Sabrina
~*~
"Ikaw ang susi sa lahat ng mga plano ko, Ally." anang ginang tsaka tumawa ng pagkalakas lakas.
"Aunt Louienna-"
"Ssshhh sleep tight my dear, Ally. Sleep my precious stone."
~*~
Pagkatapos ng eksenang iyon ay napadpad naman ako sa ibang lugar at panahon, napalitan ng ibang pangyayari.
Hindi pwede. Hindi ito maaari kailangan kong makabalik. Wika ko sa aking sarili nang bigla na lamang akong atakihin ng isang higanteng lobo sa kalagitnaan ng nagnenyebeng gabi. Lumaban pa ako hanggang sa aking makakaya ngunit grabeng pagod at panghihina na ang aking nadarama kung kaya't nang makakita ako ng isang bangin ay agad kong tinalunan, walang katakot-takot na nagpatihulog dito bahala na si Bathala.
"Patawad--"
"Mario!"
Agad naman akong napabalikwas ng bangon sa aking kinahihigaan.
"Sab, are you okay?" Agad namang hinimas ni Andrea 'yong likod ko, inabutan naman ako ni Gianina ng isang basong tubig at binuksan naman ni Mabel lahat ng ilaw sa buong silid namin.
"Okay lang ako." nang tingnan ko sila'y tila ba mga galing na sa mahimbing na pagkakatulog na rin. May apat na kama sa silid na ito kaya wari ko'y oras na ng pahinga ngayon. "Pasensya na, nagising ko pa ata kayo." at saka yumuko na lamang.
"Okay kang yon." sagot naman ni Mabel na 'di na napigilang maghikab.
"Anong nangyari kanina?" tanong ko sa kanila at isa-isa ko silang tinignan sa kanilang mga mata.
"Nang malaman mong si Master Astron ang iyong ama, bigla ka na lamang natumba." panimula ni Gianina.
Flashback...
Dahan-dahan ko ng inihanda ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Sinimulan ko ulit paganahin 'yong Invisible Shield para protektahan lahat ng kasama ko sa mga 'di namin inaasahang pag atake ng kabilang kampo. Alam kong mahina't kaunti na lamang ang aking enerhiya ngunit wala akong pakialam kung kailangan kong sagarin ang aking sarili para lamang maprotektahan sila, mga handa ring pumrotekta sa'kin ng kahit anong oras. Ang mahalaga ngayon ay ang masiguro ko ang kaligtasan nila.
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasi(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...