Chapter 8 The Bush

3.2K 163 50
                                    

Sabrina
~*~



Tatlong linggo na rin ang lumipas pagkatapos kong makasama ang mga kasama ko ngayon. Month of June na it means pasukan na daw sabi ni Andrea, tapos na daw nila maasikaso ni Jomar 'yong mga papeles ko kaya heto ako ngayon nag aayos at naghahanda na papasok.

Pagkatapos ko mag ayos pumunta na agad ako sa kitchen, I guess ako ang nauna kasi wala pang tao dito kaya naisipan ko na lang magluluto ng breakfast. I cooked bacon, egg, hotdog, tocino and fried rice. After no'n ay nagboil ako ng water for coffee at tsaka nag ayos na ng lamesa.

Unang dumating ay si Almario.


"Breakfast na." alok ko sa kaniya.


He just nodded and sit to his chair. Ang awkward ng ere kaya naisipan ko na lang na gisingin na lamang yong iba.


"uhm... Gigisingin ko na lang muna sila." 'di ko na siya inintay pang sumagot at naglakad na pero 'di pa ako nakakalimang hakbang ng bigla siyang magsalita.

"Umalis na silang lahat. Actually, tayong dalawa na lang ang nandito sa dorm." sabi niya saka sumimsim ng kape sa kaniyang tasa.

"Ahh gano'n ba?" dahan-dahan na lang akong umupo sa upuan ko at nagsimulang kumain.

"Eh ikaw? Ba't di ka pa sumama sa kanila?"

"Sabi ni Andrea sabay na lang daw tayo."

Natapos na siya agad kumain, "Sa labas na lang kita intayin." matipid na wika nito.


Niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at nalinis ko na rin 'yong mga gamit na ginamit namin. Pagkatapos ng mga gawain sa kusina'y napagpasyahan ko ng lumabas, at ayon nga nag iintay si Almario sa labas ng nakapamulsa.


"Let's go."


Tumango naman ako bilang tugon.

It's been 5 mins. of walking but none of us break the silence lurking in the air, so I have decided na ako na lang ang magsisimula. Baka mapanis ang laway ko sa kaniya.


"Saan daw ba natin sila mahahanap?"

"Sa may entrance, may mini store doon. I'm sure nandoon sila." sagot naman nito.

"Ah, okay."



~*~



"Here Sab!"


Natatanaw ko na si Andrea na kumakaway sa may mini store sa tabi ng gate ng academy. Nginitian ko sila.


"Ready ka na?" tanong sa'kin ni Gianina.

"Oo naman." sagot ko 'saka kiming ngumiti.

"So, what are we doing now? Pumasok na tayo." energetic namang wika ni Andrea.

"Sus! Excited ka lang pumasok kasi nandiyan 'yong crush mo." pasaring naman ni Jomar.

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now