Ashton
~*~
"Dahil sa Underlings."
Apat na salitang nakapagbigay sa'kin ng kirot sa puso ko. Hindi maaari. Hindi pwedeng madawit nanaman kami sa mga Underlings.
"Patawad. Kung dahil sa Underlings kaya ka napadpad sa teritoryo namin ay baka hindi ka na namin patuluyin dito ng matagal. Ilang taon din kaming umiwas para hindi madamay ang buong tribu at ang katahimikan nito. Kahit pa isakripisyo namin ang hustisya para sa aking ina."
Tumahimik siya nang masabi ko 'yon. Inintay ko siyang magsalita ngunit kahit anong tunog ay wala akong narinig mula sa kaniya. Tila ba may nag-uudyok sa'kin na ipagpatuloy ang aking pagkukwento na hindi ko naman naging gawain, not until now na dumating siya.
"Bago ko ikuwento sa'yo ang tungkol sa aking ina, let me ask you a question." tumango naman siya. "By any chance, did you know Lady Asha?" tanong ko sa kaniya na nakakuha agad ng interes niya dahil lumingon siya sa gawi ko.
"Hindi." walang pag-aalinlangan niyang sagot sa'kin.
Siguro nga coincidence lang na maging magkamukha sila. At isa pa, dapat pamilyar siya sa lugar na 'to dahil siya ang nagturo sa akin nito.
"Sino ba siya?"
"Siya ang half sister ng aking ama, kaibigan ng aking ina at ang tunay na tagapagmana ni Apo Juancho sa trono, ngunit dahil sa sama ng loob nito sa kaniya ay napagdesisyunan niyang ibigay na lamang ito kay ama." batid kong nais pa niyang malaman ang ugat nito dahil sa pag iba ng timpla ng kaniyang mukha na tila ba naguguluhan sa aking mga sinabi.
"Hayaan mong ikwento ko sa'yo sa pribadong pamamaraan."
Tumango naman ito bilang pag sang-ayon. Sinubukan ko naman agad na pasukin ang kaniyang isipan ngunit nabigo ako dahil malakas ang harang na nagpoprotekta dito. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi ko nababasa ang kaniyang isipan.
"Hayaan mo akong papasukin." hinawakan ko siya sa kaniyang kamay, agad naman siyang napapikit at dahan-dahang nagliwanag na ang kaniyang isipan at tuluyan ko na nga itong napasok.
Sa pamamagitan ng pamamaraan na 'yon ay malaya ko ng maipahahayag ang kwento ko. Ang mga nalalaman ni ina na isinalin niya sa'kin bago siya mawala sa kamay ng Underlings. Batid kong maikling panahon lang kaming magkakilala ngunit ayon sa aking kutob, isip at puso na dapat ko siyang pagkatiwalaan, dahil may kakaiba sa kaniya na dapat ko ring malaman.
"Ikuwento mo na sa'kin Ashton."
At sinimulan ko na nga...
Usap-usapan daw noon dito sa tribu namin na may karelasyon si Lady Asha na isang dark magic user ngunit sabi ng aking ina ay hindi naman daw dark magic user si Astron. Nagpatuloy ang lihim na relasyon nila hanggang sa may isa raw'ng estranghero ang nagbigay alam nito kay Apo Juancho. Walang nagawa si Ina maski si Ama sa parusang ipinataw ni Apo kay Lady Asha. Tinanggalan niya ito ng karapatan sa trono at ang kalayaan nitong makihalubilo sa iba maliban sa mga kasambahay, alalay at kamag anak nito.
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasy(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...