nandun sila mommy at daddy, pati narin si Tita Trina at Tito Kai. Kasama din nila si bessie. Ay so ganun? Alam nila 'to. Nakakahiya naman nakita pa nila yun. Hehe.

"I'll repeat it again. Will you be my girl, Ysha?" Sabi niya.

Nakita ko namang may tumulong pawis galing sa noo niya. Hahaha. Kinakabahan din pala ang mokong na 'to. Hay, ano pa nga bang magagawa ko. Eh mahal ko na din siya. Eh di oo nalang.

"Hindi--"

"Ysha? What are you saying?" Singit naman ni bessie.

Akala siguro nila maghihindi ako. Di pa kasi ako tapos magsalita eh. Pangunahan daw ba ako. Tiningnan ko naman si Ollie at nakita konh unti-unti ng nanlulumo ang mukha niya.

Crush, Ba't ka Umiwas!?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon