Chapter 3 Love triangle?

4.9K 212 67
                                    

Sabrina
~*~


Pagkatapos namin sa boutique ay dumeretso kami sa Supermarket para sumunod doon sa tatlo. Hindi ko masasabing kakaiba or normal lang ba itong lugar na kinaroroonan ko sapagkat wala naman akong basehan sa mga bagay-bagay.


Isa akong napakalaking jigsaw puzzle na watak-watak, kahit isa wala pang nabubuo. Wala akong maalala sa nakaraan ko, ni katiting na memorya ay walang natira. Hindi ko rin ramdam na isa ako sa mga nilalang na ito.


Looks like I belong here with them, but it feels not.


"Sab, kanina ka pa tahimik diyan. May iniisip kaba?" tanong sa'kin ni Gigi.

"Iniisip ko lang na, sino ba talaga ako? Ano ba ako? Kung kayo ay Caster and Witch, eh ako? Ano ako? Bakit wala akong maalala?" paliwanag ko sa kaniya.

"We don't know yet Sab, but we will promise you that we are here to help. So don't worry, cheer up na." Andrea said and then she smile sweetly.


Lumibot-libot lang kami sa supermarket para hanapin 'yong tatlo.


"Andrea!!!"


Napalingon kami sa lakas ng boses na tumawag kay Andrea.


"Tss. You're too loud for a boy, Jomar." inirapan naman ni Andrea si Jomar.

"Ano nanaman?! Kaya ka nagmumukhang matanda, dollar girl. Tss. ang sungit!" si Jomar.

"What did you just say?!" nanlilisik na mata na tiningnan ni Andrea si Jomar.

"Uh-eh" yan na lamang ang nasabi ni Jomar sabay takbo, at 'yon na nga nagsimula na silang maghabulan sa loob ng supermarket na parang mga bata without minding all the people around them.


Napangiti nalang ako sa kanilang dalawa. There must be something between them. Napalingon naman ako sa dalawa na nasa tabi ko. Si Carlo nakatingin kay Andrea? Si Gigi nakatingin kay Carlo?


Huh? Anong meron?


Napansin naman ni Gigi na tinitingnan ko siya kaya agad  itong nag iwas ng tingin.


"Carlo, nasaan nga pala 'yong bugnutin mong kaibigan?" pagkuha ko sa atensyon ni Carlo. Ang tinutukoy ko ay si Almario.

"Ah, kasama lang namin 'yon kanina. Ewan ko nawala nanaman bigla."


Napatango na lamang ako sa sinabi niya.


Pagkatapos mabukulan ni Andrea si Jomar napagpasyahan na lamang naming umuwi at doon na lamang intayin si bugnutin.


"Andreaaaaa, sorry na kasi gumamit na lang tayo ng magic bean mo."


Kanina pa si Jomar nag-so-sorry sa ginawa niya kanina at nagmamakaawa na gumamit na lang ng magic bean sa pag uwi.


"In your dreams. You're too lazy, sila Sab and Gigi nga na girls they're not tired ikaw pa kaya na boy."

"Unless, you're a--" napahinto siya ng bigla siyang pinutol sa pagsasalita ni Jomar.

"Sige ipagpatuloy mo, makikita mo talaga ang hinahanap mo ms. Andrea Denisse Jaen." pagbabanta ni Jomar sa kaniya.


Napatikom naman ng mariin si Andrea at yumuko na lang, I guess she's really blushing right now.


Napatawa na lang kami ni Gigi sa inasal ni Andrea. Nang biglang may malakas na halakhak ang pumainlalang sa palagid. Agad naman kaming naalerto sa kung sino at saan man nanggaling 'yon. May kung anong kaba ang bumalot sa puso ko nang marinig ko ang tawang iyon, agad akong umabante sa harap mistulang shield ng aking mga kasama nang biglang lumitaw sa aming harapan ang isang babae na naka-pulang cloak. Ibinaba niya ang hood na tumatakip sa kaniyang ulo't mukha at tuluyan na ngang tumambad sa amin ang itim na itim nitong buhok, maiitim na mga labi at mapuputlang pisngi.


"Christine?!"

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now