Chapter 21 Reviving Andrea

1.9K 52 5
                                    

Sabrina
~*~



Malapit ng magdapit-hapon kaya't nagpaplano na kami ni Gianina kung paano nga ba namin madadala si Andrea doon sa gubat malapit sa Navel ng hindi makakatunugan ng iba.

Madali na lang sana kung mapapatulog namin siya, wala ng problema sa gagamitin pampatulog dahil nakagawa naman agad si Gianina ng Sleeping Potion kaso nga lang no'ng sinubok namin ilagay iyon sa kakainin niya'y tila ba nabatid niyang may hinalo kami doon kaya tinanggihan niya.


"Paano ba natin siya madadala ng matiwasay?" napabuntong hininga na lamang si Gianina dahil sa frustration.

"Kung hindi natin siya madadala ng matiwasay bakit hindi na lang natin daanin sa dahas?" suhestiyon ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" may pagtatakang tanong nito sa akin.

Hindi ko na siya sinagot pa bagkus ay binigyan ko lamang siya ng isang nakakalokong tingin.




~*~




"Nakakasiguro kabang gagana 'yang plano mo?" may pag alalang wika nito.


Pagkatapos ko kasing ipaliwanag 'yong plano ay napangiwi na lamang siya't nagdadalawang isip.


"Napadalhan ko na siya ng mensahe Gi, paniguradong papunta na 'yon dito.

"Sana lang talaga gumana na ito."


Nandito kami ngayon sa gubat na sinasabi ni Jessa at hinihintay ang pagdating ni Andrea. Kung hindi man namin siya madala dito pwes siya mismo ang pupunta para sa akin. Ang kailangan na lang namin gawin ay ang patulugin siya na parte naman ni Gianina sa planong ito.


"Nandiyan na siya." pagbibigay hudyat ko kay Gianina.


Tsaka naman ito nagtago sa isang punong kahoy. Nararamdaman ko ang presensya ni Gianina na di malayong maramdaman din ito ni Andrea kung kaya nama'y binura ko ang presensya niya sa pamamagitan ng paglagay sa kinaroroonan niya ng presence barrier.


"Anong pag-uusapan natin, Sab?" bungad naman nito.


Nilingon ko ang pinanggalingan no'ng boses at blanko siyang tinitigan.

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now