Sabrina
~*~
Hindi ko alam kung bakit at paano ako napunta dito sa hindi pamilyar na lugar. Basta't mayroon akong nakikitang malaking puno sa malapit, bahay na nasa tapat nito, at dalawang batang nakaupo sa lilim ng puno na hindi rin pamilyar sa'kin ang mga hitsura.
Siguro ay walong taong gulang na ang batang babae at lalaki. Nag-uusap lang sila at kung minsa'y nag-aasaran.
"Ally kung magkaka-kwas man ako, sayo 'yon." nahihiyang sabi ng batang lalaki.
Ally? Saan ko nga ba narinig 'yon?
"Ha? Bakit ako? Siguwo matagal mo na akong kwas no?" tanong naman ng batang babaeng mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ng kasama nito.
"Hindi ah. Ang sabi ko kung sakaling magkaka-kwas ako. Hindi ka nakikinig."
"Ayos lang 'yan Mawyo. Kung sakaling magkaka-kwas man ako, sayo din naman." saka niya tinapik-tapik ang balikat ng batang lalaki.
"Bakit ka ba bulol? Anong Maywo? Hindi nga kasi Mawyo, Maaawyoooo. Ikaw nga magsabi, Maaawyoooo."
Halos matawa ako sa inasal ng batang lalaki.
"Pawehas lang naman 'yong sinabi mo. Bulol ka win eh." natatawang bigkas ng batang babae.
"Hindi ah. Hindi ako bulol."
"Bulol ka. Hindi mo nga mabigkas ang tunay kong pangalan kasi nahihiwapan ka eh. Ally ang tawag mo sakin kasi madaling bigkasin imbes na---"
"Hayaan mo na ako, maganda naman ang Ally eh."
Natigil ang kanilang pag-uusap nang biglang sumulpot ang isa pang batang babaeng mukhang mas bata sa kanila. Siguro'y nasa limang taong gulang pa lamang ito.
"Kuya, balik na raw kayo sa bahay sabi ni Mama. Malapit ng gumabi." sabi nito. Nakababatang kapatid siguro ito no'ng batang lalaki.
"Sige Woxanne, susunod kami."
Tumayo na ang dalawa at nagtungo sa bahay na nasa tapat ng malaking punong sinilungan nila. Hindi ko maiwasang mangiti, ang liliit nila at mukhang sobrang malapit sila sa isa't isa.
Labis ang pagtataka ko nang makita ang markang matang kulay lila sa batang babae.
Bakit mayroon siya ng marka ko?
Ano ba siya?
~*~
Biglang may naramdaman akong parang unan na bumagsak sa bandang tuhod ko.
"Ano ka ba Jomar! Dahan-dahan kasi, natamaan mo tuloy si Sab."
"Sorry, hindi ko sinasadya."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakakasilaw ang liwanag galing sa bombilyang nakakakabit sa kisame.
Panaginip lang pala.
Nasa magkabilang gilid ng kama ang mga kaibigan ko, nakatingin sakin at bakas sa kanilang mga mata ang pag-aalala.
"Ayan, nagising na siya." mukhang gulat na gulat na bigkas ni Andrea. "Sab, ayos ka lang ba?"
Nakahiga ako sa kama. Mukhang nasa clinic ako. Anong nangyari? Bakit ako nandito?
"You accidentally shut yourself." sabi ni Gigi.
I accidentally--What?!
"Pero ayos ka naman na raw sabi ng nurse. Pwede ka na raw lumabas kapag nagising ka. Tatlong araw ka ring tulog." dagdag naman ni Carlo.
"T-tatlong araw?" tanong ko sa kanila na halos hindi mabigkas ng maayos ang salita dahil ngayon ko lang ata ulit nagamit ang aking boses.
Tinanguan lang nila ako.
Nabaling ang aking atensiyon kay Almario na nasa may bandang paanan ko. Nakaupo sa isang silya habang nakacross-arms. Gano'n parin naman ang hitsura niya, mukhang galit sa mundo.
"Sab, baka gusto mo pang magpahinga ng mas matagal. Mas mabuti kung iwanan na muna natin siya rito." sabi ni Jomar kanila Andrea.
Sinunod naman siya ng lahat at isa-isa na silang lumabas ng pinto. Pinakahuling nagtungo si Almario sa may pintuan. Hindi pa siya tuluyang nakalalabas. Natatanaw ko pa ang kaniyang likod.
Bago pa man siya tuluyang makalabas, nasabi ko na ang salitang gusto kong sabihin na naging dahilan para tumigil siya.
"Mawyo?"
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasy(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...