Chapter 32 Father and daughter

2.1K 47 2
                                    

Sabrina
~*~



"Lady Sabrina, ipinapatawag na po kayo ng inyong ama sa hardin."



Kani-kanina lang ay katatapos lang namin kumain sa silid na ito, hinatdan na lamang kasi kami ng mga kasambahay ni Astron sa kadahilanang tinanghali na kami ng gising. Nakapag ayos na rin kami at handa na sanang lumabas nang bigla ngang dumating iyong katiwala ni Astron.


"Mauna na muna ako sa inyo, magkita-kita na lang tayo mamaya." sabi ko sa kanila at saka sumunod sa katiwala ni Astron.


Lady Sabrina ang tawag nila sa akin ngunit hindi ko pa magawang tawaging ama si Astron sapagkat hanggang ngayo'y hindi parin ako kumbinsido na siya nga'y aking ama.


Pagkarating namin sa isang pasilyo ay huminto siya. "Hanggang dito na lang po ako, diretsohin mo lang itong daan na ito sa dulo makikita mo na ang hardin ng kapitolyo." sabi nito tsaka ngumiting umalis.


Dahan-dahan ko namang tinahak ang daanan na sinabi niya hanggang sa marating ko ang pintuan ng isang silid. Walang pagdadalawang isip kong pinihit iyong siradura ng pintuan at saka ko naman ito nabuksan.

Isang nakasisilaw na liwanag ang sumalubong sa aking mukha at nang masanay na ang aking mga mata sa liwanang ng buong paligid, bumungad sa akin ang isang hardin na walang kasing ganda, isang napakaperpektong paraiso.


"Nagustohan mo ba ang aking taguan anak?" isang boses ang nagpabalik sa akin sa tamang pag iisip na saglit namang nawala dahil sa sobrang pagkamangha.

"Anong ibig mong sabihin?" may pagtatakang tanong ko naman sa kaniya.

"Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na hindi madali maging isang pinuno ng iba't ibang uri ng nilalang dito sa mundo. Kaya't dito sa lugar na ito nakakapagpahinga ako at kakaibang kapayapaan ang taglay nito sa'kin. Kapayapaang pinapangarap kong maramdaman din sa labas nitong hardin." paliwanag niya sa akin.

"So you're telling me na ikaw lamang ang nakakarating dito wala ng iba?"

"Oo maliban na lamang kung naisin kong may makarating dito bukod sa akin at ikaw na nga iyon ngayon." dagdag niya pa.


Kaya pala hindi na tumuloy iyong katiwala niya kanina.


"Tama ka diyan."


Napatingin naman ako ng masama sa kaniya. "Woah, I didn't intentionally read your mind. Masiyado ka lang ukupado kaya't hindi mo na napansin na nagiging pabaya ka na sa mga iniisip mo."

"Whatever."


Naghanap na lang ako ng punong mapag uupuan, sakto namang nahagip ng mga mata ko iyong malapad na ugat ng puno sa tapat ng malinaw na batis. Looks like it's meant for sitting in the first place. Agad ko naman iyong pinuntahan.


"Hindi kaba uupo?" saad ko sa kaniya nang mapansin kong hindi pala siya sumunod sa akin.

"Ay, pasensya ka na." agad naman itong lumapit sa kinaroroonan ko't tumabi.

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now