Chapter 26 Finally found Andrea

1.9K 68 6
                                    

Sabrina
~*~



Pagmulat ko ng aking mga mata ay isang engrandeng kisame ang bumungad sa aking paningin. Inilibot ko ang aking paningin. Nasa isang silid nananan pala ako. Ngunit kanino naman ito?


Teka. Si Mabel?


Wala pang isang araw ay nagkalapitan na kami ng loob dahil mabait siya at madaling pakisamahan. Alam ko namang nais lang ni Ashton na pabantayan ako kay Mabel at makakuha ng impormasyon. Naiintindihan ko naman siya dahil para lamang iyon sa kaligtasan ng kanilang tribu.

Nagkaroon na rin kami ng tawagan, tawagin ko na lang daw siyang Bel at itatawag naman daw niya sa'kin ay Sab. Agad naman akong sumang-ayon dahil Sab rin naman 'yong tawag sa'kin nila Gigi at Andrea. Speaking of Andrea, kamusta na kaya siya?


"So, bakit ka nga pala napadpad dito Sab?" may pag aalinlangan naman sa mga boses niya habang tinanong niya iyon. Nararamdaman ko rin 'yong bilis ng tibok ng puso niya. Kinakabahan siya dahil sisimulan na niyang magtanong sa'kin para makakuha ng impormasyon.

"Hinahanap ko ang aking kaibigan. Hindi ko naman sinasadyang mabuksan ang lagusan niyo. Dahil rin siguro sa curious ako ay pinasok ko nga 'yong lagusan na 'yon. Hanggang sa bigla na lang may umatake sa'kin hanggang sa mawalan ako ng malay." paliwanag ko sa kaniya. Sinabi ko lahat ng totoo. After all, malinis naman ang intensiyon niya sa pagtatanong.

"Ah gano'n ba? Pasensya ka na kay Ashton-- sa mahal na prinsipe. Nais lang niya na maging ligtas ang tribu namin sa mga masasama. Pero alam mo, hindi ko naman nararamdaman na masama ka eh." sabi niya na nakapagpangiti sa'kin. Nakakatuwang isipin na maraming nagsasabi sa'kin na ako'y mabait at tila ba hindi kayang gumawa ng masama sa kapwa. Kung may naaalala lang sana ako siguro lubos ang kagalakan sa aking puso ngayon. Ngunit wala, ni hindi ko kilala ang aking sarili kong mabait ba talaga ako o masama.


Konting katahimikan ang lumukob sa'ming dalawa hanggang sa magsalita siyang muli at niyaya akong maglakad-lakad. Hindi na siya nagtanong pa.

Marami kaming napagkwentuhan at minsa'y napapatawa pa ako sa ekspresyon ng kaniyang mukha nang biglang makakasalubong namin si Ashton.

Nagpaalam na si Mabel sa'min. Dinala naman ako ni Ashton sa isang napakagandang lugar. Nakakagaan sa pakiramdam pagmasdan. Sa lugar na iyon ay sinabi niya sa'kin ang masaklap na nangyari sa kaniyang tiyahin at ina. Nakikisimpatya ako sa nangyari nang bigla na lamang nagkaroon ng isang malakas na pagsabog. Pag sabog na nakapagpatalsik sa'ming dalawa sa iba't ibang direksiyon.

Makapal na usok ang bumalot sa buong lugar, kakaibang enerhiya naman ang kalakip ng mga usok. In-enhance ko lahat ng maaari kong i-enhance dahil sa pagkakataong ito nakatitiyak akong mapapalaban ako. Ilang saglit pa nang biglang may sumugod sa'kin mula sa likod na agad ko namang nasalag. Babaeng Underling. Walang ka emo-emosyon ang kaniyang mga mata na animo'y nasa isang malalim na hipnotismo.

Sa kabilang banda naman naramdaman kong nagmamasid si Ashton at naghahanda nang makisali ngunit hindi ko siya hinayaan, sa halip ay gumawa ako ng isang barrier. Barrier na hindi ko lubos maisip na kaya ko palang gawin habang nakikipaglaban ngunit saglit naman akong nagtaka dahil sa pananakit ng aking leeg na animo'y pinapaso.


Dahil sa ala-alang iyon ay agad akong napabalikwas ng bangon at lumapit sa isang salamin. Doon nakita ko ang aking repleksiyon, nakikita ko ang aking leeg na mayroon ng isang marka. Itim na marka. Napakagandang marka. Habang hinahawakan ko ang aking marka ay agad namang bumalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari kanina.

Sabrina: The Unknown KindWhere stories live. Discover now