Sabrina
~*~
"Hindi pa nalalaman nila Carlo kung sino 'yong nagpasabog no'ng araw na dinala ka ni Almario sa clinic." tuloy-tuloy na sabi ni Andrea habang nandito kami sa canteen at kumakain.
"Kailan ba ang pagsabog?"
"Hmm... Siguro mga pagkatapos ka niyang madala."
"Tapos diba sabi niyo nawala ang araw? Anong nangyari?" tanong ko sa kanila saka mas lalo pang naramdaman ang sobrang init ng panahon.
"Oo, tapos napalitan ng buwan. Pero bumalik din lahat sa dati." paliwanag naman ni Gigi.
"Gano'n?"
"Yeah."
Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang mas lalo pang naguguluhan.
Ano bang meron sa marka kong matang kulay lila?
Ilan kaming merong ganitong marka?
Ano ba talaga ako?
Sino ba talaga ako?
Nang matapos na kami sa pagkain, ala una na ng hapon at kailangan na naming pumasok para sa susunod naming klase.
"Bakit ba nakasunod ka sakin?" naiinis na tanong ni Andrea kay Jomar.
"Magkaklase tayo, malamang pupunta din ako ng room. Oy nag-aassume." pang-aasar naman nito.
"Nang-iinis ka ba?"
"Hindi. Nang-aasar."
Akmang babatukan ni Andrea si Jomar ngunit agad nitong nahawakan ang kaniyang kamay.
"Sorry na, ang bango mo kasi ngayon." saka inamoy niya si Andrea sa bandang leeg.
"Bastos!"
At doon na naramdaman ni Jomar ang malakas na sampal. Naglakad naman ng mas mabilis si Andrea para hindi makalapit si Jomar sa kaniya. Ngunit parang nalimutan niyang si Jomar ay isang taong lobo.
"Pwede bang kahit man lang limang minuto eh hindi mo 'ko lapitan? Para naman kahit sa konting oras eh maramdaman ko naman 'yong salitang 'peaceful'." naiiritang sabi ni Andrea.
"Limang minuto? Hmm... Sige. 1......2.....3.......4"
At nagsimula na nga itong magbilang. Mas lalo lang nainis si Andrea. Napapangiti na lang ako habang tinitingnan silang dalawa.
"Hmm... Carlo, 'yong sa pagsabog, may clue ka na ba kung sino ang gumawa no'n?" rinig kong tanong ni Gigi kay Carlo.
"Ha? Diba nga hindi na natin 'yon dapat pinoproblema? It's been four days." sagot naman nito ng hindi man lang tinitingnan si Gigi dahil hanggang ngayon ay kay Andrea parin siya nakatingin.
"Ah oo nga pala." niyuko ni Gigi ang kaniyang ulo. "Hmm... Carlo?"
"Ano?!" naiirita nitong tanong.
"P-pwede bang mamayang hapon eh sabayan mo akong magbasa ng mga libro. G-gusto ko lang na kasama ka."
"Ha? Kay Sab, oo tama, kay Sab ka nalang magpasama."
Bumuntong hininga si Gigi.
Bakit ganito sila?
"300! 300 na Andrea! Five minutes na!" natutuwang sabi ni Jomar saka niya muling nilapitan si Andrea.
Hanggang sa nakita ko nalang na biglang sinuntok ni Carlo si Jomar.
Nagkagulo ang lahat.
Ano bang nangyayari?
Shit!
"Ayaw nga ni Andrea na lapitan mo siya!" sigaw ni Carlo kay Jomar.
"Bakit ka ba nangingiialam?!" pasigaw na tanong naman ni Jomar sa kaniya habang pinipigilan nito ang sarili na saktan si Carlo.
"Naiirita na siya sayo, gago!"
Hindi na natuloy pa ni Carlo ang muli sanang pagsuntok kay Jomar dahil inawat na ito ni Almario.
Balak sana naming pumasok ng klase pero dahil sa nangyari, hindi na lamang kami tumuloy. Dumiretso nalang kami ng dorm, para pahupain ang gulo sa pagitan ni Carlo at Jomar.
Habang nasa iisang kwarto kaming lahat, nag-uusap na sila ng maayos. Kinakausap na sila ni Andrea.
Pero ako, tila may sarili akong mundo. In-enhance ko ang sense of sight at doon ko nakita ang isang babae, magandang babae, sa may bandang gubat. Mukhang nasa 30's na siya at mas lalo akong nagulat ng makitang nakatitig siya saking mga mata.
Saan ko nga ba nakita ang babaeng 'to?
Bakit parang pamilyar siya sakin?
Akmang maglalabas ng salita ang babae kaya in-enhance ko narin ang sense of hearing ko. Kasabay ng pagbukas ng kaniyang bibig, ay ang pagkawala ng isang salitang mas lalong nagpagulo ng aking isip.
"Anak."
YOU ARE READING
Sabrina: The Unknown Kind
Fantasy(SABRINA TRILOGY #1) No one knows who she was. No one knows where did she belong. She has a name but temporary. She have something that others don't. She has a mind but not memories. Book Cover: AyskremBeybi Date Started: July 12, 2017 Date Fin...