Naging mahaba ang araw na ito para sa kanya agad siyang nag ayos ng pantulog tsaka napagpasyahang tapusin na ang araw na ito. Sa dami ng nangyari sa araw niya iniisip niya na her body deserves a break, a total rest. Pagkahiga na pagkahiga niya agad naman siyang nakatulog, maya-maya lang lumalim at bumigat na ang kaniyang paghinga.
Sa kabilang banda, himbing na himbing na rin sa pagkakatulog ang iba, ilan sa kanila'y humihilik pa. Lingid sa kaalaman ng lahat ay may isang babae ang pumasok at tumatagos sa bawat pader na daraanan nito hanggang sa nakarating na ang babae sa kwarto ni Sabrina.
Mahinang nagchant naman ang babae ng isang invading spell sa ere ng buong kwarto.
~*Prin puterea de creaţie am să posede, să-mi invada ei în visele ei să dea indiciu la chestiunea a fost prin.*~
Isang puting liwanag ang lumukob sa buong silid.
Sabrina
~*~
Isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa'kin sa puting silid na kinaroroonan ko ngayon, until it slowly form to a human figure, a girl's figure. I see how elegant her dress is but I can't see her face, it was shining that I can't even stayed a stare on it.
"Sabrina."
Ang mga malalamyos niyang tinig na ginamit upang sambitin ang aking ngalan ay kay sarap pakinggan.
"Sino ka?"
"Ako ay ikaw at ikaw ay ako."
"Ha?"
Medyo malabo ata para sa akin ang mensahing iyon.
"Nasa'n ako? Bakit ako nandito?"
"Pinasok ko ang iyong panaginip. Upang bigyan ka ng babala."
"Anong klaseng babala?"
"Lumingon ka sa likod mo."
Ginawa ko naman ang kaniyang sinabi nang bigla na lang akong nahulog sa di ko alam na lugar. Basta ang alam ko lang ay nahuhulog ako.
Hinayaan ko na lang ang aking sariling magpatihulog habang may naririnig ako sa aking ulo, mga salitang tinuran niya.
"Arrrggghhh!"
Bullshit! Ang sakit ng balakang ko. Bumagsak kasi ako sa isang sahig sa 'di pamilyar na lugar. Agad naman akong nagkubli sa isang istatwa.
Pinagmasdan ko lang ang taong iyon na nagsusulat sa isang papel pagkatapos pinilas niya at iniipit sa isang lumang aklat. Kailangan ko 'yong makita.
Lumabas na 'yong taong 'di ko naman maaninag ang mukha. Dali-dali akong lumapit sa kinalalagyan ng aklat at kinuha ko ang aklat na kanina'y aking nakita.
"Libretto of Esotericus?"
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasy(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...