Sabrina
~*~
"Pagod ka naba kuya? Malapit na tayo."
Narinig kong sabi ni Andrea. Habang naglalakad kami. Gustuhin ko mang gumamit ng kahit anong kapangyarihan na makatutulong sa'min sa paglalakbay ay hindi maaari. Baka may mga Underling pang umaali-aligid sa paligid at isa pa nasa limitasyon na ang aking lakas dahil simula pa kanina sa aming paglalakbay, lingid sa kaalaman nila ay naglagay ako ng invisible barrier para walang makakita sa'min.
"Don't worry, I'm okay."
Nagunguna ulit ako ngayon upang makasiguro sa mga daan na tatahakin namin.
"Sab, dahan-dahan naman naiiwan mo na kami oh." reklamo ni Andrea na ikinangiti ko. Hindi dahil sa nagreklamo si Andrea kun'di dahil narinig kami ni Carlo. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya niya ngunit 'di ko mawari kung saan nanggagaling iyon.
Si Carlo ay isang bampira kaya't di lingid sa aking kaalaman na mayroon siyang matalas na pandinig.
"Teka."
Huminto naman sila nang tumigil ako. Inintay ko munang makompirma kung si Carlo ba talaga 'yong may ari ng presensyang 'yon, at hindi naman ako nagkamali sa kaniya nga nanggagaling ang presensyang iyon. Sekretong pinawalang bisa ko ang invisible barrier na kumukubli sa'min.
"Carlo!"
Lumingon naman si Carlo sa direksiyon namin dahil sa pagtawag ni Andrea sa kaniya.
"Andrea?--Andrea!"
Agad namang tumakbo si Carlo papalapit kay Andrea at niyakap ito ng mahigpit.
"Mabuti naman at maayos lang kayong dalawa." sabi nito at saka sumulyap sa gawi ko.
Naramdaman ko naman agad ang pagdating ng presensya ni Gianina, na dali-dali ring tumakbo papunta sa direksyon na kinaroroonan namin.
Niyakap naman ako ni Gianina ng mahigpit na siya namang ginantihan ko rin ng isang mahigpit na pagyakap. Unti-unti ko namang naramdaman iyong pag angat-baba ng kaniyang mga balikat, indikasyon na siya na nga'y napaiyak na. Marahan ko namang hinaplos ang kaniyang likuran para patahanin siya. Sa kabilang banda, napadako naman ang aking mga mata sa direksyon Niya at napatitig sa nangungusap nitong mga mata na 'di ko mawari kung may pag aalala rin kaya.
"Maayos lang kami. Maayos lang ako."
I know he was able to read it on my mouth kaya't napansin ko namang nag iwas siya ng tingin. Nais ko rin sana siyang tanungin ngunit natigilan ako sa mundong aking nagawa nang kumawala na pala si Gianina sa aming pagkakayakap. Samantalang, nagsimula na rin kami sa aming paglalakbay pabalik sa kapitolyo ng Navel upang maihatid na namin ang nga impormasyong nakalap namin.
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasy(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...